C22: With the girls

4.4K 142 1
                                    

Chapter 22:

With the girls

[Carly's POV]

Ang ingay-ingay namin sa loob ng sasakyan. Tawanan ng tawanan dahil sa mga throwback ng moments namin noon sa Pinas.

"Naalala niyo yung time na nagpunta tayo sa amusement park after ng debut ni Carly?" Simula ni Honey.

"Oo naman. Unforgettable kaya yun!" Sagot naman ni Denise.

"Naalala ko yung 'Minimum Fear' eh, natakot ba naman si Amber kasi pati takot may bayad? Kakaloka!" Tawa ni Honey.

"Naku mas malala naman yung Saging con yelo, banana and mais flavor 'no!" Natatawang sabi ni Missy.

"Eh mas nakakaloko yung stall na 'Isubo mo hotdog ko'! Hahaha!" Dagdag ni Nami. Hagalpakan naman ang tawa namin.

"Eh yung 'Pull d string to make para' naalala niyo din ba?" Tanong ko.

"Oo naman! Highlight kaya ng trip natin yun." Sabi ni Denise.

"Nakakamiss 'no? Yung sasakay tayo ng jeep ng magka-kasama, tapos pagtitinginan tayo ng mga tao sa loob kasi ang gaganda natin." Biro ni Honey, biglang tumahimik ang lahat.

"Nakakamiss din yung sabay-sabay tayong nagaaral. Tapos mabwi-bwisit si Carly kasi aayain natin siya uminom pagkatapos?" Dagdag ni Denise.

"Remember that time nung niyaya natin siya uminom at sumali sa truth or dare? Nung gabing yun, dun niya nakilala si Amber." Paalala ni Honey.

"Oo kasi pinagkaisahan niyo ko! Itong si Nami, nagpanggap pang delivery girl ng pizza." Turo ko kay Nami na nagmamaneho.

"Uy wag ka nga! Kung di namin ginawa yun, di mo makikilala si Amber mo no!" Kontra ni Missy.

"Oo nga. And we're fated to meet on that night. At kung hindi man nangyari yun, I know, at some place and some time magkakakilala pa rin kami." Binelatan ko pa si Missy na parang bata.

"Nabuntis ka lang, isip-bata ka na?" Kantiyaw ni Denise sa akin.

"Dito na ba tayo Carly?" Tanong ni Nami kaya natigil ang kwentuhan.

"Oo, i-park mo na lang dyan sa malapit sa entrance para malapit lang ang lalakarin mamaya." Sabi ko sa kanya. Ganun nga ang ginawa niya.

Bumaba na kami at pumasok sa grocery. Nag-shopping lang kami ng mga gamit sa bahay at yung ibang kailangan nila.

"Grabe naman ang presyo ng mga bilihin dito. Kung ico-convert mo sa peso, ang mahal. Buti na lang discounted yung iba nating nabili. Plus yung coupons na dala mo." Sabi ni Honey nung nasa sasakyan na kami.

"Ganun talaga. Kaya si mama, nag-iipon yun ng coupons. Sayang naman daw kasi yung matitipid kahit konti." Kwento ko sa kanila.

Maya-maya ay narinig namin ang crunchiness ng chips, sabay-sabay kaming tumingin sa kumagat, kinakain na pala ni Missy yung Lays.

"What? Eh sa nagugutom na ako eh." Sabi niya at sumubo ulit.

"Penge! Damot nito!" Sabi ni Denise na ayaw padukutin ni Missy sa supot.

"Ako din. Nagugutom na. Idaan lang natin sa bahay 'tong groceries tapos sa Comet na tayo kumain. Masarap yung tuyo pasta dun." Sabi ko at ganun nga ang plano. Kaso pagdating namin sa bahay ay nakaluto na si mom ng pang-lunch.

Retired Playgirl's Wifey (KryBer, PB book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon