0o. Chris’ POV .o0
“Wag mo nang ulitin yun ah! Nag-aalala ako!” sabi ko
“Ikaw ang wag nang ulitin yun! Alam mo naman na Mama mo at si Fred ang kasama ko eh” sagot ni Ava. Kakahatid ko lang sa kanya at nandito kami sa labas ng bahay nila. Pinag-uusapan namin ang tungkol dun sa nangyari kanina, ‘yung nagtampo ako kasi hindi man lang ako tinawagan o kaya ay tinext ng buong araw na syang kagagawan naman pala ng Mama ko =__________=
“Pasensya na talaga Oma, hindi lang ako sanay. Tsk! Don’t worry, I’ll take note to that. Napapa-praning talaga ako pagdating sa’yo. Kuuuuu!” sabi ko sabay kinurot ang pisngi niya. She’s cute, well, aside from being gorgeous every day.
“Okay lang kaya sina Fred at Tof?” tanong niya.
“Ewan ko dun. Sana naman noh. Nagi-guilty tuloy ako kung bakit ako naglihim sa kapatid ko” malungkot kong sabi
“Awww. Don’t be Oma. You just did what Tofer wants us to do. Ganun din naman ang ginawa nina Mama at Papa diba?” pang-aalo niya sa akin.
“Wow Oma! Mama at Papa na ba talaga ang tawag mo sa Mama at Papa ko?” na-a-amaze na tanong ko.
“Well… ‘yun kasi ang gusto ni Tita… I mean ni Mama mo” nahihiya niyang sabi
“Hahahahaha! You’re cute you know? Hahaha. It’s okay. I want it that way. At least di ba, wala ka nang kawala sa akin?” malambing kong sabi sa kanya sabay angat ng mukha niya
“Yun na nga eh! Hindi na ako makakawala sa’yo! Nu ba yan!”
“Whoa! At kelan ka pa natutong mang-asar My Destiny?” tinaasan ko pa siya ng kilay para kunwari pinagsasabihan ko siya
“Hindi bagay sa’yo Leigh!” :P
“Ouch naman!” sabay sapo sa dibdib ko na kunwari nasasaktan ako.
“Hahahahahahahahahaha----” natigil kami dahil sa ring ng cellphone ko
[RINGTONE]
Calling…
Christopher Vazquez
Eh? nagtatakang tinitigan ko muna ang cellphone screen ko bago sinagot ang tawag..
“Yes?” nagtataka kong tanong
“Sir! Si Fred…” O__________________________O
“B-bakit? A-anong nangyari sa kapatid ko?” kinakabahang tanong ko
“Nasa hospital kami ngayon”
“WHAT?!” napasigaw ako nun kaya nagtatakang tinitigan ako ni Ava. “Ano’ng nangyari sa kapatid ko Vazquez?! Sumagot ka?!” nag-aalalang tanong ko sa kanya
“Chill Sir. It’s nothing serious. Sprain sa ankle lang” cool niyang sagot. Aba! Na-injure na at lahat ang kapatid ko, cool pa din ang gago! =___________________=++
“Nak ng! Sa’n yan? Pupunta ako!”
“Ite-text ko nalang Sir” sabi niya. Binabaan ko na siya para naman ma-receive ko na agad yung address ng hospital at nang mapuntahan na si Fred. Ano ba naman ‘to! First meeting palang nila, injured na ang kapatid ko. Pa’no pa kaya ‘pag nagsama na yung dalawang yun!
Ewan ko sa isang yun at tinawag-tawag akong Sir. Mukha ba akong kagalang-galang? -_____- Siguro naman diba? Hmmmm…
“Ano ba yun Leigh?” naguguluhang tanong ni Ava sa akin
“Magpahinga ka na Oma. Si Fred na-aksidente. Na-sprain ang ankle. Pupuntahan ko ngayon. Aalis na ako Oma. Ite-text nalang kita” sabi ko at halatang gulat siya