Chapter Twenty-Two

1 1 0
                                    

I didn't get enough sleep last night. Umiiyak ako dahil iniisip ko ang mga magyayari ngayong araw. Inubos ko na lahat ng luha ko kagabi para wala na akong mailabas ngayong araw. Ayokong umiyak, kaya nilubos ko na kagabi.

"Kaya mo 'to Dahlia," sabi ko sa sarili ko. "This for the best,"

I texted him to meet me mamaya.  Hindi ko na papaabutin hanggang bukas. Ngayon pa lang ay tatapusin ko na para wala nang masaktan.

"Sure ka na ba?" tanong ni Elle.

Nandito kaming dalawa sa isang coffee shop, nag-aya kasi siyang magkape. Hindi nakapunta si Freya dahil may ginagawa siya kaya kaming dalawa lang.

"Oo," sagot ko, hindi man lang nagdadalawang isip. "Ang tagal ko ring dineny sa sarili ko lahat,"

Nung una kasi pilit konng dine-deny. Pinipilit ko sa sarili ko 'yung alam ko namang hindi. Alam kong nagugustuhan ko na si Juno pero pinipilit ko sa sarili ko na si Jerson pa rin. Deny ako nang deny kaya hindi ako makapagdesisyon nang maayos. Kung sana una pa lang inamin ko na sa sarili ko hindi na sana tumagal ang pagpapaniwala ko kay Jerson na mahal ko pa siya.

"Sa bagay. Pero, are you going to be okay?" tanong niya.

Napangiti ako. "Oo. I have to. Ito pinili ko," sagot ko.

After that hindi na nagtanong si Elle tungkol sa gagawin ko. She tried to distract me for a short period of time. After namin magkape ay dinala niya ako sa mall para raw makapag-relax ako. Hindi naman siya nabigo dahil kahit papaano ay na-relax ang utak ko. Sandaling natigil ang utak ko sa kakaisip.

From: Babe

I'm on my way! See youu!

After reading his message, lumabas na rin ako ng bahay saka umalis. I choose a place na parehong malapit sa'min.

"You can do this," bulong ko sa sarili bago nagmaneho.

Nang makarating ako roon ay wala pa siya. Malapit na raw siya dahil nag-message siya. Palakad-lakad ako roon habang hinihintay siya. Kahit kinakabahan ay nilakasan ko ang loob ko. Napatigil ako nang makakita ng kotse na tumigil. Nakita ko siyang bumaba doon. Ang ganda ng ngiti niya habang nakatingin sa'kin.

Paano ko makakayanang makitang mawala ang magandang ngiti niya?

"Hi!" bati niya.

Ngumiti lang ako.

"Ano sasabihin mo?" tanong niya.

Huminga akong malalim bago nagsalita. "Let's end this,"

Nakita ko kung paano nawala ang ngiti sa labi niya. Pero hindi rin nagtagal ay bumalik ang ngiti roon. Pero kung kanina ay natural na ngiti, ngayon isang pilit na ngiti ang binigay niya.

"Why?"

"Magiging totoo ako sa'yo. I started to fall out of love," pag-aamin ko. "I tried my best na laban at ibalik 'yung pagmamahal ko pero mas lalo lang nawala. Hindi ko na kasi kaya na saktan ka pa kaya let's end it,"

"Juno," biglang sabi niya. "Si Juno 'di ba?"

"Jerson,"

"Remember when you asked me kung ano gagawin ko kapag nalaman ko na hindi mo na ako mahal?" biglang tanong niya.

Bigla kong naalala 'yung araw na 'yon.

"Pa'no kung isang araw malaman mo na lang na hindi na kita mahal, ano gagawin mo?" lakas loob na tanong ko. "Magagalit ka ba sa'kin? Maniniwala ka ba?" dagdag ko pa.

"'Wag mo na palang saagutin. Kalimutan mo na 'yung tanong ko," sabi ko saka bahagyang tumawa.

"If ever that happens, just make me understand your reason," biglang sabi niya.

DreamWhere stories live. Discover now