CHAPTER 51

40 5 0
                                    


Diretsyo kong nilakad ang daan pabalik ng room ni JN....

hindi ako kinakabahan pero nangangamba ako.....

paano kung gising na siya?

paano ko sa kanya sasabihin ang tungkol samin?

maniniwala kaya siya?

napabuntong hininga ako habang papalapit na ako ng papalapit....

napatingin ako sa hindi kalayuang kwarto,may tatlong nurse na naguusap sa labas at dalawa ding doctor na papunta rin sa kung saan ang mga nurses....

biglang bumilis ang tibok ng puso ko...

pumasok sila sa loob ng kwartong yun at ganon din ang dalawang doctor....

parang kinabahan ako bigla....

ng mapalapit na ako sa room ni JN ay laking gulat kong ito din ang pinasukan ng mga doctor at nurse...

napatingin ulit ako sa number ng pinto kung baka nagkakamali lang ako pero hindi, ito din ang kwartong pinasukan namin kanina....

napatulala ako sa pinto.....

ito na kaya.....

gising na kaya siya?

napabuntong hininga ako...at tsaka wala sa pangyayaring binuksan ko ang pintuan....

lumitaw ulit ang puting liwanag sa paningin ko at tsaka sunod kong nakita ang lahat ng tao sa loob dito....

hindi nila napansin ang pagpasok ko dahil nandon lahat ng paningin nila sa taong nasa gitna ng kama....

si JN

linga linga ko pang tinanaw lahat ng nandito....

hindi ko naintindihan ang pinagsasabi nila pero naririnig kong nagsasalita ang dalawang doctor , hindi ko nakuhang tingnan si JN ng maayos dahil sa napalibutan lahat ng kama niya....

tinanaw ko ulit ang paligid....

hindi ko maintindihan pero kapag titingin ako sa isang bagay ay parang nagiging dalawa o mahigit ang nakikita ko....

napahawak ako sa ulo ko at napasandal sa pader....

nahihilo ako...

dahan dahan naman akong naglakad habang nasa pader at sa ulo ko pa din ang kamay ko....

parang lumalabo narin yung paningin ko...

"aghhhh"nasabi ko ng biglang sumakit ang ulo ko....

bumalik na naman siya....

napaupo ako sa sahig at linga linga ko ulit na nilibot ang paningin ko....

ang labo na ng paningin ko.....

naipikit ko ang dalawang mata ko kasabay nun ay napabuntong hininga ako....

"JN"

nasambit ko at sa hindi katagalan ay nararamdaman kong napadaosdos ang katawan ko sa sahig at hindi ko na alam ang sunod na nangyari....







"taehyung-ahh"nakangising sambit ko habang pinagmasdan lahat ng pictures niya sa cellphone ko "WAHHHHHHHHH bogoshipeo taehyung-ahh"

"NAN NAL BOGOSHIPEO...MAHAL KO WAHHHHHHHHHHHHHH"

NEVER BEEN INLOVE WITH MY KPOP IDOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon