Naalimpungatan ako sa dahang dahang kong pagbukas ng mga mata ko dahil sa sinag ng ilaw na nakapalibot sa buong silid ng kwarto. Matamlay kong pinagmasdan ang palibot at doon ko na rin na kuha ang kaisipang nasa aking kwarto ako. Linga linga ako pero halatang ako lang mag-isa ang nandito. Napabuntong hininga ako ng malalim kasabay non ang pagpitik ng ulo ko.
"arayyyyy...."napahawak ako sa ulo kong pumipitik sa sakit at agad na paglabas ng luha dahil sa hindi ko kinaya ang sakit na taglay nito. "Arayyyyyy" sigaw ko pa
Agad ko namang naramdaman na may biglang may tumabi sa akin at niyakap ako. Hindi ko na rin pinansin kung sino man iyon dahil sa kakaibang sakit na dulot nito sa ulo ko at dahil din sa naubos lahat ng atensyon ko sa pagkahawak ko sa ulo ko habang walang humpay ang iyak ko.
Humihikbi na ako ngayon at nararamdaman ko naman na mas lalo pang humigpit ang pagkayakap niya sa akin. Hindi ko rin alam pero parang dumidilim na naman yung paningin ko at hindi nga ako nagkamali dahil agad na linibot ng itim ang buong silid. Pero bago yun may isang mukha akong naaninagan at mas napaiyak at mas sumakit pa lalo yung ulo ko na malaman na yung taong nais kong makita ulit at yung taong sabik na sabik kong makita ay nandito pero wala sa pangyayaring lubos na akong nawalan ng malay.
Pagsapit ng hapon ay nagising na ako ramdam ko na din na maayos na ang pakiramdam ko, dahan-dahang naman akong bumangon at napatulala sa wall clock sa harapan ko.
Alas tres na ng hapon...
Ilang minuto ko pa yung tinitigan ng may biglang kumalong sa tagiliran ko at dahil don ay napayakap ako sa kanya. Napangiti ako sa kanya sabay non ang pagdila niya sa mukha ko kaya agad naman akong napatawa ng kaunti sa ginawa niya.
"Wooo...wooo...woooo"
"kamusta ka baby ko" himas ko pa sa ulo at baba niya at mas lalo pa siyang ginanahan sa tuwing kikilitiin ko ang tiyan niya. Nasa ganito kaming posisyon ng biglang bumukas ang pinto at nakangiti naman siyang papunta sakin dala dala ang tray ng pagkain. Agad niya naman akong hinila at niyakap papalapit sa kanya at kasabay non ang paghalik niya sa noo ko.
"How are you?"nagaalalang aniya habang nakatingin sakin.Tumango naman ako sa kanya at napangiti siya saka napabuntong hininga " kumain kana ng dala ko baka hihimatayin kanaman ulit, masama pa naman sabi ng doctor na ipagpalipas mo ang pagkain kasi yun din ang isa sa mga naging sanhi kung bakit nawawalan ng malay ang isang tao" at napabuntong hininga ulit siya. "kaya naman princess kainin mo ito." seryosong aniya at napangiting tumango naman ako at napaisip naman ako dahilan din para titigan niya ako ng seryoso.
"Bakit princess? tell me may masakit pa ba sayo? tatawagan ko nalang ulit yung docto—"
"Wag na kuya" napatango naman siya at bumuntong hininga ako "may itatanong lang sana ako sa inyo if kung bakit pumunta dito si JN?"
Nag-aalalang tinitigan niya ako at napaupo ulit siya sa tabi ko. " si JN?"
Napatango naman ako sa sinabi niya saka siya tumingin sakin ng diretsyo at napabuntong hininga. " Ang alam ko lang na bumisita dito ay yung mga kaibigan mo sina Iriz..." napatango naman ako " tapos yung sumunod at panghuling pumunta sayo ay ang anak ng mga Gutierrez"Si Ron?
Napatitig naman ako ng maayos kay kuya at parang hindi ako makapaniwala sa sinabi niya dahil kahit napuno na ng itim yung paligid ko kanina ay namukhaan ko pa din na si JN yung taong yun. Alam kong si JN yun!
BINABASA MO ANG
NEVER BEEN INLOVE WITH MY KPOP IDOL
Fanfiction"Taehyung?" "I'm Tea not Taehyung, remember?" *** Soon to edit! *Tagalog * Fanfiction * Completed Hi po! jejemon po ang author kaya paumanhin sa mga jeje chapters ko huhu...Happy reading!