C8: Cold war

4.6K 135 3
                                    

[A/N: Hiyah! Here's the update po. :) Thank you sa agarang pagtupad sa aking kahilingang 30 likes. :D

Okay na ako, matapos ang isang nakakawarak mundong pinagdaanan. Kaya I'll take back the plan of killing our ScAmber in the end. Haha. De joke, walang ganung plano. Ayos na. Konti na lang at mababasa niyo na ang lahat hanggang katapusan ng istorya. :) Konting sulat pa at tapos na ang book 2.

☑ READ

☑ COMMENT

☑ VOTE

☑ LOVE

xoxo, LoveAnarchist ©]

------------------------------

Chapter 8:

Cold war

[Carly's POV]

Nagising na lang ako sa masarap na amoy ng pagkain at kape. Four days na simula nung birthday ko, na hindi niya pinalagpas. Okay na rin yung paa ko.

"Good morning.." Bati sa akin ni Amber. Bagong ligo pero halatang puyat pa rin dahil sa namumuong dark lines sa mata niya. Nangangayayat na rin siya.

Hindi ako sumagot. Bumangon ako at dumiretso sa banyo. Nagtoothbrush at nagshower ako. Pagkatapos ay pumasok ako sa walk in closet ko at nagpalit ng jogging outfit - long sleeves, shorts at yung neon pink running shoes na binili ko 2 weeks ago. Nagpatuyo lang ako ng buhok at saka kinuha ang iTouch at earphones ko. Kumuha ako ng face towel at isinukbit sa tagiliran ko.

"Where are you going?" Tanong niya nung makita niya ako. Di ko pa rin siya sinasagot. Matapos kasi ang birthday ko, dito siya natulog pero kinabukasan ay bumalik din siya sa hospital. Ngayon lang siya umuwi.

Nagtali lang ako ng buhok sa may vanity area at saka inayos ang iTouch sa arm strap.

"Babe?" She called me. "You should eat breakfast, I prepared this for you."

I looked at her, poker faced. "I think you need it more. Besides, I'm going to jog. Mamaya na lang ako kakain." Sagot ko.

"When did you start jogging?" She asked again, naupo na siya sa kama.

"When you started to forget that I exist? See? You don't even know what I do nowadays." I sarcastically answered. "I have to go." Saka ako lumabas ng kwarto. Uminom muna ako ng cold water from the fridge, nandun na rin yung mga binili ko kagabi.

Okay, di naman talaga ako nagja-jogging everyday. Mga twice a week basta nai-stress ako. At saka isa pa, ayokong makita si Amber. Naiinis lang ako. And besides, nasanay na rin naman akong wala siya. Dun na lang siya sa Carmela-who na yun.

I took the elevator, wala akong kasabay until the 23rd floor.

"Hi!" Bati sa akin ni Lyza. Wait, the Lyza Juaquin again?

"Oh hi!" Bati ko.

"You live here din pala? What a small world." She smiled at me as she went inside the elevator.

"Yes. Ikaw din pala?" I smiled at her.

"Varsity perks. How's your foot?" Tinignan niya yung paa ko.

Retired Playgirl's Wifey (KryBer, PB book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon