Chapter Three

24 2 4
                                    


Walang pang halos isang isang linggo simula nung photoshoot niya ay meron ulit. Kila Elle pa din naman, pero this time, sila naman ang model, tapos ako ang photographer. Hindi daw kasi pwede ngayon photographer nila kaya ako na lang. Wala namang problema sa'kin. Wala ding siyang pasok kaya sasama siya sa'kin.

"Dahlia!" Masiglang sigaw ni Elle na tumatakbo papalapit sa'min. Nang makalapit ay agad niya akong niyakap.

"Wala si Cedric?" tanong ko. Hindi ko kasi napansin. At parang walang nakasunod kay Elle.

"Wala pa nga eh! Kokotangan ko 'yon pagkadating," naiinis na sabi ni Elle. Nakapinti sa buong mukha niya ang pagka-inis.

Yari ka Cedric.

Maya-maya din ay dumating na si Cedric. Sunod-sunod na sermon at hampas ang natanggap niya kay Elle. Todo iwas naman ang isa kaya mas lalong nagalit si Elle. Kulang na lang may lumabas na usok sa ilong at tenga ka.

"Apakabait niyong dalawa," bulong sa'min ni Cedric, habang naglalakad. "tinawanan niyo lang ako." Sa pananalita niya ay para siyang trinaydor.

Gaya kanina ay tinawanan lang ulit namin siya. Nag-set-up na ako habang 'yung dalawa naman ay nagpapalit na nang damit. Nagtalo pa sila bago nagpalit.

"Okay na?" tanong ko kay Elle. Solo muna ang gagawin namin at si Elle ang nauna.

"Okay na!" Sigaw niya habang naka-thumbs up.

Nag-umpisa na akong kumuha ng mga litrato sa iba-ibang angulo. Ilang damit din iyon kaya medyo natagalan kami.  Madami din kasing shots ang ginawa ko.

"Patingin!" Sigaw ni Elle, habang tumatakbo papalapit sa'kin. "Ang ganda!"

"Cedric!" Tawag ko. "Ikaw na!"

Lumapit naman agad siya sa'min. Nakasunod din siya sa kanya. Pinapwesto ko na si Ceedric saka nag-umpisang kumuha ng mag litrato. Mas tagalan kami kay Cedric dahil tawa siya nang tawa, lagi tuloy nasisita ni Elle.

"Hello!!" Lahat kami ay napatingin sa pinanggalingan ng sigaw.

"Freya?!" Sabay-sabay naming sabi.

Nakakapagtaka na nandito si Freya. Hindi namin inaasahan ang pagdating niya. Hindi nga namin alam kung pa'no siya nakarating dito, eh hindi naman niya ang location namin.

"Pa'no ka nakapunta dito?" tanong ni Cedric.

"Lumipad," sagot ni Freya, sabay tawa. "Joke! Nakita ko kasi story ni Elle, tapos naisip ko na pumunta dito."

"Hindi naman kasali, pupunta dito." pabulong na sabi ni Cedric pero halata namang narinig iyon ni Freya.

"Walang may paki. Saka hindi ikaw pinunta ko, si Dahlia at Elle," sagot naman ni Freya.

Kung hindi si Elle at Cedric, si Freya at Cedric naman ang madalas mag-asaran. Sa tuwing nagkikita-kita kami ay lagi nilang pinipikon isa't isa. Kaya, habang tumatagal nasasanay na kami sa kanila.

Nang matapos ako kay Cedric, magkasama naman sila ngayon. Parehong damit pa din tapos may ibang pang design. Kung ano-anung pose ang pinagawa ko sa kanila. Merong, medyo nakasandal si Elle kay Cedric. Meron ding magkaakbay sila habang ang paa nila ay bahagyang nakataas paharap, at madami pang iba. Lakas talaga chemistry ng dalawang 'to.

"Ang gaganda!" Masiglang sabi ni Elle.

Busy silang tatlo sa pagsilip sa mga pictures na kinuha ko. Nag-aagawan pa sila sa camera.

Napatingin ako sa kanya ng akbayan niya ako. Hindi siya nagsalita, nanatili lang siyang nakatayo sa gilid ko. Umusog ako ng kaunti palapit sa kanya.

DreamWhere stories live. Discover now