Chapter Twenty-Five

1 0 0
                                    


a/n: Five more chapters and Epilogue left


Magdadalawang buwan na simula nang magkausap at mag-ayos kami ni Juno. Halos dalawang buwan na rin simula nung niligawan niya ako. Maayso naman ang lahat. Sa kabutihang palad ay hindi pa naman kami nagiging laman ng balita.

"Kinakabahan ako," sabi ko sa kanya.

Nandito kami ngayon sa bahay nila. Ipapakilala na niya kasi ako sa mommy niya. Nakausap ko na naman si tita pero chat lang at phonecall. Bale ngayon pa lang kami magmi-meet in person.

"'Wag kang kabahan," sabi niya sa'kin. Ngumiti rinn siya kaya kahit papaano ay nabawasan ang kaba ko.

Pagkapasok namin, isa sa mga katulong nila ang sumalubong sa'min. Medyo may katandaan na rin. Siguro mga 50 plus na. Tumingin siya kay Juno saka siya tumingin sa'min tapos ay nginitian ako.

"Manang si Dahlia po. Girl—Nililigawan ko," ngumiti siya.

"Sus, ikaw talagang bata ka," tumawa siya. "Masaya akong makilala ang nililigawan ng alaga ko. Manang Melia," pakikila niya.

Medyo kinilig ako na titinawag nila akong nililigawan ni Juno. Medyo lang talaga. Promise!

Ngumiti ako. "Masaya rin po akong makikilala kayo,"

Nawala kalahati ng kaba ko dahil kay Manang Melia. Feeling ko welcome ako at tanggap niya na ako ang nililigawan ni Juno. Sobrang bait niya tapos lagi siyang nakangiti kaya napapangiti rin ako.

"Tara sa kusina. Nandoon ang mama mo,"

Tumingin sa'kin si Juno.  "Tara,"

Nagpunta kaming kusina nila. May ilang mga katulong din kaming nakasalubong. Lahat sila ngumingiti sa'kin na para bang kilala na nila ako. O baka ganyan lang sila sa mga bisita. Ngumi-ngiti na lang din ako kasi baka isipin nila masungit ako. Hindi kaya, friendly kaya ako.

"Nikolai!" lumapit si tita kay Juno saka siya niyakap. "Kanina ko pa kayo hinihintay,"

"May dinaanan lang po kami," sagot ni Juno.

Napangiti ako dahil halatang close sila ng mommy niya.

"And of course Dahlia!" lumipit ang tingin niya sa'kin saka ako niyakap. "You're so pretty and cute,"

Nahiya ako sa sinabi ni tita. Sanay akong nasasabihan ng cute pero pretty hindi. Chill tita ako lang 'to

"Hehe, thank you po,"

"Tara, kumain na tayo," sabi ni tita saka ngumiti.

Hindi naman halatang hindi sila palangiti. Si Juno laging nakangiti, si Manang Melia nakangiti rin tapos si tita. Siguro pati kapatid ni Juno. Hindi halatang masiyahin sila.

Pagkaupo namin. Sakto naman na bumaba 'yung kapatid ni Juno. Mukhang nagulat siya na makita kami rito. Umupo siya sa kaharap kong upuan. Ngumiti siya sa'kin, para pa siyang nahihiya. First time naming magkitang dalawa, pero nakita ko na siya sa pictures. Matangkad din siya gaya ni Juno, nasa pamilya na siguro talaga nila pagiging matangkad. Sana all

"Kaya naman pala walang dine-date kahit isang model 'tong si Juno dahil photographer pala ang gusto," sabi ni tita.

Ako lang 'to

"Alam mo halos lahat na ng kilala kong model nireto ko sa kanya pero ni isa walang nagustuhan. Tapos malaman-laman ko na photographer pala ang gusto," dagdag pa ni tita.

"Ma,"

"Bakit? Kung hindi ko pa nakita sa cellphone mo hindi ko pa malalaman," umiling-iling si tita.

Natatawa lang naman ako sa itsura si Juno. Para siyang nahihiya na ewan. Feeling ko hanggang sa matapos kaming kumain ay ilalaglag ni tita si Juno. Sa buong tanghalian namin ay ang daming nakwento ni tita. Simula nung paano nagsimula si Juno hanggang sa ngayon. Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil halatang proud si tita kay Juno.

DreamWhere stories live. Discover now