Chapter 7

1.9K 109 23
                                    

Islaw

Napapangiti na lamang si Agnes sa tuwing pinagmamasdan niya si Buchukoy na maya't-mayang nakatitig sa sireno na nakahiga sa kama niya. Nung isang gabi lang nalaman ng bata ang sekreto niya na nagtatago siya ng sireno sa loob ng bahay niya, at malaki ang pasasalamat niya na hindi ito nagsumbong sa kahit na sino at kahit pa sa magulang nito na nais makahuli ng sirena. Liban sa pinakiusapan niya ito ay hindi talaga nito ikinalat ang nalaman dahil sa mabuting tao ito na may pakialam sa mga sirena.

Isa pa, masyadong friendly si Buchukoy at halos lahat ng makita o makilala nito ay kinakaibigan nito kaya maging ang sireno ay nais din nitong kaibigan. Ngunit taliwas naman sa sireno na inaalagaan niya. Nung una nilang pagkikita ng nilalang na ito ay alam niyang matinding takot ang nababalot sa sistema nito pero nung unang beses nitong makaharap si Buchu ay magkasalubong na kaagad ang kilay nito, doon palang alam niyang ayaw ng sireno kay Buchu.

Sa katunayan nga ay maghapon nang nakatambay si Buchukoy sa bahay niya dahil naaaliw itong pagmasdan at kausapin ang sireno kahit hindi naman ito nagsasalita, simpleng pakikinig nga sa mga sinasabi ni Buchu ay hindi nito ginagawa. Ilang beses na sinubukan ni Buchu na lapitan at hawakan ang sireno pero hindi man lang pagbigyan ng nilalang na iyon ang bata. Parang isang masungit na bata may kagalit na kalaro kung titignan ang sireno.

Marahan siyang natawa dahil sa kanyang naisip.

"Nakakapagtampo naman Ate Agnes, ang bait niya sayo pero ang sungit niya sakin."   nakangusong turan ni Buchu na tinawanan niya lang ng marahan.

"Hayaan mo, magiging mabait rin siya sayo pagtagal. Sa ngayon ay hindi ka pa niya kilala kaya siguro malayo ang loob niya sayo."

"Ganoon ba Ate Agnes? Bukas ba mabait na siya sakin? Kaibigan na ba niya ako bukas?"

"Hindi ko alam kung hanggang kailan siya magsusungit sayo at kung kailan ka niya tatanggapin bilang kaibigan niya pero sumubok kalang nang sumubok."   tugon niya at ipinagpatuloy ang pagluluto ng hapunan.

Sa ngayon ay masarap-sarap ang ulam na niluluto niya, nagdala kasi si Buchu ng kaunting karne para sa kanya. Isa pa, dito tutulog si Buchu dahil nais nitong makipagkaibigan sa sireno. Wala namang problema sa kanya dahil ilang beses nang nakatulog sa bahay niya si Buchu, para kasing tunay na kapatid ang turing niya sa bata. Isa pa, lubos sitang pinagkakatiwalaan ng magulang nito kaya ayos lang na sa bahay niya muna ito makikitulog. Ngayong gabi lang naman eh.

"Luto na ang pagkain, kumain na tayo at pagkatapos ay pakakainin ko na ang sireno."   saad niya habang abala sa paglalapag ng mga pagkain sa lamesa.

"Ate Agnes, bakit hindi nalang natin siya isabay sa pagkain? Malungkot kasi kumain kapag mag-isa."   suhestiyon nito.

"Sige, kung iyan ang gusto mo."

Inalalayan siya nito sa pagbubuhat sa sireno patungo sa kusina, naka-upo ito sa upuan habang nginangatngat na nito ang nalimot niyang mga lamang dagat maliliit na isda na ipinuslit pa ni Buchu sa biniling ulam ng magulang. Sa araw-araw kasi na paghahanap niya sa maaaring ipakain sa sireno ay wala na siyang makuhanan kaya wala rin siyang maipakain sa huli lalo pa't medyo malakas itong kumain. Sa totoo lang ay pinoproblema niya kung ano ang ipapakain niya sa sireno na ito bukas.

"Kumain ka lang nang kumain hangga't gusto mo."   malambing na hinaplos niya ang buhok ng sireno na nakapagpahalinghing rito.

"Ate Agnes, napansin kong hindi mo siya binabanggit sa pangalan niya. Ano ba ang pangalan niya?"   biglang tanong ni Buchu na nakapagpa-isip sa kanya.

Ano nga bang pangalan ng sireno na ito?

"Hindi ko rin alam kung anong pangalan nya. Hindi ko nga rin alam kung may pangalan pa ba ang nilalang na katulad niya."   may pagkamot sa ulo na sagot niya.

Babysitting The MermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon