Chapter Twenty-Eight

2 0 0
                                    


a/n: Two chapters and Epilogue left!

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Juno. "Ang dami mo pa atang dala,"

Bigla na lang kasi siyang sumulpot sa bahay nang walang pasabi tapos sasabihin na may pupuntahan kami. Tuloy nagmadali akong mag-ayos. Sabi niya magsuot daw ako ng preskong damit kaya naiisipan kong mag-dress na lang. Nagdala rin ako ng maliit na bag na phone, wallet tapos ilang mga gamit ang laman.

"Picnic," sagot niya.

"Ano meron at naisipan mong mag-picnic?" tanong ko habang tinutulungan siyang ayusin 'yung picnic mat na dala niya. Nakarating agad kami dahil wala namang traffic at medyo malapit lang naman.

"I just feel like taking you out for a picnic," sagot niya.

Napangiti ako. Pero syempre hindi ko pinahalata na kinikilig ako. Napatigil lang ako sa pagmumuni-muni nang magsalita si Juno.

"Kinikilig ka na naman," pang-aasar.

"Heh!" inirapan ko siya.

Tinawanan niya lang ako saka nagpatuloy sa ginagawa niya. Pagkatapos naming ilatag 'yung mat, tinulungan ko naman siyang ilabas 'yung mga dala niya. May isang basket siya na puro pagkain ang laman. Tapos may isang bag na mga libro at board games naman ang laman.

"Sa'n mo nakuwa 'tong mga libro?" tanong ko.

"Sa bahay. Madaming libro do'n. Pinili ko lang 'yung magaganda," sagot niya.

Oo nga pala. Marami nga palang libro sa bahay nila. Sino kaya nagbabasa ng mga no'n?

"Ang sarap ng hangin!" sabi ko habang nakahiga at nakataas ng kamay.

Tumingin ako sa gilid ko nang naramdamang umupo siya roon. Inangat ko ang ulo para ipatong sa hita niya. Agad naman niyang hinawakan ang kamay ko. Hinihimas-himas lang niya 'yon. Ang sarap ng ganito. Tahimik. Payapa lang.

Pinikit ko ang mga mata ko at dinama ang hapas ng hangin sa balat ko. Sa pagpikit ko ng mata ko, isang alala ang nakita ko. O panaginip.

Kumuha ko doon saka kinain. Kumuha din ako ng ibang chitchirya at iyon ang kinain. Tahimik lang kami dalawa. Walang nagsasalita sa'min. Pareho naming dinadama ang darap ng panahon.

Ang sarap ng ganito

Nang maubos ang hawak ko ay humiga ako saka pinikit ang mga mata. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Presko ang hangin. Tahimik, maganda ang panahon. Sana laging ganito.

Ganitong-ganito rin ang itsura no'n. Nagpi-picnic kami. Pero sa pagkakataon na 'to nakikita ko na ang mukha niya. Malinaw na. Alam kong siya ang kasama ko sa panaginip kong 'yon

"Ano inisip mo?" tanong niya.

Dahil sa tanong niya napadilat ako ng mata ko. "Bigla ko lang naalala 'yung panaginip ko,"

"Bakit ang ganda mo?"

Napatulala ako kanya. Hindi ko akalain na sasabihin niya 'yon. Naririnig ko 'yan sa iba pero bakit kapag galing sa kanya iba dating?

"Ang daya mo!"

"Come on. Talo ka,"

Naglalaro kami ng chess at dahil hindi ako magaling sa ganitonng laro, talo ako. Pa'no ba naman ang galing niya! Dinadaya ata ako nitong si Juno eh!

"Ibang laro na lang! Hindi naman kasi ako magaling dito eh," reklamo ko.

Tumawa siya. "Isa pa. Last game," sabi niya.

"Ayoko na," umiling ako. Ipagmamayabang lang naman niya na magaling siyang sa chess eh. Alam ko naman na hindi ako magaling hindi na kailangan ipamukha sa'kin.

DreamWhere stories live. Discover now