a/n: One chapter and Epilogue left!Pagkagising namin, inayos na namin gamit namin sa kotse niya bago kami sumakay sa kotse at pumunta sa last stop namin, La Union! Susunod sa'min sila Freya para mag-stay kami roon ng mga tatlong araw. Ang sabi rin ni Juno ay pupunta rin si Oliver kaso dalawang araw lang ata siya. 1 hours ang estimated na oras ng byahe hanggang La Union. Maiksi lang pero kanina pa kasi nagda-drive si Juno
"Kaya mo pa bang mag-drive ng?" tanong ko.
"Oo," sagot niya. "1 hour na lang naman," dagdag pa niya.
Tumango naman ako. Siya na nagsabi na kaya niya kaya no reason to worry. Pero pwede naman na kapag napagod siya ako na lang ang mag-drive. First time ko kasing pupuntang La Union. At kasama ko siya! Naghanap ako online ng mga pwedeng gawin sa La Union, pero mukhang hindi na kailangan kasi sabi naman niya nakapunta na siya roon.
Nagpapatugtog lang ako habang nasa byahe kami. Ako nagde-decide kung ano ang ipapatugtog dahil sabi niya ako na raw ang bahala. Buti na lang at handa ako. May playlist na ako sa cellphone ko para sa mga ganitong situations.
"Long nights, daydreams. Sugar and smoke rings, I've been a fool. But strawberries and cigarettes always taste like you!" pagsabay ko sa kanta.
Natatawa naman sa'kin si Juno. Hapon na pero ang taas pa rin ng energy ko. Sinasabayan ko lang lahat ng kanta habang nasa byahe. Si Juno naman nakikita kong tina-tap 'yung manebala kapag alam niya 'yung kanta. Hindi siya kumakanta pero mukha naman siyang nag-e-enjoy.
Pagkadating namin sa hotel na binook niya pinagsak ko agad ang katawan ko sa kama. Nakakapagod din palang umupo lang ng ilang oras. Pupunta kaming Bauang Beach mamaya. Si Juno ang magsisilbi kong tourist guide. From model to tour guide real quick. Baka bago mag gabi ay dumating na sila Freya.
"Ang ganda!" sabi ko habang nakatingin sa beach.
May ilang mga tao rin na nandito pero hindi gano'n karami. Siguro dahilhapo na rin. Pero mas maganda nga kapag hapon na. Hindi masyadong maiinit tapos pwede mo pang makita 'yung sunset habang nakaupo ka lang sa buhangin. Kalmado lang din ang alon kaya pwedeng mag-swimming! Hala! Nae-excite ako!
Napatili ako nang bigla akong buhatin ni Juno saka dinala sa may tubig. Nang medyo makalayo-layo kami ay binaba niya ako. Hanggang bewang ko ang tubig. Isinabit ko ang kamay ko sa leeg niya. Naramdaman kong pumulupot ang kamay niya sa may likod ko. Hinila niya ako papalapit sa kanya.
Nakatingin lang siya sa'kin. Nilagay ko ang kamay ko sa buhok niya saka iyon sinuklay. Hinayaan niya lang ako sa ginagawa ko. Maya-maya ay dahan-dahan niyang nilapit ang mukha sa'kin saka ako dinampian ng halik sa labi.
"I love you," bulong niya sa'kin.
I will never regret falling for this man.
"Grabe! Na-miss ko ang beach!"
Dumating na sila Freya at sabay-sabay sila. Ang sabi nila sinadya nilang magsabay-sabay papunta. At, kasama ni Elle si Cedric. Hindi ko alam kung ano ba ang meron sa dalawang 'to.
Ang tagal din naming hindi nagkita ni Cedric. Nagkikita lang naman kami dahil kay Elle at Jerson na best friend niya. Pero naging close rin kami dahil madalas niya akong inisin at asarin.
"Musta ka na, Dahlia?" tanong sa'kin ni Cedric.
"Ayos naman. Ikaw?"
"Eto buhay pa," tumawa siya. "Ikaw ha. Grabe ka na. Sikat ka na talaga. Nung nakaraan puro kayo laman ng feed. Nagsasawa na nga ako sa mukha moqq eh," dagdag niya.
Natawa lang naman ako dahil ako rin ay nagsawa dahil puro kami ang nakikita ko nung nakaraan.
"Sana hindi ka na sumama," biro ko.
Sabay-sabay kaming kumain ng hapunan. Madaling-madali nga si Freya at Elle dahil gusto na raw nilang magtampisaw. Madilim na kaya baka hindi na rin sila masyadong makapag-enjoy.
"Gusto ko na mag-swimming!" sabi ni Elle habang kumakain.
"Same. Kung pwede lang sa dagat na lang tumira," pag sang-ayon ni Freya.
Okay na sana eh, kaso nagsalita pa si Cedric. "Pwedeng-pwede ka naman sa dagat. Mukha ka namang isda," sabi niya sabay tawa.
Pinagdikit ko ang labi ko habang pinipigilan tumawa. Lahat kami ay nagpipigil ng tawa. Nang magtama ang tingin namin ni Elle ay hindi na namin napigilang tumawa.
"Baka gusto mong hindi na sikatan ng araw," pananakot ni Freya may Cedric. Nilabas lang naman ni Cedric ang dila nkya para asarin si Freya.
"Dahlia! Come here na!" tawag sa'kin ni Elle. Tumatakbo na sila ni Freya papuntang dagat. Para silang mga batang nagtatatakbo.
Tumingin ako may Juno. Ngumiti lang naman siya at tumango. Tumayo ako saka tumakbo papunta kila Freya. Binasa agad nila ako nang makalapit ako sa kanila.
"Ang lamig!" napasigaw ako dahil ang lamig ng tubig.
Tinawanan lang naman ako nila Elle at nagpatuloy pa rin sa pangbabasa sa'kin. Hindi pwedeng ako lang ang basa kaya binasa ko rin sila. Tawa lang kami nang tawa habang nagbabasaan. Para kaming mga batang naglalaro.
Hindi rin kami nagtagal ay umahon na kami. Madilim na rin kasi saka baka lamigin din kami.
Binalot agad ni Juno 'yung towel na hawak niya sa'kin saka ako niyakap. Para akong batang nakayakap sa kaniya.
"Sana all!"
"Respeto sa single!"
Natawa ako nang marinig ang sigaw ni Oliver at Freya. Nakatingin pala silang dalawa sa'min.
Tinawanan ko lang sila. "Edi kayo lang!" sigaw ko.
Bagay naman silang dalawa, saka paramg may gusto nga 'tong si Freya kay Oliver. Hindi na ako magtataka kung isang araw malaman ko na lang na sila na.
"Did you enjoy?" tanong sa'kin ni Juno.
Nandito na kami sa kwarto namin. Nagpatuyo lang kami sa labas at nagpahanhin ng kaunti. Nag-usap-usap dim kaming lahat sa mga ganap sa buhay namin nitong mga nakaraang linggo.
"Oo," masayang sagot ko. Lumapit ako sa kama saka siya tinabihan. "Ang daming mangyari ngayong araw,"
Tumango siya. Niyakap niya ako mula sa likod at pinatong ang baba niya sa balikat ko. "Anong gusto mong gawin bukas?"
Nag-isip ako. "Hmm? Kahit ano, basta kasama ka. Saka mas mayalam ka kaysa sa'kin,"
"So, I get to choose what we'll do tomorrow?" tanong niya malapit sa tenga ko.
"Oo. Basta dapat mag-enjoy ako," tumawa ako.
"Of course," dinampian niya ng halik ang balikat ko.
Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakapaikot sa bewang ko. Pinatong ko ang kamay ko sa kamay niya at hinawakan 'yon.
"Sa susunod, ibang bansa naman," suhestiyon ko.
"Sure. We'll make more memories together," sabi niya.
Memories. Together.
Our dreams are now coming true.
-----------------------------------------
To Be Continued
:)
a/n: a short update!
YOU ARE READING
Dream
RomanceKakaibang lugar nang pagkikita. Lugar na hindi mo akalain na pwedeng maging dahilan upang magkaibigan ang dalawang tao. Mamahalin ba nila ang isa't isa o pipiliing kalimutan ang mga bagay na nangyari sa lugar ng kanilang tagpuan?