Chapee 9. What about it?

51 2 0
                                    

0o. Chris’ POV .o0

Parang praning ‘tong si Fred. Kanina pa ngumingiti ng mag-isa. Nakakatakot yung mukha. Ano na naman kayang kalokohan ang ginawa nito. Isip-bata talaga!

Oo nga pala ngayon na ang uwi nina Mama at Papa.

“Kuya, ano kayang pasalubong nina Mama sa’tin? Weeeeeh. Excited na ako” Nagniningning ang mga matang sabi ni Fred

“Baka naman gamot sa utak mo!” sarkastikong sagot ko.

What i get as a response? Binatukan ako. Aray! Kainis!

“Ano ba Fred!!” sigaw ko sa kanya. Tama ba namang batukan ako?! Nak nang…..

“Eh ba’t ka ba kasi nang-iinis dyan!?!”

“Abnormal ka kasi!” binato ko siya ng unan. Andito kami sa sala ngayon. Nanonood ng palabas sa TV habang hinihintay sina Mama at Papa.

After ilang minuto tumunog na yung doorbell. Mukhang sina Mama at Papa na yun ah! Pinagbuksan sila ng katulong.

GUESS WHAT?!

“MAMAAA!! PAPAA!!" 

Yeah right! Si Fred lang naman yan. Todo kung makasigaw.

“Hey baby. Hi Chris!” bati ni Mama sa amin.

“Hi Ma. Welcome back. Pa!” bati ko din sa kanila.

“Oh? Kumusta kayong dalawa habang wala kami?” Pangungumusta ni Mama sa amin.

“Alam mo ba Mama, palagi akong iniinis ni Kuya”   Naglalambing na sumbong ni Fred

“Pssh! Maniwala ka dyan Ma! Binibigyan nga ako ng sakit ng ulo niyan eh. PA-LA-GI!” -______-  sagot ko.

Inirapan lang ako ni Fred.

After ng hapunan, busy sina Mama at Fred sa mga pasalubong. Andito kami ni Papa sa labas. Sa may Garden.

“So, how are you son? I mean, sa school, friends… lovelife.”  Biglang tanong ni Papa na nagputol sa mahabang katahimikang nakapalibot sa amin.

“Okay lang naman Pa" alanganing napangiti ako sa kanya. "Sa school, malalaki naman grades ko. Friends… they’re quite good. Hindi naman masyadong mabait, but hindi din naman basagulero. Mga maloko lang talaga minsan. Tsaka lovelife? You already met her right?" tumango lang si Papa habang nakangiti pero may kung ano sa ngiting yun. "I can’t imagine myself  without her”  Pagpapatuloy ko. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Papa. He cleared his throat.

“I’m glad you’re doing good, son. That’s what I want you and Fred to feel. Enjoy life. Live your life to the fullest. Hindi lahat ng gusto natin na mangyari, nangyayari. Hangga’t kaya natin, gawin natin para sa ikaliligaya natin at ng mga tao sa paligid natin.”  Sabi ni Papa. He’s very serious. I wonder if may problema ba. He sounds weird. Parang ang lalim ng mga sinasabi niya, hindi ko siya maintindihan

“Pa? Is something wrong? Something's bothering you I can feel it”  tanong ko.

“Ah. Ha-ha" tawa niya pero alam mo namang hindi masaya "Wala, anak. I just felt that I need to advise you somehow about life. Parang bonding na din natin. Nagiging busy na kasi kami masyado ng Mama nyo sa trabaho.” Sagot ni Papa. Medyo duda pa ako sa sagot niya pero binale-wala ko nalang

“Pa, pwede ko naman kayong tulungan diba? Kaya ko naman kayong tulungan. You know that I can, dad!”

“I know son. I know. Nagmana ka ata sa akin ano! Haha. It’s just that, as long as kaya pa namin ng Mama nyo, kami nalang muna. Ayokong abalahin pa kayo. Just like what I’ve said earlier, I want you both to concentrate on your careers. I respect your choice. Ayoko kayong pilitin.”

“I know that too, Pa. Pero, if ever kailanganin nyo ang tulong ko, just tell me. Gagawin ko lahat for the family”  Sagot ko.

“Thanks, Son.”  Tugon ni Papa habang tinatapik ako sa balikat. Ilang minuto pa kaming nag-usap sa labas hanggang sa napagpasyahan naming pumasok na sa loob kasi gumagabi na at malamig sa labas.

Kanina pa ko hikab ng hikab. Inaantok na ako habang nakaabang kay Fred. Ayaw pa matulog kasi daw tatapusin muna niya yung palabas sa TV

“Huy Fred. Mauuna na ako sa’yo. Nakakaantok na ‘yang pagmumukha mo!” Hindi ko na talaga matiis yung antok ko kaya nagpaalam na ko sa kanya

“Kuya talaga! Kahit kelan. Walang pinipiling panahon! Mapang-asar!” sigaw niya sa’kin. Pasalamat siya, nasa may hagdanan na ako. Kung nagkataong nasa tabi pa niya ako habang sinisigawan baka mabatukan ko yun

Nakarating na ako sa taas. Hindi ko sinasadyang mapatingin sa master's bedroom, ang kwarto nina Mama at Papa. Medyo nakabukas yung pinto kaya walang pagdadalawang-isip na tinungo ko ang kwarto nila. Papalapit na ako sa kwarto nila nang marinig ko ang boses nila. Medyo may pinagtatalunan ata sina mama at papa. Aalis na sana ako baka kasi importante yung pinag-uusapan nila at maka-istorbo pa ako, nang may narinig akong ikanagulat ko.

"Kailangan mo nang magdesisyon Garett. Hindi ito isang simpleng problema. Nakasalalay ang kinabukasan ng negosyo natin at ng mga anak natin"

Dinig kong sabi ni Mama. Sinilip ko sila sa loob at kita ko sa mukha nila ang pag-aalala. Teka, bakit nakasalalay yung kinabukasan ng negosyo at kinabukasan namin dito? Ano bang ibig sabihin nung narinig ko? Gaano ba kaseryoso ‘tong pinag-uusapan nina Mama at Papa?

"Alam ko Fay. Ang sabi ni Anton, it’s a wise decision if ‘yung anak niyang lalaki ang pakakasalan"

Parang may bumara sa lalamunan ko nang marinig ang sinabi ni Papa. K-Kasal?! Pero bakit?? Nagulat ako. Parang hindi ako makagalaw sa sobrang kabiglaan.

"You have to decide tomorrow. We’re running out of options and time now"

Sabi ni Mama. Nararamdaman ko ang hopelessness sa boses niya. I know what i'm doing right now is wrong pero di ko maiwasang di makinig.

Sa sitwasyon ko ngayon, mahirap man gawin pero lumayo ako.

Binilisan ko ang paglalakad patungo sa silid ko. Naguguluhan. Napagdesisyunan kong kausapin sila bukas. Kailangan kong marinig ang katotohanan at klaruhin ang mga narinig ko.

FOOLS who only look at each other...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon