a/n: Last three chapters and Epilogue!
Dahil sa post ni Juno ay sobrang ingay ng cellphone ko. Puro notifications.
'Juno Aguirre just confirmed that they are in a relationship!'
'Confirmed! Sila Juno Aguirre na nga at Dahlia Gomez!'
'Model and Photographer, what a perfect couple!'
Ilan lang 'yan sa mga nakikita ko. Ang rami ring posts sa Twitter, at facebook. Puro positive comments naman ang nakikita ko. Subukan lang talaga nila akong i-bash! Grrr!
@junoanddahlia: Sabi na eh! Bagay talaga sila! Oh my goshhhhh!!
@junodahliaforever: #JuLia! #panokumalma
@rose: DalNO dapat!
@petal: #tarashotpunoJerson #Iyak ka na Jerson #JunoatDahlia #DahliaJersonbuwag
@24: MGA SIRA KAYO HSHSHHSHSHSH
Bakit ba ang hilig nilang mandamay. Magtatatlong taon na kaming wala ni Jerson pero dinamay pa nila. Naka move on na kami parehas sila hindi pa. Move on move rin 'pag may time.
"Sana all talaga!" sigaw ni Freya.
"Sana all!" sigaw naman ni Elle.
Lakas talaga ng trip ng dalawang 'to. Sigaw sila nang sigaw dito sa loob ng unit ko. Pinaghahampas din nila 'yung lamesa. Nasiraan na ata mga kaibigan ko.
"Maghihiwalay din kayo!" tumawa si Freya.
"Ang bitter niyo!" sigaw ko.
Sabay-sabay kaming tumawa dahil para kaming mga sira. Napatigil naman ako nang bigla akong yakapin ni Freya at Elle.
"B-bakit?"
"Masaya kami para sa'yo," sabi ni Freya. Sa pagkakataon na 'to walang bahid ng pang-aasar o biro ang boses niya.
"Yeah. You've finally found your happiness," dagdag naman ni Elle. Gaya ni Freya seryoso rin siya sa mga sinasabi niya.
Napangiti ako. Simula noon sila na talaga ang kasama ko. Hindi nila ako iniwan. Kahit na lagi kaming nag-iinisan at asaran, mahal na mahal namin isa't isa. Sa isa't isa kami tumatakbo kapag wala kaming matakbuhan.
Tumawa ako. "Ano ba, hindi bagay sa inyo!"
Bigla silang kumalas sa pagkakayap sa'kin. "Ang galing sumira ng moment," umiling-iling si Freya.
"My gosh, Dahl," sabi naman ni Elle saka ako inirapan.
"Ewan ko sa'nyo," inirapan ko rin sila.
"Okay, next outfit,"
Isang linggo na ang nakalipas simula nung isinapubliko namin na kami na ni Juno. Mas nagging Malaya making dalawa. Hindi na namin kailangan magtago, pero minsan kailangan pa rin kasi masyado kaming pinagkakaguluhan ng mga tao. Dahil do'n, mas lumakas ang loob nitong si Juno. Pinupuntahan ako sa shoot, dinadalhan ako ng pagkain. O kaya dadaan siya bago dumiretso sa shoot niya.
Napatingin ako sa likod ko nang makarinig ako ng bulungan. Napakunot ang noo ko nang makita ang pamilyar na tao. Nang makita niya ako agad siyang kumaway at ngumiti. Pagkalapit niya sa'kin, niyakap niya agad ako.
"Wala ka nang ginagawa?" tanong ko.
"Oo," sagot niya. "Miss kita,"
Natawa ako. "Lagi mo naman akong miss,"
YOU ARE READING
Dream
RomanceKakaibang lugar nang pagkikita. Lugar na hindi mo akalain na pwedeng maging dahilan upang magkaibigan ang dalawang tao. Mamahalin ba nila ang isa't isa o pipiliing kalimutan ang mga bagay na nangyari sa lugar ng kanilang tagpuan?