Ang Unang Salita
Nakangiti habang malakas at walang tigil na pumapalakpak si Agnes habang pinapanuod si Islaw na marahang naglalakad sa sala, ilang beses na itong nagpalakad-lakad pabalik pero hindi na ito natutumba hindi katulad kahapon na para lang itong tatlong taong gulang na natututo pa lamang maglakad. Hindi niya inakalang sa loob lang ng isang araw at ilang oras na pag-aaral nitong maglakad ay natuto agad ito.
Malapad ang ngiti ni Islaw nang tumakbo ito palapit sa kanya, dahil hindi pa ito gaanong sanay maglakad ay natisod ito at nakayakap na natumba sa kanya. Nagdikit ang kanilang pisngi at ramdam niya ang pagsakit ng kanyang mukha dahil sa lakas ng impact ng patumba nito sa kanya. Pero 'di hamak na si Islaw ang nasaktan kaya walang emosyon na napahiwalay ito sa kanya, pagkaraan ay bigla itong umiyak.
Hindi naman niya ito masisisi dahil masyadong malakas ang impact ng pagtama ng kanilang mga pisngi. Pakiramdam niya nga ay mababasag ang cheek bone niya dahil sa nangyari, baka nga magkapasa pa silang dalawa kapag nagkataon. Pero hindi na niya ininda ang namamanhid sa sakit niyang pisngi at kaagad na inalo ang umiiyak na sireno. Para itong isang bata na magkasalubong ang kilay, nakabuka at nakangiwi ang labi habang pumapalahaw ng iyak. Para talaga itong isang bata.
"T-tahan na, Islaw." nag-aalalang hinagod niya ang malapad ngunit maskuladong likod nito.
Mas lalo lamang siyang nag-alala nang imbes na tumahan ito ay mas lalo pa itong pumalahaw ng iyak. Sunod-sunod at walang tigil ang pagtulo ng luha nito na kalaunan ay nagiging perlas. Nakakaramdam siya ng matinding pangamba para kay Islaw, maraming luha na itong nasayang na may malaking epekto sa buhay nito. Natatakot siya na baka anumang oras ay mawalan ito ng hininga dahil sa pabaya siya.
"S-sorry na, Islaw. Kasalanan ko kung bakit ka nasaktan. Pasensya na." malambing at puno ng sinsiredad na paumanhin niya pero hindi ito tumitigil sa pag-iyak.
"H-halika, umupo ka muna."
Hinila niya ito palapit sa upuan at pina-upo ito, hindi na niya nagawang pagtuunan ng pansin ang mga perlas na nahuhulog at nagpapagulong-gulong sa sahig. Para sa kanya ay si Islaw ang priority niya, kahit pa sabihin na libo ang halaga ng isang maliit na perlas ay walang katumbas ang buhay ni Islaw para sa kanya. Mas uunahin niya ang sireno kaysa sa anumang bagay.
"Islaw, tumahan kana pakiusap." nagsusumamong pinagsiklop niya ang kamay niya at kamay nito.
"Makakasama sayo ang pagluha."
Lahat na yata ng klase ng malalambing na salita ay sinabi niya kay Islaw pero wala parin itong tigil sa pag-iyak. Pinagsiklop na niya ang kanilang mga kamay, niyakap na niya ito, inilapat narin niya ang palad sa pisngi nitong bahagyang namumula at hinaplos-haplos na niya ito para gumaan ang pakiramdam pero walang epekto. Hindi na niya alam kung ano ang dapat gawin.
Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga dahil isang paraan nalang ang alam niyang gawin para patahanin ito. Noong bata siya ay napapatahan siya ng nanay at tatay niya gamit lang ang halik kapag umiiyak siya dahil sa sugat. Dumukwang siya para halikan ito sa mukha. Nang tuluyang lumapat ang kanyang labi sa pisngi nito ay bigla itong tumahan sa pag-iyak. Namumula ang kanyang pisngi na idinistansya nang bahagya ang mukha kay Islaw.
Nagtama ang kanilang mga mata, walang sinuman sa kanila ang gumagalaw o kahit simpleng pagkurap. Ngunit pagkaraan ay ngumiti ng malapad si Islaw--- hindi! Hindi lang basta nakangiti si Islaw dahil nakangisi ito, at bumungisngis pa ang malokong sireno. At ang nakapagpalaki sa kanyang mga mata dahil sa gulat ay nung nakangising inilabas ni Islaw ang dila na para bang nang-aasar ito.
"S-saan ka pa natuto ng ganyan!?" nanlalaki ang mga matang idinuro niya ito.
Walang ano-ano'y lumabas si Buchukoy mula sa kusina, may hawak pa itong fried chicken leg. Bumubungisngis itong lumapit kay Islaw bago nag-appear ang dalawa. Hindi maipinta ang kanyang mukha nang wala sa sariling napatayo siya mula sa harapan ni Islaw. Habang nakatayo siya ay pinagmamasdan niya ang dalawang makukulit at malokong mga lalaki na mukhang magkasundo na, para itong magkaibigan na may ginawang kalokohan na nagsucceed.
BINABASA MO ANG
Babysitting The Merman
FantasiaIsa lamang simpleng babae si Agnes na nakatira sa maliit na bahay sa tabing dagat at nagtatrabaho bilang katulong sa mansion ng matapobreng si Binibining Acosta at pamilya nito. Nagmumuni-muni siya sa may dalampasigan nang makarinig ng kakaibang hun...