Ilang linggo an rin simula nung photoshoot kasama si Juno. Lumabas na rin ang bagong magazine niya. Nang lumabas 'yon ay agad ko ring nakita ang laman daahil meron na agad kaming kopya sa studio. Wala talagang pinapalampas 'tong mga kasama ko.
Kakatapos lang ngayon ng isang photoshoot ko. Mabilis lang naman dahil kaunti lang ang kailangan para sa brand, kaya maaga kaming natapos at naka pagpahinga ako. Medyo pagod din ako kasi ang dami kong ginawa ngayong araw. Dumiretso ako sa condo ko at hindi sa bahay. Mas malapit kasi ang condo kaysa sa bahay.
Nagkataka ako kung bakit nakabukas ang ilaw sa loob nang makapasok ako. Hindi rin nagtagal ay nakuha ko ang sagot. Nakita ko si Jerson na nakaupo sa sofa habang kumakain ng ice-cream. Nanonood din siya.
Mukhang napansin niya na nandito na ako dahil lumingon siya sa direksyon ko. Pinause niya muna ang pinapanood niya saka lumapit sa'kin. Isang yakap agad ang binigay niya sa'kin.
"How's work?" tanong niya habang nakayakap pa rin sa'kin.
"Tiring," sagot ko.
Mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin. Naramdaman ko ring dinadampian niya ng halik ang balikat ko.
Naligo muna ako dahil kanina pa ako nanlalagkit. Habang si Jerson naman ay nasa kusina at nagluluto ng kakainin namin.
Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso na ako sa kusina. Sakto namang kakatapos lang ni Jerson magluto. Nagluto siya ng waffles, meryenda lang naman—kahit malapit na mag-dinner— kaya ayos na 'yon. Kumuha naman ako ng dalawanng ice-cream sa ref. Nakaugalian ko nang mag-stuck ng ice-cream dahil 'yon ang comfort food ko.
"What happend at work?" tanong niya habang kumakain.
"Gano'n pa rin," sagot ko. "Mas nakakapagod nga lang dahil dalawang photoshoot ang pinuntahan ko ngayon," dagdag ko pa.
Madalas kasi isang photoshoot lang tapos buong araw. Bihira lang ako magkaroon ng photoshoot na sabay sa isang araw. At para sa'kin mas nakakapagod 'yon, dahil kailanngan ko pang bumyahe para puntahan next location. Minsan pa maglayo 'yung dalawang location.
"Dapat sinama mo ako," sabi niya.
"Dapat nga. Ikaw driver ko," biro ko.
"Oo, tapos iiwan kita," pang-aasar naman niya.
Habang kumakain kami ay pinag-uusapan lang namin kung anong nangyari sa mga araw namin. Syempre hindi rin mawawala ang pag-aasaran.
Pagkatapos kumain ay napagdisesyonan namingg manoon ng movie. Pumasok ako sa kwarto ko saka kumuha ng unan at kumot. Nakapalibot sa'kin ang malaki kong kumot habang yakap-yakap ko unan ko. Habang naglalakad papuntang sofa ay narinig ko ang pagtawsa ni Jerson.
"Bakit?" tanong ko.
"Cute mo, mukha kang bata," sagot niya saka umupo sa sofa.
"Anong gusto mong movie?" tanong niya.
Nag-isip ako. Ano bang maganda? Hindi ko na rin alam kung ano ang mga latest movie kaya wala kong maiisip. Hindi na rin ako masyadong nakakapanood dahil busy. Dahil wala akong maiisip na movie kaya siya na lang ang namili.
Hindi ko masyadong naintindihan 'yung takbo ng movie dahil inaatake ako ng antok at pagod. Ang sarap din naman kasing matulog sa posisyon namin ni Jerson. Pareho kaming nakaupo sa sofa, nakapatong ang paa niya sa table. Habang ako nakasandal sa dibdib niya at ang isang kamay ay nakayakap sa kanya, and his hands are wrapped around me, keeping me close to him.
YOU ARE READING
Dream
RomanceKakaibang lugar nang pagkikita. Lugar na hindi mo akalain na pwedeng maging dahilan upang magkaibigan ang dalawang tao. Mamahalin ba nila ang isa't isa o pipiliing kalimutan ang mga bagay na nangyari sa lugar ng kanilang tagpuan?