[A/N: Grabe kayo! Kakaupdate ko lang po kanina, naka 30 votes na kaagad ang C14. Bagalan niyo naman please? Para matapos ko pa isulat lahat ng chapters at di kayo tuluyang mabitin. Huhu.
Procrastinating level 999 kasi ako ngayon. :3
☑ READ
☑ COMMENT
☑ VOTE
☑ LOVE
xoxo, LoveAnarchist ©]
------------------------------
Chapter 15:
Misconception
[Amber's POV]
I'm so nervous. Hindi ko alam kung dahil ba sa excitement o dahil sa takot na baka may iba na si Scarlet. I don't know either.
Ano nga ba ang madadatnan ko? Matatanggap ba akong muli ni Scarlet matapos ang lahat?
Nasapo ko na lang ang ulo ko sa sobrang frustration.
"Is everything okay ma'am? Would you like something to drink?" Tanong sa akin ni Samara, flight attendant na kaibigan ni Scarlet.
"I'm good. I'd like a glass of champagne. Thank you." Tumingin ako sa bintana ng eroplano, all I can see are clouds. And I remember that Carly loved the clouds. Sabi niya, napaka-relaxing at exhilarating daw ng feeling kapag nakikita niya ang mga ulap.
Lalo tuloy akong na-guilty. She loved her job. And I know, malaking adjustment ang pagre-resign niya sa trabaho. At masakit man, alam kong dahil sa akin kaya siya nag-resign. Para malayuan lang ako.
Alam kong halo-halo na ang naging dahilan kung bakit siya nagpasyang lumayo. Alam kong nasaktan ko siya ng sobra, pero ginawa ko yun para lumayo siya at maging masaya kahit wala ako.
From that very moment at A&S's anniversary, kung saan ipinakilala na ako bilang big boss, alam kong sobra ko siyang nasaktan.
Gustong-gusto ko siyang lapitan at kumustahin noon. Nagpagupit siya ng buhok at pumayat pero walang kaduda-duda, napaka-ganda niya pa rin. Siya ang apple of the eye ng party. And I got jealous with all the stares they're giving to her. Ngunit wala akong magawa kundi ang titigan na lamang siya sa malayo. Nung kumanta siya, alam kong para sa akin ang kantang iyon. Ang mga mata niyang malungkot ay nagtatanong sa akin ng mga tanong na kahit sa sarili ko, hindi makayang sagutin.
Hindi ko alam kung bakit ko siya sinaktan sa mga paraang hindi dapat. At nasasaktan rin ako dahil alam kong nasaktan, nasasaktan at patuloy na masasaktan si Scarlet dahil sa ginagawa kong sakripisyo para kay Stacey.
Kaya naman nung nag-resign siya sa A&S, wala na akong ibang nagawa para pigilan siya. Ganun na lang niya iiwan ang trabahong mahal na mahal niya dahil rin sa akin.
I took a deep sigh. Kinuha ko ang glass ng champagne at ininom ito, bottoms up. Ipinikit ko ang mga mata ko dahil sa exhaustion. Ni hindi ako nakatulog ng maayos sa excitement at kakaisip ng mga maaaring mangyari. Hinanda ko na ang sarili ko sa madadatnan ko.
Paidlip-idlip lang ako the whole byahe. Masakit sa pwet at nakakapagod kahit nakaupo ka lang. Pero wala akong pakialam sa reklamo ng katawan ko, ang mahalaga ay makikita ko na si Scarlet matapos ang isang taon.
Nang lumapag sa airport ang eroplano ay naghanda na akong bumaba. Susunduin ako nila Kaye at AJ, sa kanila kasi ako tutuloy since wala naman akong kakilala sa L.A.
BINABASA MO ANG
Retired Playgirl's Wifey (KryBer, PB book 2)
ChickLitBook 2 ng kwento nila Amber at Scarlet. xoxo, LoveAnarchist ©