Who would've thought? HAHA! May nakahabol pang update and you know what? This is by far my favorite chapter. HAHAHA. You definitely have to check it for yourself. I hope we feel the same though XDD
Please do share with me your thoughts about this chapter. Mag-ingay kayo sa comment box. Gusto ko malaman kung anong iniisip nyo XDD Hahaha.
Dedication: For being so thoughtful. Palagi kasi siyang maingay sa comment section ko kaya deserve mo 'to tehhhh!
Enjoy!
============================================================
“Mama, please?”
“Bakit bigla-bigla mo naman siyang gustong makita?”
“Basta Mama. May importante lang akong sasabihin sa kanya. Please?”
“Okay, okay. Eli ba kamo? Sige. Tatawagan ko siya”
“Yeey. Thanks Ma!” at sa aking katuwaan, hinalikan ko pa siya sa pisngi.
“Asus. Maglalambing lang pag may kelangan”
“Hahaha. Mama naman. Wag ka na po magtampo. Hehe”
After tinawagan ni Mama, sinabi niyang papunta na raw dito. Tambay ako dito sa living area eh. Hinihintay ko si Eli. Pinakiusapan ko si Mama na papuntahin siya dito, at least alam kong makikinig siya kay Mama. Baka kasi kung ako ang tumawag, magdahilan pa yun o kaya ay hindi talaga ako kausapin. =__________= Nag-aalala na talaga ako sa mga kinikilos niya.
After ilang madugong minutong paghihintay, sa wakas ay narinig ko na din ang kanina ko pa gustong marinig.
*DING DONG*
I hurriedly rushed to the door just to be… disappointed.
“Hey there Fred! It’s nice to meet you and you look like…… disappointed? I thought you wanted to talk to me?” dire-diretsong pahayag ni Ate Queen habang ako ay tulala at litong-lito. Yeah right. She’s supposed to be Elly. Damn brain! How can I forget? He’s Tofer for everyone except for me. “I guess they got you the wrong person”
“I… I’m sorry” hinging-paumanhin ko. Naabala pa siya. Aish! Ang tanga tanga ko talaga. (_ _”)
“Nahhh. It’s okay Fred. Well, I’m really sorry for the last time though”
Turn ko naman para tignan siya. “Nakuuu Ate, okay lang yun. Naiintindihan naman kita eh. Wala na yun. Nga pala, pasok ka muna”
“Okay lang ba?” tinitigan ko siya ng may halong pagtataka. “I mean, it’s not supposed to be right?”
“Ah… hehe. Okay lang po. Kayo nalang kakausapin ko. Okay lang po ba? Hindi ba abala?”
“Hahaha. Don’t worry you’re not a bother at all, Fred” at nagpatiuna na siya sa pagpasok sa loob. “So… what was it all about?”
“Si Eli kasi… I mean, si Tofer. Galit ata siya sa akin” nakayuko kong pahayag
“Bakit naman? Hindi naman nagagalit yun nang walang dahilan”
“Eh kasi… ipinagtabuyan ko siya. Nagpapa-cute pa eh” >______<
“Oh my God! You must be a very lucky lady. My brother is unlike that. I mean so unlike!”
“T-Talaga? Pansin ko nga rin yan Ate eh. Kaya lang wala talaga ako sa mood para sa mga ganun niya kanina eh” >////////////<
“Hahaha. Kawawa naman ang kapatid ko”
“Eh? Ba’t tinatawanan mo pa?”
“Hahahahaha. Kasi nakakatawa yung feel na feel na niyang magpa-cute sa’yo tas na-dedma naman! Hahahahaha”

BINABASA MO ANG
FOOLS who only look at each other...
Teen FictionON EDITING PROCESS. MAJOR EDITING :(