"Thank you!" sabi ko.
Kakatapos lang ngayon ng unang draw ng photoshoot namin. Hanggang bukas na lang naman dahil two days lang ang photoshoot.
"See you tomorrow," ngumiti sa'kin si Juno bago naglakad paalis. Kumaway pa siya bagoo tuluyang lumabas ng studio.
Dahil do'n ay hindi ko maiwasang mapangiiti. Agad din naman napunta sa iba ang atensyon ko nang biglang mag-ring ang cellphone ko.
"Hi!" masayang bungad ko pagkasagot ng tawag.
[Hi, I'm already here. Are finish?] tanong niya.
Kinuha ko ang bag ko saka naglakad palabas. Kumaway din ako sa ilang taong nandoon pa. "Yes. Palabas na ako,"
[Okay. I'll wait for you,]
"Okay,"
Pagkalabas ko ay nakita ko agad si Jerson na nakasandal sa may kotse niya habang hinihintay ako. Nang makita ako ay agad siyang ngumiti at umayos ng tayo. Yakap agad ang natanggap ko nang makalapit ako sa kanya. Natawa ako nang higpitan niya ang pagkakayakap sa'kin.
"I miss you," bulong niya.
Hinigpitan ko rin ang pagkakayakap sa kanya. "I miss you too,"
Sandali pa kaming nanatili doon nang magkayakap. Kung hindi ko pa siya sinabihan ay hindi siya hihiwalay sa pagkakayakap sa'kin.
"Do you want to go somewhere?"
"Dagat?" nakangiting sabi ko.
Tumango lang siya at nagmaneho papuntang dagat.
Mabilis kaming nakarating pupuntahan dahil wala masyadong traffic. Pagkahinto ng kotse ay bumaba agad ako at tumakbo papunta sa tubig. Para akong batang unang beses nakapuntang dagat.
Hinubad ko ang sapatos ko at umupo sa buhangin. Ramdam na ramdam ako ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. Naramdaman kong may nakatayo sa likod ko kaya tumingala ako. Nakatingin siya sa'kin-sa mga mata ko- habang nakangiti.
Sa hindi malamang dahilan ay nakita ko si Juno. Biglang nag-flash sa utak ko ang mukha niyang nakatingin sa'kin habang nakangiti. Umiling ako.
Why am I thinking of him?
"You still have work tomorrow right?" tanong niya.
"Oo," makikita ko na naman siya. "'Wag na muna nating isipin 'yon," ayoko munang isipin siya.
"Dahlia,"
Tumingin ako sa kanya. "Hmm?"
"I love you,"
Para akong napipi. Gusto kong sagutin ang sinabi niya pero parang ayaw bumuka ng mga labi ko. Tinignan ko siya sa mga mata. Kumikinang ang mga mata niya habang nakatingin sa'kin. Hindi man niya sabihin, hindi man siya nakangiti, alam kong masaya siya. Gano'n din kaya ang mga mata ko ngayon?
"I love you, too,"
Nginitian niya ako bago umusog papalapit sa'kin. Inakbay niya ang isang kamay niya sa'kin habang ang isa naman ay nakahawak sa kamay ko at marahang hinihimas 'yon.
Why am I feeling this way? I don't feel the same,
"Smile a bit. Slightly look at at the camera," I instructed.
Agad niyanng sinunod iyon kaya napangiti ako. Like the other photoshoots, I was smiling the whole time.
"Last day na ngayon," sabi niya.
YOU ARE READING
Dream
RomanceKakaibang lugar nang pagkikita. Lugar na hindi mo akalain na pwedeng maging dahilan upang magkaibigan ang dalawang tao. Mamahalin ba nila ang isa't isa o pipiliing kalimutan ang mga bagay na nangyari sa lugar ng kanilang tagpuan?