C2: Unaware Amber

7.5K 168 1
                                    

[A/N: Hello! :) Umabot na sa 30 likes kaya ito na po ang update. Masaya ba ang Christmas niyo? Ako, oo. Binabasa niyo kasi ang works ko. Hihi. Thank you guys! :*

Gusto ko lang malaman niyo na sa mga susunod na chapter po ay featured si AJ, Kaye at Athena Jamilah (From my short story trilogy: She keeps me warm, I can't change, Forever and Please don't go) Shameless plugging na itu. Hihi.

May malaking parte kasi si Kaye at AJ dito sa book 2, at sila lang sa tingin ko yung characters na pwede ko isama dahil lesbian couple rin sila. Kung gusto niyong malaman ang mga napagdaanan nila AJ at Kaye, basahin niyo po yung tatlong title na nasa works ko. Basahin niyo muna yun bago ito, para may idea kayo sa kanila.

Sa mga nakabasa na, berigud at di niyo pinalampas yun. Hihi. Anyways, here's the update.

☑ READ

☑ COMMENT

☑ VOTE

☑ LOVE

xoxo, LoveAnarchist ©]

------------------------------

Chapter 2:

Unaware Amber

[Carly's POV]

I woke up early the next day dahil sa sobrang excitement ko. Naalala ko kasi nung first time naming pumunta ni Amber sa Disneyland together, sobrang saya niya. And I'm really happy dahil masaya siya. She said, kahit na nandito siya every vacation, never daw sila namasyal ng dad niya. I asked her kung bakit pero iniba niya ang usapan noon.

Tulog pa si Amber kaya naman nauna na akong bumangon. I went to the bathroom para magtoothbrush at hilamos saka bumaba sa kitchen. Naabutan ko ang isa sa mga maid nila, na hindi ko matandaan ang name.

"Good morning miss Scarlet." Bati sa akin ng nasa early 20's na Singaporean, napaka-soft spoken niya at mukhang masiyahin. Sa tingin ko, mas bata siya sa akin ng mga dalawang taon.

Napansin kong wala silang kasambahay na Pinay. Ayaw raw kasi ng dad ni Amber ng Pinay. Hindi na ako nagtanong kung bakit.

"Good morning. What are you preparing for breakfast? May I help you?" I asked her.

"What do you like for me to cook?" She asked smiling.

"I wanted to prepare a breakfast in bed for Amber. Can I?" Paghingi ko ng permiso, alam ko kasing mahigpit na bilin ni tito Richard sa kanila na wag akong pakilusin lalo na sa kusina. I'm used at being helped here naman, gusto ko lang talagang maghanda para kay Amber.

Now that I know it's her birthday, I wanted to do something for her since wala naman akong nabiling gift. Kahapon ko lang kasi nalaman kaya wala na akong time para bumili ng regalo for her. And ayoko naman na malaman niyang alam ko na. I just want to make her happy today.

"Are you sure about this miss Scarlet?" Hesitant na tanong niya.

"You can help me with the ingredients. I'll just cook pancakes with bacon and egg. I really just want to surprise Amber. Please?" Nagpuppy-eyes and I pouted at her. Ewan ko na lang kung di pa pumayag 'to.

Napilitan man ay pumayag na rin siya. Tinulungan na niya akong maghanda ng mga lulutuin ko. She helped by mixing the pancake mix, pinalagyan ko rin ng fresh strawberries na pinablender ko sa kanya. Tapos nun ay ako na ang nagluto for Amber, though may occasional help pa rin from Cynthia. Nagkwentuhan kami while I'm cooking kaya naitanong ko na yung name niya.

Retired Playgirl's Wifey (KryBer, PB book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon