a/n: Before the day ends, here's an update. Nakalimutan kong kailangan kong mag-update ngayong araw hehe
"Gising na!
'Yan ang bumungad sa araw ko. Boses ni Freya. Hindi pa siya nakuntento do'n, hinampas-hampas pa niya ako nng unan. Hindi niya ako tinigilan. Kada umiiwas ako ay mas lalong nagiging malakas ang hampas.
"Gising na ako! Tama na!" sigaw ko na naging dahilan para tumigil siya.
"Good morning!" bati niya saka lumapit kay Elle.
Mukhanng ito naman ang gigisingin niya.
"Maayos ba tulog niyo?" tanong ni Cedric.
"Maayos tulog, pero paggising hindi," sagot ko saka tumingin kay Freya. Nang makitang nakatingin ako ay agad siyang umiwas ng tingin habang bahagyang tumatawa.
"Agree," singit ni Elle.
Napatingin ako sa kanya nang maramdamang pinatong niya ng ulo sa balikat ko. Pinulupot din niya ang dalawang kamay niya sa'kin.
"Bakit?" tanong ko.
"Wala lang," sagot niya, "Na-miss kita,"
Dumating na ang pagkain namin kaya nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang kami habang kumakain. Paminsan-minsan ay nagkwekwentuhan pero mas madalas tahimik lang kami. Masyadong seryoso sa pagkain.
Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga lang kami sandali bago mag-swimming. Sila Elle lang muna ang maliligo. Mamaya na ako dahil mas gusto ko munang mag-relax at i-enjoy ang magandang view.
Napatingin ako sa tabi ko nang may umupo doon.
"Hindi ka maliligo?" tanong ko.
Umiling siya saka tumingin sa'kin. "Mas gusto kong samahan ka,"
Pakiramdam ko sa mga oras na 'yon ay tumigil ang takbo ng mundo. Sa kanya lang nakatuon ang atensyon ko. Ang mukha niyang nasisinagan ng araw, buhok niyang nililipad ng hangin, mga matang sa'kin ay nakatingin, bagay na kailan man ay hindi ko pagsasawaang pagmasdan.
"Tingin ka sa'kin," sabi ko,
Agad naman siyang tumingin sa'kin at ngumiti.
"Gwapo mo," sabi ko sabay ngiti.
"Lai!!" sigaw ko
Agad naman siyang lumingon sa'kin saka ngumiti.
"Tara na!" sigaw ni Cedric. "Dyan lang kayo?"
Nagkatingin kaming dalawa bago tumayo at lumapit sa kanila. Nang makalapit ay agad nila kaming tinulak sa tubig kaya ayon, basa. Agad naman akong tumayo at ginantihan sila. Isa-isa ko silang tinulak sa tubig. Basa na naman sila kaya okay lang.
"Saan tayo?" tanong ko.
"Secret," sagot niya saka pinaandar ang kotse
"Maglaro na lang tayo," sabi ni Freya.
"Anong laro?" tanong ko.
"Treasure Hunt," sagot niya.
Nagkatingin kaming apat bago muling humarap sa kanya.
"Treasure Hunt?" tanong namin.
"Maghanap tayo ng isang bagay na pwede itago atapos may isa sa'ting itatago 'yon tapo 'yung iba, syempre hahanapin. Pera dito lang sa area na 'to, bawal lumayo. Take turns tayo sa pagtatago," paliwanag niya.
YOU ARE READING
Dream
RomanceKakaibang lugar nang pagkikita. Lugar na hindi mo akalain na pwedeng maging dahilan upang magkaibigan ang dalawang tao. Mamahalin ba nila ang isa't isa o pipiliing kalimutan ang mga bagay na nangyari sa lugar ng kanilang tagpuan?