Chapee 12. Truth UnFOOLding

70 2 14
                                    

"Pssst! naka-uwi ka na?"

 Text galing kay Bell. -________- at naisipan pa talaga nila akong hanapin ah?!

"Oo eh.. May nangyari kasi. Chat tau sa fb. Mag-o-online ako ngayon.."

Reply ko naman. Magtatanong at magtatanong talaga ang mga 'yan noh! Yun pa. Kaya bago ba ko mabwisit sa mga yun eh uunahan ko na sila

And yeah, after nung nangyari, umuwi na ako agad-agad. Ayokong madagdagan pa ang kahihiyan ko ng araw na iyon noh. I had enough

"Dito pa kami school eh. Hintayin mo nlang ako ;) k?"

Ganun?! Paghihintayin pa niya ako? Tsaka ba't asa school pa sila? Daya! Pssh. Nireply'an ko nalang siya ng simpleng 'Ok'.

Nung nag-log in na ko sa account ko sa facebook ang daming notifications. Mehehehe. Matagal-tagal na kasing hindi ako nakapag-online eh. Busy masyado sa school.

Unang binuksan ko ay ...

Hulaan nyo!? Hehehehehehe

Messages po.

Mga walang-kwenta naman 'tong iba eh. Isa lang ang hindi. Alam nyo kung ano at kung kanino galing? Yeeee hihi

Eh di sa nag-iisang...

Kevin Ethan ng buhay ko. Hahahahahahaha.

Ma-i-open nga ang message.

Ang dami naman *O*

"Baby Kuleeet. Kamusta na? Hindi ka na nagpaparamdam ah! Nakakatampo tuloy. Busy ka ba? Miss na kita."

"Baby Kuleeet? Xanthia? I miss you."

"I woke up each day, looking forward on seeing you. 'Til this Christmas. Love you. I miss you."

"So many beautiful girls. Pano ba 'to? 'Pag di ka pa nagparamdam dyan, maghahanap na ako dito ng bagong Baby~  Hehehehe. Pero syempre, loko lang. Ikaw lang Baby Kuleeet ko eh! Miss you na talaga."

" :/ "

Yung latest niya is yung smiley na mukang ewan -____- 

Ang daming message ano? Kinilig naman ba kayo? Eh kung kinilig kayo, pano nalang kaya ako?! May nagba-blush. Haha

Eksaheradang kakiligan lang naman ang nararamdaman ko ngayon. Alam nyo na!  Never fails to make me smile. No wonder, my heart beats for Him.

But?

It's not already just for Him. Gaya ng nangyari kanina.

I don't know why. I... I... I don't care! -________- Baka naman kinabahan lang ako kasi baka ipagkalat na naman niya 'yan sa room para asarin ako! Tama! Oo! Ganyan nga yun.

Paglingon ko, nakita ko 'yung jacket niya na nakapatong sa bed ko. Ano ba to? Ang gulo! 

Kinuha ko 'yung jacket at inamoy... Eeeeeeew!

Joke lang!

Ang bango nga eh. Amoy Eli... O______O Ano ba naman 'tong pinag-iiisip ko! Hindi na maganda 'to

Tinapon ko pabalik 'yung jacket sa higaan ko. Pssh. Makapag-concentrate na nga lang sa facebook.

Tingin-tingin sa mga online. (¬‿¬) Nice. Online siya ngayon. Mag-me-message ako sa kanya.

"Mamang Pogiiii :)"

Nag-reply naman siya…

"Baby Kuleeet.. sa wakas! Nakapag-online ka na rin. I miss you much. Ano nang balita sa’yo ngayon?"

FOOLS who only look at each other...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon