Baby
Masiglang-masigla si Islaw nang pagkagising nito dahil pinangakuan niya ito na sabay silang magluluto para sa umagahan. Mukhang gusto talaga nitong gawin ang mga bagay na madalas niyang ginagawa. Hindi niya tuloy maiwasang mapangiti sa tuwing pumapasok sa isip niya ang ideyang ginagawa ito ni Islaw para sa kanya.
Sa totoo lang, never niyang in-expect na babawi si Islaw sa lahat ng bagay na ginawa niya at ginagawa niya para sa huli. Ang laman lang lagi ng isip niya ay ang pag-aalaga sa sirenong ito hangga't kaya niya at hangga't puwede pa. Pero tignan mo ngayon, nais matuto ni Islaw kung paano magluto para maipagluto siya nito.
"A-anong lulutuin natin, Agnes?" tila sabik na tanong ni Islaw sa kanya nang makapasok sila sa kusina.
"Simpleng pagkain lang para sa umagahan ang ihahanda natin, Islaw."
"Sinangag na kanin, itlog at hotdog lang." nakangiti niyang ipinakita ang mga lulutuin.
"M-masarap iyan, Agnes?"
"Oo naman. Masasarap ang mga pagkaing lulutuin natin, at mas sasarap pa iyan kapag tayong dalawa ang nagluto."
"Yehey! M-magsimula na tayo, Agnes."
"Mabuti pa nga."
Gaya ng sinabi nito ay nagsimula na nga sila. Ang una nilang dapat gawin ay magslice ng sibuyas at bawang na ayaw niya sanang ipagawa kay Islaw dahil nangangamba siya na baka masugatan ito. Hanggang ngayon kasi ay nangangapa-ngapa pa si Islaw sa mga bagay-bagay, para lang itong apat na taong bata na patuloy paring natututo. Maging pagsasalita nito ay hindi pa ganoon maayos, tanda na hindi pa fully matured si Islaw bilang isang normal na tao na narito sa lupa.
"Sigurado ka bang kaya mo na iyan, Islaw?"
"M-makulit ka, Agnes." nakangusong sabi nito na hindi man lang siya nililingon, abala ito sa hawak na sibuyas.
Napakamot siya sa ulo dahil sa makulit daw siya.
"Islaw, nag-aalala lang naman kasi ako sayo. Paano kung masugatan ka?"
"H-hindi ako m-matututo kung hindi ko ito pag-aaralan, Agnes."
"S-sige." tanging naisagot niya dahil hindi niya inasahan ang sagot nito.
Sa totoo lang, lagi siyang pinapahanga ni Islaw.
"T-tsaka, gagamutin mo naman ang s-sugat ko. G-gagamutin mo ang sugat ko, Agnes diba?"
"Oo naman." nakangiting sagot niya bago ginulo ang buhok nito.
"Tara na, Islaw. Simulan na natin ang pagluluto."
"Yehey!" napapalakpak ito.
"Una, tuturuan kita kung paano gayatin ang sibuyas at bawang."
Nagtungo siya sa may likod nito, at mula sa likuran ni Islaw ay hinawakan niya ang magkabilaang kamay nito na hawak na ang matalas na kutsilyo at ang isang buong sibuyas. Kung titignan ay para na siyang nakayakap kay Islaw. Siguradong magkakaroon ng malisya para sa mga taong makakakita pero wala na siyang pakialam. Komportable naman sila ni Islaw.
"Ganito ang galaw ng kamay mo para mahiwa mo ng maayos ang mga dapat mong hiwain." malambing na turan niya.
"Ganito, Agnes?" parang isang cute na bata si Islaw nang bahagya itong lumingon sa kanya.
"Ganyan nga, Islaw."
Inalalayan niya si Islaw sa ginagawa nito para makasigurado siya na hindi ito masusugatan. Hanggang sa matapos si Islaw ay nakabantay parin siya sa cute na sireno. Inisa-isa nila ang mga dapat gawin hanggang sa abutin sila ng kalahating oras bago nila natapos lahat ng niluto nilang pagkain para sa umagahan.
BINABASA MO ANG
Babysitting The Merman
FantasyIsa lamang simpleng babae si Agnes na nakatira sa maliit na bahay sa tabing dagat at nagtatrabaho bilang katulong sa mansion ng matapobreng si Binibining Acosta at pamilya nito. Nagmumuni-muni siya sa may dalampasigan nang makarinig ng kakaibang hun...