Chapter Sixteen

2 1 0
                                    


a/n: Happy New Year !!

"Sino daw 'yung model?" tanonng ni Lia.

Kababalik ko lang dito sa studio at syempre sinabi ko na rin sa kanila 'yung nalaman ko. Kaya nga ayan walang tigil sa pagtatanong sa'kin. Hindi man lang muna ako hinayaan makaupo.

"Hindi pa alam, mamaya na daw na lang niya sasabihin," sagot ko ko.

Okay lang namam sa'kin na hindi muna sabihin kung sino 'yung model. Pero hindi ko lang ma-gets 'yung point nila, mahiyain ba 'yung model? Special na tao ba siya?

"Swerte mo, ikaw 'yung gusto nilang photographer,"

Maski ako ay nagulat nang sabihin sa'kin na request daw talaga ako 'yung photographer. Dapat na ba akong kiligin?

"Iba level ni madam," pang-aasar ni Alex.

Sinabayan naman siya nung dalawa sa pang-aasar. Ito na ba ang karma ko sa pang-aasar ko sa kanila?

Maya-maya rin ay nagsimula na ulit ang photoshoot. Nag-break lang muna sila ng ilang minuto bago ulit nagsimula,kaya nakapag-kwentuhan pa kami nila Alex.

Taking pictures has always been my hobby. Bata pa lang ako ay mahilig na akong kumuha ng mga pictures. Nung una ay simpleng pampalipas oras ko lang hangang sa nagustuhan ko na at minahal. Madalas mga halaman at bulaklak sa bahay ang kinukuhaan ko ng pictures, kapag may pagkakataon ay sila mama ang kinukuhaan ko. Kaya nung highschool ako, ako ang madalas kumuha ng mga pictures tuwing may event sa school. Hanggang sa nakatapos ako at naging photographer.


"That's all!" sabi ni Alex. "Thank you everyone!"

Pagsakasabi niya nno'n ay nagsimula na silang magligpit. Lumapit namnan si Alex at Mia doon sa client para magpaalam at magpasalamt. Pagkatapos ay lumapit din sila sa'kin at nagpaalam. Hapon na rin kami—sila—natapos. Hindi naman nakakapagod dahil wala naman ako masyadong ginawa.

"Gusto niyo kape" tanong ni Alex.

"Libre mo?" tanong naman ni Mia

"Yes madam, libre ko po," sagot ni Alex na may kasamang pag-irap.

Isa-isa naming sinabi kong ano ang kapeng gusto namin, pagkatapos ay umalis na rin agad si Alex. Sabi nga namin ay magpa-deliver na lang kami para hindi na siya aalis. Pero ang sabi niya ay malapi lang naman daw ang bilihan at mas mabilis daw kunng pupunnta siya doon kaysa magpa-deliver.

Sa'min si Alex ang madalas manlibre, hindi lang halata. Nanlilibre rin naman kami, pero most of the time siya talagaang nanlilibre.


"Pa'no kaya kung panget 'yung model kaya hindi pa sinasabi sa'yo kung sino?" biglanng sabi ni Lia.

Nakatinginan kami ni Mia bago tumingin sa kanya at tumawa.

"Tanga ka, kung anu-ano iniisip mo," natatawang sabi ni Mia.

Bakit naman niya kasi naiisip 'yon? Out of all reasons she could think of, 'yon talaga ang naiisip niya?

"Malay niyo," hirit pa niya.

Napailing na lang kami sa kanya ni Mia. Kung anu-ano pa ang sinabi niya bago tuluyang tumigil.


It didn't took long before Alex came back. Pagpasok niya ay dala-dala na niya ang kape namin, sa kabilang kamay naman ay may hawak niyanng maliit na box na mukhang tinapay ang laman.

"I'm back!"

Bago niya nilapag 'yung dala niya ay inusog muna namin 'yung ibang nakapatonng para hindi madumihan. Pagkatapos ay nilagay na niya ang hawak niya saka ummupo sa tabi ko. Pagkaupo ay kinuha niya agad ang kanya at agad na uminom na para bang uhaw na uhaw.

DreamWhere stories live. Discover now