Chapter Six

6 1 0
                                    


Kinabukasan magtatanghali na ako nagising. Wala naman akong mahalagang dapat gawin kaya hindi ko kailangang gumising ng maaga. Pagkababa ko nakita ko siya at kapatid ko sa sala. Si mama naman ay wala. Mukhang nagpuntang palengke. Nagpunta muna akong sala bago pumuntang kusina para kumain.

"Good morning," bati niya.

"Good morning," bati ko.

Naupos muna ako doon sandali. Nag-cellphone, paminsan-minsan ay nanonood sa T. V.

"Hindi ka pa kakain?" tanong niya.

"Kakain na," sagot ko saka tumayo at dumiretso sa kusina.

Pagkadating kong kusina ay agad kong tinignan kung ano ang almusal.

Kamoteng kahoy

Tumayo ako para magtimpla ng kape at kumuha ng asukal. Pagkatapos ay bumalik na ako sa lamesa para kumain. Habang kumakain ay nagce-cellphone ako.

Natigilan ako sa pagkain ng maramdamang umupo sa katabi kong upuan.

"Hindi ka pa kumakain?" tanong ko.

"Kumain na. Sasabayan lang kita," sagot niya saka kumuha ng kamote at kinain.

Gaya ng sabi niya ay sinabayan niya akong kumain. Panay rin ang pangungulit niya sa'kin. Kinakalabit niya ako, at kapag lumingon ako ay susubuan niya ako ng kamote.

Saktong pagkatapos naming kumain ay dumating si mama. Gaya ng inisip ko kanina ay galing mga siya sa palengke.

"Tulungan kita, ma?" prisinta ko.

Sumang-ayon naman si mama sa'kin. Hinugasan ni mama 'yung ibang gulay habang ako naman ang naghihiwa.

"Maghiwa ka lang dyan. Papakuluan ko na 'yung baboy," sabi ni mama.

Nagpatuloy lang ako sa paghiwa hanggang sa matapos. Nang handa na ang baboy ay nilagay ko na ang ibang gulay. Halos ako ang kumilos, habang si mama ay nakabantay lang sa'kin. Sinasabi niya kung ano na ba ang dapat kong isunod.

Pagkatapos magluto ay maghain na ako para makakain na kami.

"Kain na," sabi ko.

Nag-umpisa na kaming kumain. Hindi muna ako kumain dahil tinitignan ko ang realsyon nila.

"Masarap?" tanong ko.

Nag-thumbs up lang siya sa'kin at ngumiti.

"Hindi masarap," sabi naman ng kapatid ko, habang nagkukunwaring nasusuka.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagsimula na ding kumain.

Pagkatapos kumain ay naghugas na ako. Habang naghuhugas ay naka upo siya sa lababo at pinanonood akong maghugas.

"Baka masira lababo namin," pang-aasar ko sa kanya.

"Hindi 'yan," sagot naman niya.

Hanggang sa matapos akon maghugas ay nag-aasaran lang kaming dalawa. Kung ano-anung pang-aasar ang ginawa namin sa isa't.

Nung hapon ay naisipan naming mamasyal, kami nila mama. Wala naman gagawin sa bahay at saka matagal na 'yung huling beses na nakapag-bonding kaming pamilya.

"Doon kayo ma," sabi ko saka tinuro ang isang spot. Agad namang pumunta doon si mama, "Jason, doon ka din,'

Nang nadoon na sila aya inihanda ko na ang camera ko. Pero bago ko pa sila makuhaan ng picture ay may humawak sa kamay ko.

"Sama ka. Ako na magpi-picture," nakangiting sabi niya.

Umiling ako. "Ikaw na lang. Bilis! Sama ka kila mama," sabi ko.

Hindi na naman siya tumanggi pa, lumapit na lang siya kila mama at tinabihan sila. Ako naman ay kinuhaan sila ng picture.

Mas mukha pa siyang anak kaysa sa'kin.

Matapos ang ilang kuha ay ako naman ang sumama kila mama at siya maman ang kumuha ng picture. At syempre hindi pwedeng wala kaming picture na magkakasama. Saktong mag dumaang tao kaya nagpa-picture kami. Buti ay pumayag.

Habang tinitignan ang picture ay hindi ko maiwasang mapangiti. Sana lagi kaming gan'to.

Naramdaman kong inakbayan niya ako. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para kumuha ng litrato. Dahil biglaan at ako lang ang nakangiti sa'ming dalawa.

Natapos ang araw na 'yon nang magkakasama kami at masaya, puno ng saya

"Saan tayo pupunta?"

"Secret," sabi niya. "Magugustuhan mo 'yon."

Ngayong araw na ang alis namin. Gustuhin man naming manatili pa ay hindi pwede. May trabaho siya at ako naman ay mga aasikasuhin. Pwede naman akong bumalik dito kahit kailan ko gusto.

Nag-aayos ako ngayon ng gamit ko. Kumukuha din ako ng ibang damit sa cabinet ko at iniiwan ko naman 'yung ibang dala ko.

"Okay na ba 'tong dala ko?" tanong ko sa kanya.

"Parang kulang pa nga eh," sabi niya sabay tawa.

"Mag-iingat kayo ha?" paalala ni mama.

"Opo," sagot ko.

"Sige na. Tawagan mo ako 'pag naka-uwi na kayo,"

"Opo," sagot ko, sabay timhin kay Jason, "Alagaan mo si mama,"

"Oo," sagot niya.

Pagkatapos magpaalam sa isa't isa ay sumakay na ako sa kotse. Nauna na siyang nagpaalam kila mama at sumakay sa kotse. Binaba ko ang bintana saka kumaway kila mama. Nang makalayo ay sinara ko na ulit iyon, habang sila mama naman ay pumasok sa sa loob ng bahay.

Napatingin ako sa paligid nang huminto ang kotse. Wala kami sa condo ko o sa condo niya. Hindi ko din sigurado kung nasaan kami, hindi ko kasi makita nang maayos dahil medyo madilim. Nauna siyang bumaba kaysa sa'kin. Nanatili muna ako doon sandali bago bumaba. Pagkababa ko ay agad dumampi sa aking balat ang malamig na simoy ng hangin.

Niyakap ko ang aking sarili para kahit papaano ay maibsan ang lamig. Naramdaman ko naman ang presensya niya sa tabi ko. Dahan-dahan ding gumapang ang kamay niya paikot sa aking balikat. Hinila niya ako ng kaunti para mas mapalapit ako sa kanya. Dahil sa ginawa niyang iyon ay unti-unting nawala ang lamig na nararamdaman ko.

Nanatili kaming gano'n ng ilang minuto. Walang nagsasalita. Tahimik lang kami pareho. Dahil sa katahimikan na bumalot sa'min ay rinig ko ang mga dahong nililipad ng hangin, rinig ko rin ang mga kuliglig, ramdam na ramdam ko ang bawat hampas ng hangin sa aking balat.

Kahit walang nagsasalita sa'min ay wala akong naramdamang kahit kaunting awkwardness o pagkailang. Pakiramdam ko, kahit hindi kami nagsasalita ay nag-uusap ang mga puso namin. Na para bang tinatawag ang isa't isa. Kakaiba rin ang nararamdaman ko. Ang gaan sa pakiramdam. Bagay na bibihira ko lamang maramdaman. Bagay na isang beses pa lamang nangyayari sa'kin at sa isang tao ko lang nararamdaman. Bagay na nararamdaman ko lang sa taong mahal ko.

To Be Continued

-----------------------------------------

:)

a/n: A short but meaningful chapter

DreamWhere stories live. Discover now