Chapee 11. Weird Everything.

44 2 6
                                    

Habang nakapikit, narinig ko ang pagtamo ng isang bola. Eh? Ba't parang wala namang masakit sa akin?! Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Nagulat ako.

si Eli.

Siya ang natamaan ng bola. Pati mga nakakita nagulat sa ginawa niya. Masakit yun ah! Lakas kaya ng impact nun. Napahiga nga siya eh, pero agad din namang nakatayo.

 "Ok ka lang ba?"  tanong ko. Nilapitan ko siya. Nagi-guilty kasi ako eh.

 "Ok lang."  matipid na sagot niya, tsaka umalis at bumalik sa court.

 Pinagpatuloy na nila ang paglalaro.

 "Fred? Ok ka lang?"  tanong ni Bell sa'kin.

"Ah. O-oo. Wala namang masakit sa'kin. Hindi naman ako ang natamaan eh."  sagot ko. Punung-puno pa din ng guilt.

 "Nag-aalala ka ba sa kanya?"  tanong niya.

"Abay oo naman noh! Niligtas kaya niya ako. Samantalang sina Ax at Diego walang ginawa, nakatingin lang. Ang mga walangya!"  sabi ko. Nakakatampo lang din kasi 'tong sina Ax eh, hindi man lang nag-effort na gumawa ng paraan para hindi tumalbog 'yung bola papunta sa'min. =________=

"Haha. Oo nga noh? Pero kung napunta sa'kin yun, tiyak magmamadaling ililigtas ako nun" Eh ikaw kasi girlfriend! Jusme! -_-

"Pero grabe Fred, siya pa talaga nagligtas sa'yo. Ayeeee. I smell something fishy hah!"  sabat ni Sam. Ayan na naman sila sa pagmbubugaw sa'kin sa Vazquez na yun! Hmmp!

"Smell something fishy ka dyan! Hininga mo lang yan! Hindi ka ata nakapag-toothbrush eh!"  Sila lang ba may karapatang mantrip? Porke ba may pinagdadaanan ako ngayon?

"Eeew Fred. That's gross! Always akong nag-to-toothbrush noh! Ang baboy ng joke mo"

"Tumahimik na nga kayong dalawa. Malapit nang matapos ang laro. Malalaman na natin kung pasok ba si Vazquez sa team."  saad ni Bell.

5.. 4.. 3.. 2.. 1..

Tumunog na yung buzzer. Hudyat na tapos na ang laro. In-announce na ng coach kung sino 'yung nakapasa. As expected, nakapasok si Eli. Magaling naman talaga siya eh. Given na 'yun sa kanya. Lalong lalaki ang ulo niyan 'pag nagkataon. =______=

Pumunta na ng shower sina Ax at Diego para makapagbihis. Si Eli? Ayun gwapo at hot parin kahit na pinagpapawisan. Kinakausap siya ng coach. Malamang bugbog na bugbog na yun sa puri! Pero may napansin ako. Sobrang pula ng balikat niya. Mukhang grabe yung pagkakatama ng bola sa kanya ah. Kung sakin kaya tumama yun? I can only imagine...

"Bell, Sam, pupuntahan ko muna si Eli. Gusto kong siguraduhin kung okay lang ba siya. Nakokonsensya ako eh"  paalam ko sa dalawa. Hindi pa din bumabalik sina Ax at Diego.

"Concern ka lang eh! Haha. Baka naman type mo na yun ah! Kunwaring pa-guilty ka lang dyan!"  pang-aasar ni Sam sa'kin. Kahit kelan talaga, napaka malisyoso talaga

"Tse! Ewan ko sa inyo!" Umalis nalang ako. Narinig ko pang nagtawanan silang dalawa. Bahala nga sila dyan

Pinuntahan ko ang kinaroroonan ni Eli. Naka-upo siya sa bleachers at busyng-busy sa pag-aayos ng mga gamit niya. Parang ayoko nang tumuloy eh. Tinubuan ako bigla ng hiya

 I cleared my throat first when I spoke to him.

"Eli!"  tawag ko sa kanya. Pero parang wala siyang naririnig.

Lumapit pa akong konte. "Huy! Eli!"  tawag ko ulit. Teka? Ba't hindi pa din siya lumilingon? Malapit na nga ako sa kanya eh! Nakakainis naman oh!

/Clears Throat/ Inilapit ko pa 'yung mukha ko sa tenga niya. "Pssst. Hoy!"  tawag ko ulit.

O________O

Juskoooo! Bakit bigla-bigla naman siyang lumilingon?! Hindi ako nakakilos agad. Gulat na gulat 'yung mukha ko noh, pati din siya.

Siya ang unang nakabawi. Nag-iwas siya una ng tingin. Umayos na din ako ng tayo. OTL. Pahiya ata ako eh

"What?"  biglang tanong niya. Nagulat naman daw ako bigla.

