Chapter 1

3.6K 148 26
                                    

Sirena

Natigil si Agnes sa pagpupunas ng babasaging bintana nang makita ang magandang tanawin mula sa labas. Marahang humahampas ang mga alon sa dagat ngunit mula sa kinatatayuan niya ay malaya niyang naririnig ang bawat paghampas ng alon na musika para sa kanya.

Tahimik siyang nakatanaw sa dagat habang papalubog na ang araw, napakagandang pagmasdan ang ganoong tagpo kaya hindi niya naiwasang mapatitig roon at mapatulala, lumalim ang kanyang pag-iisip.

"Huy Agnes, ano't nakatanga ka lang diyan?!"   nagulat siya nang marinig ang galit na boses ng amo niya.

Nagsimulang manginig ang kanyang mga kamay na may hawak pang basahan nang harapin niya si Binibining Acosta na masamang nakatingin sa kanya. Lumunok siya nang mariin nang humalukipkip ito sa harapan niya, mukhang galit na nga ito base palang sa tingin na ipinupukol sa kanya.

Ito ang bagay na iniiwasan niyang mangyari, ang galitin si Binibining Acosta dahil kakaiba ito kung magalit. Nung huli itong magalit sa kanya dahil sa aksidente niyang naipatak ang bag nito ay nakatikim siya ng mag-asawang sampal at hindi siya pinakain ng umagahan hanggang kinagabihan. Sa katunayan kasi niyan ay pinagmamalupitan siya ng pamilyang Acosta.

Inaalipin sya ng mga ito.

"Tinatanong kita, Agnes!"

"Sorry po, Binibining Acosta. Hindi na po mauulit."

"Talagang hindi na mauulit kapag ginawa ko ito sayo!" bulyaw nito at kaagad na lumapit sa kanya.

Ganoon nalang ang takot niya nang hablutin nito ang buhok niyang nakatali at kaladkarin siya palapit sa timba na may lamang tubig at hindi niya napaghandaan ang sunod nitong ginawa. Inilublob nito ang mukha niya sa maduming tubig at kung hindi pa dumating ang ina nito na si Ginang Acosta ay baka patay na siya sa pagkalunod.

"What are you doing, Brianna?" inalis ng ina nito ang naka-ipit na sigarilyo sa pagitan ng mga labi.

"Hiwalay na kami ng boyfriend ko, Mommy, kaya mainit ang ulo ko. Then I saw her doing nothing but just standing and imagining things kaya mas nadagdagan ang init ng ulo ko!"   masama pa siyang pinasadahan ng tingin ni Binibining Acosta.

"Let her be, Brianna, libre ang maging assumera kaya pabayaan mo na siya." tumawa ang ginang.

"Bakit mo pa kasi tinanggap iyan dito, eh pabigat lang naman iyan at palamunin pa. Wala naman siyang ginagawa kundi ang tumunganga at mag-imahinasyon." umirap si Binibining Acosta bago umalis.

Dumako ang tingin niya kay Ginang Acosta na may maikli at kulot na buhok. May woolen scarf na nakapulupot sa leeg nito, kung hindi siya nagkakamali ay gawa iyun sa balat ng oso. Tinaasan siya nito ng isang kilay kaya bahagya siyang napayuko at hinayaan na itong umalis.

Sinimulan niyang linisin ang kumalat na tubig sa sahig.

Tatlong taon na siyang nagtitiis sa pamilyang Acosta pero hindi parin siya nasanay sa hindi magandang pakikitungo ng mga ito sa kanya. Hindi lang naman si Binibining Acosta ang nagmamalupit sa kanya kundi maging ang mga magulang din nito. Sinasaktan siya ng mag-asawa kapag natalo ang mga ito sa sugal, hindi pinapakain at minsan ay ikinukulong sa basement para doon magpalipas ng gabi.

May sarili naman siyang bahay at bigay iyun sa kanya ng mag-asawa. Hindi siya pinapatulog sa mansion ng mga ito dahil hamak na dukha lamang daw siya para tumira sa mansion. Kaya naman ipinagawa siya ng mga ito ng maliit na bahay na gawa sa kahoy at malapit sa dalampasigan.

Kahit na pinagmamalupitan siya ng pamilyang Acosta ay malaki ang pasasalamat niya sa mga ito dahil sila ang nagpapakain sa kanya at sinuswelduhan pa siya ng tatlong daan sa isang linggo, mapagtatiyagaan na nya iyun.

Babysitting The MermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon