“We’re here.” pahayag ni Eli. Okay, asa’n kaya kami? -_____________-
Nauna siyang bumaba ng kotse pagkatapos sumunod ako.
O_______________________________________O
WOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOW!! Alam nyo ba kung nasa’n kami? Gusto niyong malaman? Talaga bang gusto nyong malaman? Whoa! Maiinggit talaga kayo kung sa’n niya ako dinala! Talaga! Dinala lang naman niya ako sa…
PLAZA!! =___________________= Tama yang nababasa nyo! Ang romantic nya no? Pssssh!
“Wow ah! Hanep sa let’s go see the world! Eto na pala yun?” (;一_一)
“Haha. Tignan mo nga sa gitna oh, may malaking globo. Punta ka dun at makikita mo na ang mundo. Hahahahahahahahaha!” -_______________________-++
“Tatawa na din ba ako? Wow ah! Grabe ang humor. Sobra!” sarkastiko kong pahayag sa kanya. Talagang straight-face ako nang mga sandaling yan noh! Tinignan niya ako ng masama. Pssssh! Ang O.A! Paiba-iba ng mood parang PMS lang. “Ba’t mo ba ako dinala rito? Nasa Mall na nga tayo, pumunta-punta pa tayo dito. Hanubayaaaaaaan!”
“You should be thankful.” sabi naman niya.
“Why should I be thankful?” oh yan ah! ume-english din ako! Namimihasa na kasi eh! Akala siguro wala akong maibubuga!
“Cause you’re more suitable in a place like this!”
“A-ano?! Ulitin mo nga! At bakit mo naman nasabi yan ah!? Ha?!” ayan sinigawan ko na! Bakit nga ba? Kasi yung itsura ko pang-plaza lang at hindi pang-mall? Aba! Hoy! Wag nya akong ginaganito!
“Cause you’re like a baby! Childish! Immature!” O_________________O A-a-ano raw? Tama ba ang pagkakarinig ko sa kanya? Did he just call me childish and immature? A baby in fact?! Sisigawan ko na sana siya nang may sinabi siya ulit. “Always wanna play. Pati sa isip at puso ko, ikaw naglalaro!” BOOM! *O* NGANGA te! Bumabanat si Vazquez ah! Na-speechless tuloy ako!
“…”
“Hahahahahahahaha! Baka pamahayan ng langaw!” sabi niya sabay hinawakan niya ang chin ko para isarado ang naka-nganga kong bibig. Amp! Tumingin ako sa ibang direksyon. Nakakahiya ako!
“Tsee! Ilibre mo na nga lang ako ng ice cream! Dali!” sabi ko sabay hanap ng nagtitinda ng ice cream at para syempre maiwasan ko muna siya kahit mga ilang segundo lang. Kelangan ko lang ipanatag ang aking nagwawalang sistema!
Nang nakabili kami ng ice cream, naglakad-lakad muna kami sa plaza. Walang nagsasalita. Awkward atmosphere it is. Nang may makita kaming bench, malapit sa may lake, naupo kami. Ganun parin, walang nagsasalita. Busy sa aming mga ice cream.
“Nabigla ba kita kanina?” biglang tanong niya
“Ha?” tanong ko kasi di ko alam kung ano’ng ibig niyang sabihin.
“Dun sa sinabi ko kanina” ay? Ang kuripot naman sa details -_____________-
“Yung sa baby ba?” tanong ko na parang wala lang. Hahahahaha! Kasi ang totoo nyan, kanina pa ako naka-recover jan. Hiya nalang talaga ang nag-udyok sakin na wag siyang kausapin.
“Yes. That. I’m really sorry kung na-offend kita or what.” Seryoso nyang sabi
“Wala yun. okay lang. Totoo naman na childish ako atsaka immature eh!” >__________> sabi ko sabay hindi tingin sa kabilang direksyon. Yung hindi ko siya makikita kahit sa gilid ng mga mata ko. Mag-iinarte lang ako. Haha.
“Then why aren’t you talking to me? I don’t wanna be awkward around you. Can we do that?” napatingin naman ako sa kanya. Seryoso siya. nakikita ko ang sinseridad sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
FOOLS who only look at each other...
Novela JuvenilON EDITING PROCESS. MAJOR EDITING :(