"Hah?!"  pagbabalik tanong ko. Hindi pa ko nakapag-move on sa nangyari. Sandali!

"Lumapit ka sa'kin diba? Anong kailangan mo?"  Ahhhhhhhhh! Akala ko pa naman kung ano! Asa'n bang utak ko? Nalaglag ko ata tsaka natapakan 

"Ah..ehhhh... Yung tungkol kanina. Gusto ko lang mag-thank you, at mag-sorry sa'yo. Nasaktan ka pa nang dahil sa'kin."  paghihingi ko ng paumanhin sa kanya. Bahala na kung deadmahin man niya ako. Ang gusto ko lang, mawala yung guilt na nararamdaman ko dahil sa nangyari.

"It's nothing."  sagot niya.

"Pero pulang-pula yung balikat mo. Gusto mo bang lagyan natin 'yan ng yelo? Baka magkapasa ka."  alok ko sa kanya.

"Ok lang. Wag ka nang mag-abal."  Ah, okay.  Sabi niya eh. Concern citizen lang naman ako. Pssh!

"Ok. Ikaw ang bahala."  sagot ko nalang. Ayoko na siyang pilitin noh! Baka assumero. Isipin pa niya na nagpapapansin ako sa kanya. Asa!

Tinalikuran ko na siya. Pahakbang na ko nun nang....

"Thia!!"  Huh? May tumatawag ba sakin? Ako ba tinatawag? 

Nilingon ko si Eli, nagbabakasakali na siya yung tumawag sakin. Ako naman di ba? Pangalan ko yun eh. Akin yun eh. Di ba?

"What did you just call me?" Mahinang tanong ko. Di ako sure kung ako eh pero baka ako nga. Wala pang tumatawag sa'kin niyan noh! Sa Xanthia nga si Ethan lang tumatawag sa'kin. Pero 'THIA?'

"'Thia'" Ulit niya. Tama nga ako ng dinig

"Wag mo 'kong tawagin sa pangalang 'yan! Hmmp. Bakit ba?"  pagsusungit ko sa kanya.

"I'll call you by the name that I want just like how you call me 'Eli', I'll call you 'Thia""  Aba kung magdahilan siya kala mo kung sino "Tsaka.. May ano.. ahmm. A-ano..."  Naalarma naman ako sa sinabi niya. Bigla-bigla kasing nauutal. Ano ba yun?

"Ano ba yun?! Klaruhin mo nga!"  Naiinis ako. Baka naman pinagtitripan lang ako ng mokong na 'to! Lagot talaga siya.

"May...

 TAGOS!"  Mahina lang ang pagkakabigkas niya at mukhang namumula pa.

"Eh tagos lang pala eh. Antagal pang sabihin. May pa thrill-thrill pang nalala-- Wait... WHAAAT?!"  Oh Juskooo! Bakit ganito ako kamalas?

"Tagos!"  Yun lang ang sinabi niya. Hindi siya makatingin ng diretso sa’kin.

Todong pahiya na 'to. Ramdam na ramdam kong nag-iinit ang mukha ko sa sobrang embarrassment na nararamdaman ko. Sa dinami-dami naman ng makakakita, siya pa! Naku! Pano 'toh. Nagpapanic na ko. Ang dami pa namang tao dito ngayon. Pano ko tatakpan 'toh ngayon?! Buti nalang walang nakakapansin na iba.

Tinignan ko sina Bell sa kabilang side ng court. para magpatulong sana kaso dyahe. Ba't wala?! Lagot na

Habang nag-iisip ako ng solusyon sa problemang pinagdadaanan ko, bigla nalang naglakad si Eli palapit sakin. Pigil ko ang hininga ko nang mukang yayakapin niya ako

O______O Yun pala...

Tinali niya ang jacket niya sa may bewang ko para matakpan sa likod. Dyos ko po! Hindi man lang ako nakapag-prepare. Pabigla-bigla naman.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Heto na naman yung mga weird na tunog na naririnig ko. Wala naman sigurong nagbabanda sa gym di ba? Hindi ko alam ang gagawin. Shocked pa din ako. Ang lapit lapit niya lang. Ang bango pa, kahit pawisan na. Sa mga ganitong eksena talaga nama-master ko ang aking self control.

Sobrang occupied 'yung utak ko sa mga panahong iyon nang magsalita siya...

"Yan. Better. Pwede ka nang umalis."  sabi niya. Kung nasa tamang katinuan pa ako, malamang na-offend na ako kasi pinapaalis na niya ako. Eh dahil sa wala na ako sa saktong huwisyo, sinunod ko naman 'yung sinabi niya. Agad-agad akong umalis at lakad-takbong lumabas ng gym.

"YAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!"

Sigaw ko pagkalabas ko ng gym. Buti nalang walang tao dito sa hinintuan ko. I need to calm down. Sasabog na ata puso ko T_T

FOOLS who only look at each other...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon