Ngayong araw ang punta namin sa'min. Nangako kasi ako kay mama na uuwi ako ngayon. Saka matagal-tagal na din 'yung huling uwi ko sa'min. Wala naman siyang pasok kaya sasama siya sa'kin.
[Anong oras ba kayo aalis?] tanong ni mama.
"Paalis pa lang po kami," sagot ko.
Kanina pa ako tinatanong ni mama kung paalis na ba daw kami.
[Sabihan mo ako kung malapit na kayo,] bilin niya.
"Opo," sagot ko.
Pagkatapos no'n ay binaba na din ni mama ang tawag. habang ako naman ay bumaba na dahil naghihintay na siya sa baba. Sa buong byahe ay halos ako lang ang nagsasalita. Masyadong focus si Juno sa pagda-drive. Sumasagot din naman siya minsan pero hindi gano'n kahaba gaya ng mga sinasabi ko.
Magtatanghali nang makarating kami sa bahay. Salamat sa traffic at natagalan kami. Kung walang traffic ay mas maaga siguro kami nakarating.
Ako ang unang bumaba. Pagkapasok ko sa loob ay kapatid ko agad ang nakita ko. Nakaupo siya sa sahig habang may mga nakakalat na papel sa lamesa. Mukhang napansin niya ako dahil agad umangat ang tingin niya sa'kin. Hindi din nagtagal ay napunta ang atensyon niya sa likod ko. Siguro ay nakapasok na siya.
Umupo ako malapit sa kanya, "Si mama?'
"Kusina," sagot niya ng hindi man lang ako tinitignan.
Tumayo ako para puntahan si mama sa kusina. pagkadating ko doon ay nakita ko si mama na nagluluto. Dahan-dahan akong lumapit sakanya.
"Mama!"
Naramdaman kong bahagyang nagulat si mama. Humarap siya sa'kin at isang mahinang palo ang sinalubong niya.
"Nanggugulat ka pa!"
Natawa lang naman ako kay mama. Tinignan ko ang niluluto niya.
Kare-kare
Kumuha ako ng kutsara saka tumikim nang kauti. Tumingin sa'kin si mama na para bang tinatanong kung anong lasa ng luto niya
Nag-thumbs up lang ako za kanya saka tumango.
Pagkatapos tikman ang luto ni mama ay bumalik na ako sa sala. Naabutan ko 'yung dalawa na nag-uusap.
Sana all
Umupo ako sa tabi nila saka tumingin sa kapatid ko, "Siya naalala mong batiin habang ako hindi," nagkukunwaring nasaktan na sabi ko.
Narinig ko naman ang mahinang tawa niya habang ang kapatid ko naman ay napailing na lang.
"Ang drama mo ate," sabi niya.
Tumayo ako saka umupo din sa sahig. Pagkaupo ko ay agad ko siyang inakbayan, "Hindi mo ba ako na-miss?"
"Ate!" Sigaw niya habang pilit na tinatanggal ang kamay kong nakaakbay sa kanya.
"Tagal nating hindi nagkita tapos ganyan ka pa sa'kin," sabi ko na para bang maiiyak na.
"Ate! Sinasakal mo na ako!" Sigaw niya pa habag hinahampas ng malakas ang braso.
"Sabihin mo munang na-miss mo ako," pang-aasar ko.
"Oo na! Na-miss na kita!" Sigaw niya.
Tinanggal ko na nag pagkakaakbay sa kanya saka ginulo ang buhok niya. Nakita kong namula ang braso ko dahil sa pagkakahampas niya.
Sarap talagang mang-asar, lalo na kung kapatid mo.
Kinulit ko pa nang kinulit ang kapatid ko. Natigil lang ang pangungulit ko nang tawagin na kami ni mama para kumain.
YOU ARE READING
Dream
RomanceKakaibang lugar nang pagkikita. Lugar na hindi mo akalain na pwedeng maging dahilan upang magkaibigan ang dalawang tao. Mamahalin ba nila ang isa't isa o pipiliing kalimutan ang mga bagay na nangyari sa lugar ng kanilang tagpuan?