CHAPTER 62

54 8 4
                                    

Naalimpungatan ako dahil sa bigla kong naramdaman ang sinag ng araw na humahalik sa balat ko. Dahan dahan naman bumukas ang mga mata ko at nilibot ang paligid. Medyo masakit rin ang ulo ko ngayon, naalala ko naman ang nangyari sa akin kagabi pero hindi ko na naalala ang sunod pang nangyari. Nasa sarili ko ng kwarto ako ngayon at hindi ko din alam kung paano ako napunta dito o sino ang nagdala sakin dito. Napabangon ako bigla ng maalala ulit yung babaeng huli kong nakita bago ako nawalan ng malay.

Si Tina yung huli kong nakita!

Napabangon ako bigla sa kama at napatingin sa orasan. Laking gulat ko namang makita na magaalas dose na. Kaya pala iba yung sakit ng dala ng sinag ng araw ngayon dahil tanghali na ako nagising.

Narinig kong kumulo na yung tiyan ko kaya napagisipan ko ng tumayo na at lumabas na ng kwarto. Marami naman akong nakasalubong na tao dito sa second floor ng hotel.Hindi na ako pumunta sa mga kwarto nila trev dahil baka nandon narin sila sa labas.

Kakapasok ko lang sa isang restaurant dito at naka buffet ang style. Wala sa wisyong tinungo ko ang lalagyan ng plates at kumuha din ng utensils. Nagpili lang din ako ng ilang nakahanda dito tsaka naghanap ng mauupuan at ensakto ng makita ko ang upuan kung saan sila ni Trev nakaupo at tinahak ko agad yun.

Pagkadating ko ay dumiretsyo na akong umupo sa bakanteng upuan dito at nagsimula ng kumain.

"Tskk Hoy JND bat hindi ka sumipot kahapon ha? inintay ka namin doon pero di ka nagpunta kaya napagisipan nalang namin wag ituloy."

{O_O}

Naubo ako at halos maisuka ko yung pagkain ko dahil sa narinig ko. Agad naman ako nila binigyan ng tubig at ininom ko agad yun. Nakatingin ako sa kanila ng hindi makapaniwala at sila naman ay nagtatakang nakatingin sakin.

"Ehh paano ako nakabalik sa kwarto ko kahapon?"bulaslas ko sa hindi ko makapaniwalang tono.

Kumunot naman isa isa ang noo nila at pilit na iniintindi yung sinabi ko.

"Ikaw syempre alangan naman kami, ni hindi ka nga namin nakita kagabi ehh!"

{O_O}

"ANO?"gulat kong sigaw sa kanila kaya napatingin naman lahat ng tao na kumakain dito sa akin. Napahiyang napaupo ulit nalang ako at nasapo ang sintido ko sa inis. "Bakit hindi ko alam?"naiinis kong sabi at mas pinagtaka nila.

"May nangyari ba sayo kagabi JND?"nagaalalang tugon nila sa akin.

Napakurap naman ako at tsaka bumuntong hininga.

"Wala naman, nanaginip lang siguro ako"sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain nang mapatingin ako bigla sa suot kong damit.

{O_O}

Lunok!

"Sino ang nagbihis sakin?"

Mausisa naman ako nilang tiningnan na may pagalala sa mukha nila isa isa. Nagtataka at nagtatanong ang pareho nilang reaksyon sa akin, nakataas naman ang dalawa kong kilay habang pinagmasdan sila dahil baka pinagtritripan lang nila ako pero parang pareho lang kaming walang alam kung anong nangyari kagabi sa akin. Agad ko nalang tinuon ang atensyon ko sa pagkain sa harap ko at hindi nalang ako nagsalita.

Kahit ako ay kinabahan sa sarili kong sinabi sa kanila, alam kong hindi panaginip yun pero ayaw kong madamay pa sila sa problema ko. Hanggang sa natapos ko lang ang pagkain ko ay nausisa naman sila sa lagay ko ngayon. Hindi pala nila alam ang nangyari sakin kagabi tapos hindi ko naman alam bakit ako napunta pabalik ng kwarto ko. Si Tina nga ang huli kong nakita pero alangan naman siya ang nagbuhat sakin papuntang silid ko diba? Tss!

NEVER BEEN INLOVE WITH MY KPOP IDOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon