C29: Wedding plans

4.3K 109 1
                                    


Chapter 29:

Wedding plans


[Carly's POV]

After knowing dad's condition, napagpasyahan na namin ni Amber na simulan na ang wedding preparations. Gusto kong maging private at simple lang ang wedding. Ayoko kasing maging talk of the town pa ang kasal namin. Gaya ng panganganak ko. Maraming lumabas na balita sa internet at maging sa TV tungkol sa pagkakaroon ko ng anak. Syempre, napagusapan ang IVF dito sa Pilipinas. Maraming naging curious lalo na ang LGBT community dito. Madalas ngang may tumatawag at nangungulit ng interview pero hindi ko pinauunlakan dahil pribadong buhay na namin ito. Masyado kasing sikat si Amber eh, kaya pati kami, pinuputakte ng intriga. Hinahayaan na lang din niya.

"Tara na?" Tanong ni Amber. Naka-schedule kasi kami para pagpili ng designs at fitting para sa ipapatahing wedding gowns, ayaw kasi ni Amber ng ready to wear gowns lang. As in gowns, gusto kasi ni tito, naka-gown kami pareho. Pero pwede rin naman siyang magpalit pagkatapos ng ceremony.

"Opo." Sagot ko at binuhat na si baby. Dinala naman ni Amber ang baby bag niya at lumabas na kami ng kwarto. Pagbaba namin ay naghihintay na si Kring. Isasama namin siya para may kapalitan kaming magbuhat kay baby lalo na mamaya kapag sinusukatan na kami.

"Good morning miss Amber and miss Carly." Bati niya sa amin. Binati ko rin siya at tumango lang si Amber sa kanya.

Nagpaalam lang kami kila mom at dad na nasa veranda at saka lumabas na kami papunta sa garahe. Si June ang magda-drive ng kotse. Ipinagbukas niya kami ng pinto at pumasok na kami ni Amber sa passenger's seat. Si Kring ang katabi ni June sa harap.

Pumunta kami sa shop ng isang papasikat pa lang na designer na sino pa ba? Syempre si ate Ehra! Nakapagtayo na siya ng kanyang shop dito sa Pilipinas, at guest what? Maging mga artista ay nagagandahan sa mga designs niya lalo na nung na-feature siya sa isang magazine. Comfy yet stylish ang designs niya. Simple pero elegante.

"Good day miss Soliman, miss Chen." Bati niya sa amin ng receptionist at dinala kami sa office niya.

"Good morning ate." Bati ni Amber.

"I'm so excited!" Palakpak ni ate Ehra. Gaya ng mga designs niya, napaka-elegante niya. Sophisticated ang dating niya sa suot niyang balck overall na may disenyo ng logo ng shop niya, EA.

"Kami rin excited na." Sabi ko.

"Nasaan si baby?" Tanong niya.

"Nasa labas kasama si Kring." Si Amber na ang sumagot.

"At bakit nasa labas ang munting anghel? Papasukin niyo siya dito." Sabi niya.

"Wag na ate. Tulog naman kasi siya kanina. At saka baka di tayo matapos. Alam kong siya lang aasikasuhin mo niyan eh." Biro ko. Totoo naman kasing giliw na giliw siya sa anak ko.

"O sige na nga. Simulan na natin ito." Nagsimula siyang sukatan kami. Tinanong niya kami kung ano ba ang preferred style namin.

"Sa akin, simple lang. Tube top or sweet heart neckline. Yung traditional na may pagka-vintage. Gusto ko yung 2-in-1 na siya. Pwedeng cocktail dress with a detachable tulle." Pagde-describe ko sa gusto kong gown. Alam na niya yun noon pa man, madalas kasi niya akong gawan ng mga gowns noon pa. Kapag nagsa-sagala kami, gawa niya ang suot ko. Kaya nangako siya sa akin na siya ang magdedesign ng wedding gown ko at pati na lahat ng abay ko. With discount pa.

Retired Playgirl's Wifey (KryBer, PB book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon