Chapter 25:
Sweet proposal
[Carly's POV]
"Amber?" Nagising na lang akong wala si Amber sa tabi ko. It's my seventh day here and tomorrow, babalik na ako ng L.A para magpaalam kay mom and dad na dito na ako sa Manila ulit mag-stay. Napagdesisyunan ko na kasing dito na rin manganak at palakihin si baby kasama si Amber.
"Amber?" Muli kong tawag sa kanya. Bumangon na ako at chineck kung nasa banyo ba siya, but she wasn't here. Nagshower na lang ako. Nagtagal pa ako sa tub. Nakaka-relax kasi.
Matapos kong magbabad ay bumaba na ako at dumiretso sa kitchen, baka naghahanda si Amber ng breakfast. Nilibot ko na ang buong penthouse pero wala pa rin siya. Wala rin si tita Ambrosia or si Ambruce.
"Saan kaya nagpunta ang mga yun?" I walked upstairs para kunin ang phone ko. Tinatawagan ko siya pero hindi naman siya sumasagot.
Bumalik ako sa kitchen para gumawa ng breakfast. Pero bago ko pa man mabuksan ang fridge ay may nakita akong sticky note dito.
Scarlet,
See you downstairs. I love you beautiful.
Amber
Napangiti ako sa note niya. Teka, downstairs? Anong downstairs? Bakit magkikita kami dun?
Umakyat ako ulit para magpalit ng damit. Pero bago ko pa mabuksan ang designated closet ko sa walk-in closet niya, may nakasampay na dress dito at may naka-attach na namang note na, "Wear this."
At gaya ng nakasulat sa note ay isinuot ko nga ang white cocktail dress na mukhang ipinasadya niya pa dahil sakto ang sukat sa malaki kong tummy. Parang ganito yung design ng dress ko dati. Para saan kaya ito? Si Amber talaga ang hilig sa mga ganito.
Lumabas ako ng unit niya nang may malaking pagtataka. Ano na naman kayang pakana ito?
Mas lalo pa akong nagtaka nung nagbukas ang elevator. May mga white and red rose petals sa sahig. Pinindot ko ang ground floor pero tumigil ang elevator sa 27th floor. At gaya ng loob ng elevator ay may white and red rose petals na parang pathway papunta sa isang pamilyar na unit.
Unit 2701. Ang dating unit ko. Ang aking home sweet home. Na ibinenta ko para kalimutan ang sakit na dinulot sa akin ni Amber. Si Amber na siyang nagpabalik rin sa akin ngayon dito. At bakit dito?
Pinindot ko ang doorbell at nagulat ako kung sino ang nagbukas ng pinto, si Mara.
"Mara! What are you doing here?" Tanong ko sa kanya.
"Sshh.. Just come in. You'll find out why." Sabi niya. Sumunod naman ako at naglakad papasok.
BINABASA MO ANG
Retired Playgirl's Wifey (KryBer, PB book 2)
ChickLitBook 2 ng kwento nila Amber at Scarlet. xoxo, LoveAnarchist ©