Chapee 6. Bad Day

112 5 1
                                    

0o. Winnifred’s POV .o0

Maaga akong pumasok ngayon. Baka kasi maaga pumapasok si Eli eh. gusto kong mag-sorry sa kanya nang kaming dalawa lang. Ayokong may makakitang nag-so-sorry ako sa kanya noh! Masakit sa bangs pati sa pride ko! Hohohoho~

Dumating ako ng 6:30… sobrang aga naman ata. Pumasok na ako sa room namin. Wala pang tao! Naku namaaaaaan! >__________<

Oo nga pala, kagabi. Nakatulog ako. Tinapos kaya ni Ethan ‘yung kanta niya?  Inaantok na kasi ako that time eh! Baka nagalit yun :(

Dahil wala naman akong magawa, napagpasyahan kong maglibot muna sa campus. Ang lungkot naman. Wala pa masyadong studyante. Mabibilang ko pa lang ata ang mga studyanteng nakikita ko eh.

Habang naglalakad, napadayo ako sa Gym. Wooooow. Parang antagal ko nang hindi nakakapunta rito ah! May bago kayang PE teacher this year? Hihi. Kasi diba kadalasan mga hot ‘yung teachers ‘pag PE subject? Wahahahahahaha.

Sumilip ako sa loob. Walang tao. Tingin sa watch. 6:47 pa lang. hmmmmm. Maka-pasok nga muna!

Lakad lang ako ng lakad sa loob hanggang sa may nakita akong studyateng natutulog sa bandang kanan ng bleachers. Dahil likas na chismosa ako, at masyadong curious sa mga bagay-bagay, eh nilapitan ko ‘yung studyante. Lalaki. May takip na libro ang mukha. Hmmmm? Mukhang hindi naman siya dito natulog kasi mukhang bagong paligo naman. Atsaka, mabango ^______^

Tatanggalin ko sana ‘yung libro sa mukha niya para makita ko kung sino, nang…

“What!?”O_______O tingin-tingin sa paligid. Wala namang tao ah?! Sino ‘yung nagsalita? Halaaaa? May multo ba sa Gym na ‘to? Uwaaaaa, Mommy~

“Stupid!” sabay upo nung lalaking nakahiga kanina. So ibig sabihin, walang multo? Ito naman pala ang nagsalita kanina eh! Phew! But… wait! Stupid ba ‘yung narinig kong sabi niya?! Paglingon ko dun sa lalaki…. O__________________O laking gulat ko nalang nang higit pa pala sa multo ang makikita ko! Grabe namang kamalasan ito! OTL

“ANO?!” Ayan na. Sumigaw na ang halimaw! Huhu. Sana nalang pala, multo nalang ang nakita ko. T_____T

“Ahmmm.. ah. W-wala!” sagot ko sa kanya. Teka, ba’t parang na-uutal ako? Hindi pwede! Kelangan matapang ang peg ko! amfufu naman!

“Tss” tumayo siya at naglakad. Paalis na ata siya ng Gym. Pero teka, mag-so-sorry ako sa kanya diba? Kaya nga inagahan ko ng dating! (_ _”)

“S-sandaliiiiii…” habol ko sa kanya. Huminto naman siya sa paglalakad at nilingon niya ako. “Ahmm.. about kahapon. Sorry talaga at Thank You na rin.” Waaaah. Nasabi ko ng diretso. (^_^) Ang galing ko….

“K.” sagot niya at tuluyan nang nilisan ang Gym. (O//o//O) I was left there…dumbfounded! What was that? Ganun nalang yun? The nerve! Nag-sorry at nag-thank you na nga ako diba?! Aaaaaaarggh! Nakakainis! Nanggigigil talaga ako. Makakapatay ata ako ng tao eh! >_______________<

“AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!” sigaw ko sa Gym. Hindi ko talaga nakayanan. Nilabas ko ang lahat ng inis ko sa kanya through that shout! Naging shock absorber ko pa ng wala sa oras. Ang aga pa pero bwisit na bwisit na ako sa kanya. Wala na akong pake kung may makarinig man. Basta ako ay naiinis. Leche siya!

0o. Bell’s POV .o0

Nag-bell na ah. Maya-maya lang dadating na ‘yung teacher namin. Asa’n na ba ‘yung Fred na ‘yun?! Tsss.

Ilang minuto pa, dumating na ‘yung teacher namin… at si Fred. Aba! Sinabayan pa talaga ‘yung teacher namin. Teka, ba’t parang bad mood ata? Nakabusangot kasi ang mukha. Baka badtrip sa kuya niya..

FOOLS who only look at each other...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon