"Gusto mo pa rin ba ako?"
Sandaling naghari ang katahimikan. Nakatingin lang ako sa kanya, gano'n din siya. Bigla akong nakaramdam ng hiya sa mga pinagsasabi ko. Parang gusto ko na lang tumakbo tapos umuwi.
Ginusto mo 'to Dahlia,
"Gusto mo pa rin ba ako?" lakas loob na tanong ko ulit.
"I love you,"
Tama ba narinig ko? I love you raw?!
"I love you. 'Yung dalawang taon na nagdaan, ikaw lang. I planned on waiting longer. Okay lang sa'kin maghintay kasi ikaw naman 'yung hihintayin," sabi niya. "It's always been you,"
Magsasalita pa sana ako kaso biglang may dumating.
"Juno!"
Sabay kaming napatingin doon sa tumawag sa kanya. Hindi ko alam kung anong pangalan niya pero pamilyar mukha niya. Model din siguro.
Tumingin sa kanya si Juno.
"Oh, nakaabala ba ako?" tanong niya.
Medyo po,
"Hindi naman," sagot ko.
"Yeah. We're actually done talking. Nasabi ko na sa kanya 'yung gusto kong sabihin," sabi naman ni Juno saka sandaling tumingin sa'kin.
Pakiramdam ko namumula ako.
"Okay, great. Tara sa loob," sabi nung lalaki.
"Sige, una ka na. Sunod ako," sabi ni Juno.
Tumango yung lalaki saka ako nginitian bago bumalik sa loob. Tumingin ako sa kanya tapos dahan-dahang naglakad paalis. Nawala ata lahat ng tapang ko dahil sa mga sinsabi niya,
"Dahlia," tawag niya dahilan para mapahinto ako.
"B-bakit?"
Bahagya siyang tumawa. "It didn't change-my feelings for you. Mas lumalim pa nga ata," sabi niya. "Let's talk again some other time,"
"Sige,"
Ngumiti siya bago naglakad. Huminto siya saka tumingin sa'kin. Naramdaman siguro na hindi ako nakasunod. "Dyan ka lang?"
"Ah-ano-oo," sagot ko.
"Okay?" ngumiti siya saka umalis
Hinintay ko siyang makapasok sa loob. Nang nasa loob na siya ay halos magtatalon ako doon. Kung may nakakakita siguro sa'kin ay iisipin na baliw na ako.
"Oh my! Nasabi ko na sa kanya!" tuwang-tuwang sabi ko. "After two years, nasabi ko rin! At higit sa lahat gusto pa rin niya ako!"
Sandali pa akong nag-stay doon. Iniisip kung totoo ba lahat ng mga nangyari kanina lang. Paulit-ulit ding tumatakbo sa isip ko lahat nang sinabi ni Juno. Pakiramdam ko mababaliw na ako.
Bumalik na ako sa loob dahil malamig na sa labas at bumalik na ako sa sarili ko. Pagkapasok ko ay hinanap agad ng mga mata ko si Juno. Nakita ko siyang nakatayo sa may gilid kasama 'yung tumawag sa kanya kanina. Napatingin din siya sa'kin, nginitian niya ako bago ibalik ang atensyon sa mga kausap.
Hindi na rin ako nagtagal doon. Nang mahanap ko si Dara ay nagpaalam na ako sa kanya. Sabi pa niya ay mag-stay pa raw muna ako. Gusto kong mag-stay pa kaso masyado na akong gagabihin.
Pagkarating kong bahay nagpalit lang ako ng damit saka humiga na sa kama. Hindi agad ako nakatulog dahil iniisip ko pa rin mga nangyari kanina. Parang dati lang ay iniiwasan niya ako, ngayon kung ano-ano na sinabi niya sa'kin.
YOU ARE READING
Dream
RomanceKakaibang lugar nang pagkikita. Lugar na hindi mo akalain na pwedeng maging dahilan upang magkaibigan ang dalawang tao. Mamahalin ba nila ang isa't isa o pipiliing kalimutan ang mga bagay na nangyari sa lugar ng kanilang tagpuan?