CHAPTER 61

36 5 1
                                    

Hannah POV

Parang unti-unting na dudurog ang puso ko habang nakatingin siya sa akin ng walang bahid na kung ano sa mukha niya, napabuntong hininga nalang ako tsaka ko napilitang mapangiti nalang sa kanya kahit na dahilan pa ito para mas lalong sumakit ang dibdib ko, dahan dahan naman akong tumalikod na sa kanya at nagsimula ng pumatak isa isa ang namumuo kong luha na pilit kong tinatago mula sa kanya kanina pa.

Dirediretsyo kong tinahak pabalik ang hotel ng walang lingonan, patuloy parin ang pagdaloy ng mga luha ko sa buong pisnge ko para dahilan para matakpan ang mga mata ko at hindi ko na alam kung saan ako patungo sa mga oras na ito. Isa lang sa mga oras na ito ang tanging nararamdaman ko.

Nasasaktan ako...

Mas sumikip pa lalo yung dibdib ko ng maalala na wala manlang siyang naging reaksyon sa paghalik sa kanya ng babaeng kasama niya, kakaiba rin ang mga tingin niya sa babaeng yun na sa palagay ko ay nagustuhan din niya ang ginawa nitong paghalik sa mga labi niya.

Pilit kong pinapahiran ang mga luha dahil sa sobrang pag-agos nito sa buong pisnge ko na hindi ko alam kung hihinto pa ba ito sa pagtulo dahil sa lungkot, sakit at pananabik ko na ma kita ko siya muli.

Napahawak pa ako sa dibdib ko habang patuloy parin ang pag-agos ng luha ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta at kung anong gagawin ko sa mga oras na ito. Napahinto ako sa paglalakad at ramdam ko parin ang mga luhang pumapatak at diretsyong pumunta sa mga kamay ko dahil sa paulit-ulit ko itong pinapahiran pero nagulat nalang akong mapatingin ng may biglang kamay ang pumahid nito para sa akin. Unti-unti ko namang inangat ang tingin ko sa kanya pero nagulat nalang din ako ng bigla niya akong hinatak papalapit sa kanya at niyakap.

"Shsssshss... hey it's ok, wag ka ng umiyak nandito na ako"aniya

Sa tono palang ng boses niya ay mas lalo akong napahagugol sa pagkayakap niya sa akin at sa kaisipang nandito na naman siya para saluhin ang sakit na nararamdaman ko.

Hindi ko napigilan ang emosyon ko at mas lalo pang kumirot ang nararamdaman ko sa ngayon, mas sumakit pa lalo yung dibdib ko. Marami na ngayong mga luha ang tumutulo sa balikat niya at namamasa narin ang buong parte nito dahil sa sakit na nadadama ko hanggang ngayon. Hindi parin niya ako binibitawan sa pagkayakap, at ramdam ko din ang marahan niyang pagtatapik ng likod ko habang ang isa naman ay hinihimas ang ulo ko na nakasandal sa balikat niya.

Hindi nga siya doctor pero kahit ganito ay nagpapasalamat akong nakilala ko si Ron dahil pinapagaan niya naman ang sakit na nararamdaman ko. Na kahit alam kong alam niya na hindi ko parin maibibigay sa kanya ang pagibig na para lang kay JN.

Unti-unti niya naman akong hinarap sa kanya at tsaka hinawi ng marahan ang mga buhok kong nasa mukha ko na ngayon at dahan dahang hinawi papunta sa likod ng tenga ko, napangiti naman siya sa akin, ang ngiting nagbibigay senyales na nagaalala siya at nasasaktan din siya. Kita ko naman kung paano kuminang ng todo ang mga mata niya na nakatingin sa akin ng diretsyo sa mata, nakikita ko naman ulit yung repleksyon ko dito dahil sa kagandahan taglay nito habang nasa akin parin ang paningin nito. Ganitong-ganito rin ang unang beses ng una kaming magkakilala ni Ron,wala paring nagbago dito. Kumikinang parin ito hanggang ngayon kahit kelan ako mapatingin dito.

Naramdaman ko namang ang pagdampi ng labi niya sa noo ko at tsaka ako tiningnan at hinarap ulit sa kanya, napangisi pa siya sa akin at tsaka pinahiran ang huling luha na lumabas sa mata ko.

"Are you hungry?"malambing aniya na nagbibigay gaan ng nararamdaman ko.

Hindi naman agad ako nakasagot sa tanong niyang yun kaya agad niya naman akong hinipan sa mukha, dati niya ding ginawa sa akin.

"tsk tsk tsk... ang pangit na ng girlfriend ko..." seryosong aniya pero alam kong pinapagaan niya lang ang nararamdaman ko"Hey... wag kanang malungkot... diba sabi ko sayo ayaw kong nakikita kang umiyak?"

NEVER BEEN INLOVE WITH MY KPOP IDOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon