[A/N: Here's the update. :) Sakit nung last chapter di ba? Ewan ko lang kung masakit din to. :(
☑ READ
☑ COMMENT
☑ VOTE
☑ LOVE
xoxo, LoveAnarchist ©]
------------------------------
Chapter 11:
Despedida
[Carly's POV]
"But why?" Tanong ni Miss Alameda ng pumasok ako sa office niya. She must've read my resignation letter.
"I really need to resign ma'am. Personal reasons." I said firmly.
"But.." Natigilan siya ng biglang mag-ring ang phone na nasa desk niya.
Sinagot niya iyon. Di ko na inintindi kung ano bang sinabi niya sa kausap. Ilang araw ko na rin pinag-isipan ang desisyong ito.
"Okay ma'am." Yun lang nag narinig ko at ibinaba na ni miss Alameda ang telepono.
"I'm sorry about that.."
"About your resignation, if that's what you really want, aayusin ko na ang mga dapat ayusin."
Nagulat ako sa sinabi niya, ang akala ko'y pipigilan niya pa ako. Medyo may konting hesitation ako sa desisyon ko, pero kailangan ko ito.
"Sayang miss Soliman, isa ka pa naman sa magagaling na FA's ng company. Well, mukhang yan na ang final decision mo kaya wala na akong balak pang pigilan ka." Dagdag niya pa. May tono ng panghihinayang ang pagkakasabi niya.
Maging ako man, nanghihinayang din. Mahal ko ang trabaho ko. Pero kailangan kong gawin ito para sa sarili ko.
Maaring pagsisihan ko ang desisyon kong ito in the future. Well, it's my first job. My dream job. Pero ayokong pumasok araw-araw knowing that the company I work for is owned by my first love, my first heartbreak. At isa pa, tinulungan niya akong makapasok dito. Walang kahirap-hirap akong nakapag-trabaho dahil sa kanya pala ang kompanyang ito. Ayokong dagdagan pa ang utang na loob ko sa kanya.
Natapakan niya ang ego ko dahil sa ginawa niya. At higit sa lahat, dinurog niya ang puso ko. Sinaktan niya ako in ways na hindi ko ineexpect na magagawa niya.
"Thank you ma'am Alameda. It's really a pleasure to be working with you." I stood up. Nakipag-shake hands pa ako sa kanya bago tuluyang lumabas ng opisina niya.
I looked around the airport. Sa loob ng halos dalawang taon, napamahal na rin sa akin ng lugar na ito. Ang mga taong nakatrabaho ko. Ang mga taong nakakasalamuha at napagsisilbihan ko sa loob ng eroplano. Napamahal sila sa aking lahat.
Pero habang tinitignan ko ang paligid, naiisip ko rin na ang lahat ng ito, ay pagma-may ari ni Amber Chen. At kailangan kong lumayo para makalimutan siya.
~
(After a month..)
"What?! Naloloka na kami sayo Scarlet Arquelada-Soliman ha!" Honey exclaimed.
"Nung isang buwan, resignation sa trabaho. Ngayon, ibebenta ang condo?" Dugtong ni Denise.
"Pumayag na ba sila tita? Saan ka titira?" Tanong ni Missy.
BINABASA MO ANG
Retired Playgirl's Wifey (KryBer, PB book 2)
Literatura FemininaBook 2 ng kwento nila Amber at Scarlet. xoxo, LoveAnarchist ©