0o. Ax’s POV .o0
“Vazquez, matanong nga kita.. May gusto ka ba kay Fred?” tanong ko sa kanya ng natapos na ang practice. Pansin ko kasi na may something sa kanila ni Fred kanina sa lunch eh. tas nung nag-practice na kami, ang seryoso na niya at makikita mo sa mukha niya na napakalalim ng iniisip.
“Ha?” mukhang nagulat siya. hindi siguro niya inaasahan ang tanong kong yun.
“Kanina kasing lunch, ang awkward nyo sa isa’t isa. Tas nung pag-alis nila, biglang nag-thank you ka. Para sa’n yun?”
“Ah… wala yun. Ewan ko ba dun.” Biglang sabi nya ng makabawi.
“May gusto ka sa kanya?” tanong ko ulit
“Haha. Wala ah!” sabi niya sabay nag-iwas ng tingin. Tumatawa pa, halata namang pilit! -____________-
“Talaga? Ba’t umiiwas ka? Bakla ka siguro no? hahahahahahaha” pagbibiro ko sa kanya.
“Suntukan gusto mo?” O.O aba! Biglang naghamon ng suntukan! Biro lang yun ah!
“To naman! nagbibiro lang ako noh! tsaka walang talo-talo. Simula ngayon, sabay kana samin. Diba Diegz?” sabi ko sabay baling sa direksyon ni Diego.
“Oo naman! Welcome na welcome. Kaya lang, ewan ko lang dun kay Fred. Mainit yata dugo nun sa’yo pre eh!” sabi naman niya
“Oo nga. Medyo hindi kagandahan kasi ang pagkaka-introduce namin sa isa’t isa. Alam nyo na, bungguan. Sigawan. Pikunan.” Sabi naman ni Vazquez
“Hahahaha. Nu kaba pre! Normal nalang yan kapag naging close mo na si Fred. Isip-bata kasi.”
“Tanggap nyo naman!” sabi ulit nya.
“Aba’y OO naman noh! kahit ganun yun, masaya naman kasama yun!” pagtatanggol ko kay Fred
“Maiba nga tayo Ax. Ikaw ba eh may gusto kay Fred? Yung totoo pare ah! Tayo tayo lang naman dito eh.” ⊙_☉ Aba! Napasa naman bigla sa akin yung tanong ko kay Vazquez kanina! To talagang si Diego oh! =________________= Ito namang si Vazquez, mukhang inaabangan ang sagot ko!
“Yung totoo?” seryosong tanong ko. Tumango lang si Diego at si Vazquez naman… parang pigil ang hininga. Eh? problema nya? ύ.ὺ
“Hmmmmmmmmmmm… Si Fred.. maganda, matalino, mabait, masayahin, mayaman, mapagkakatiwalaan, sexy, ma—”
“Hoy Ax! Hindi namin sinabing i-describe mo si Fred! Gusto naming malaman kung may gusto ka ba sa kanya! kadiri ka!” biglang putol ni Diego sa sinasabi ko. HAHAHAHAHA. Na-highblood naman bigla! Habang si Vazquez mukhang namumutla at pinagpapawisan.
“Hahahahahahahahaha. Ang atat mo naman Diego! Andun na ako eh! Hahahaha. Alright! Sasagot na! hmmm.. Gusto ko ba si Fred? My answer is ‘ewan’. I mean, hindi ko naman itinatago sa inyo ang paghanga ko sa kanya diba? I always tell Fred blatantly na crush ko siya.” sagot ko.
“Di nga? So totoo palang crush mo siya? Hahahaha. Hanep ka pre! Kala namin joke mo lang yun. Yun pala, after all this time, may nararamdaman ka na pala. Hahahahahaha” sagot naman ni Diego.
“Loko to! Crush lang naman! Wala nang mas malalim pa dun. Tsaka alam naman natin pareho kung sinong gusto nun di ba?”
“Sabagay!” sagot ni Diego.
Napansin kong naging seryoso bigla si Vazquez. Napano? Ang lalim pa ng buntong-hininga na pinakawalan.
“Hoy Vazquez! Ayos ka lang?” tanong ko. Baka kasi himatayin to bigla eh!
“Yea. Fine.” Sagot nya na kumukurap-kurap pa ang mga mata. Mukhang nabigla siya at naistorbo ko pa ang malalim na iniisip niya. Then, he look at me, frowning. Eh? “Sino ba yung sinasabi nyong gusto ni Fred?” biglang tanong niya. Hmmmmm.. nakakapanghinala naman kung makatanong to! Akala ko ba wala siyang gusto kay Fred.
BINABASA MO ANG
FOOLS who only look at each other...
Ficção AdolescenteON EDITING PROCESS. MAJOR EDITING :(