Chapter 29

1.2K 57 25
                                    

Pagtakas

Kunot ang noo ni Agnes nang imulat niya ang mga mata, unti-unti niyang ibinubuka ang kanyang nanunuyong labi upang tawagin ang batang natutulog habang naka-upo sa kanyang tabi. Nangangatal niyang tinawag ang pangalan ni Buchukoy na kaagad namang tumalima pagkakita sa kanya.

"Ate Agnes, salamat naman at gising ka na!" mabobosesan ang matinding galak sa bata.

"A-anong nangyari?"

Iyun kaagad ang tanong niya dahil hindi pa nagsi-sink in sa utak niya kung ano nga ba ang mga naganap. Marahan niyang itinuod ang mga palad sa bawat gilid ng kama at nanginginig na pinilit i-upo ang sarili. Ngunit sadyang nanghihina pa siya kung kaya't umalalay na si Buchu para maka-upo siya nang tuluyan.

"Ano bang nangyari, Buchu?" pag-uulit nya sa parehong tanong.

"Nung time na umalis iyung gago mong ex, dinugo ka at nawalan ka ng malay. Kaya humingi kaagad ako ng tulong kay nanay at tatay."

Mas lalong kumunot ang noo niya dahil sa narinig. At nang unti-unting pumasok sa isipan niya ang mga nangyari bago siya mawalan ng malay ay doon lamang muling sumikdo ang kanyang dibdib, nagbalik agad lahat ng ibayong kaba na nararamdaman niya para sa asawang si Islaw.

"S-si Islaw? Nasaan ang asawa ko?" nagpumilit siyang tumayo pero bumabagsak lamang sya.

"Ate Agnes, kumalma ka! Huwag kang magkiki-kilos!"

"Buchu, hindi ako mapapalagay kung alam kong nasa peligro ang buhay ni Islaw. H-hindi ko kayang isipin, hindi ko makakayang tanggapin." mangiyak-ngiyak na turan nya.

"Alam ko naman iyun, ate. Ang swerte nga ni kuya Islaw sayo kasi bukod sa mapagmahal at maalaga kang asawa, eh maaalalahanin din. Pero ate Agnes, huwag mo sanang kalimutan ang kaligtasan nito." marahan nitong inilapat ang palad sa ibabaw ng kanyang tiyan.

Napahinto siya at napa-isip. Mas naluha pa siya nang yakapin niya ang sariling tiyan. Dahil sa padalos-dalos niyang pagkilos ay hindi na nya naisip pa ang kaligtasan ng anak niya. Hindi siya maaaring manatiling ganito dahil ang anak nila ni Islaw ang mapapahamak. Ayaw niyang mawalan ng anak dahil ito ang dugo't laman nila ng asawa niya, ito ang bunga ng pagmamahalan nila.

Lalo pa't, noon pa man anak lang ang pangarap ni Islaw.

"Dahan-dahan lang sa paggalaw, ate Agnes. Maselan ngayon ang kalagayan mo sabi ni nanay Nita."

"Si nanay Nita?"

"Oo, ate. Siya iyung hiningian ko ng tulong bukad kay nanay tutal sya lang naman ang nakakaalam ng sekreto ninyo."

"Salamat sa kanila." maikling saad niya.

"Huwag mo na isipin iyun, ate. Sa ngayon, kailangan kong hanapin si kuya Islaw." ani ng bata na muling nagpakabog sa dibdib niya.

"Mag-iisang oras na ang nakakalipas nung makaalis iyung tarantado mong ex at sigurado akong nagtatawag na iyun ng kasama."

"Buchu, nakikiusap ako sayo. Gawin mo lahat para mahanap si Islaw. Alam kong kahit nasa pampang ka lang, magpapakita sayo ang asawa ko."

"Oo naman, ate Agnes. Ako ang bahala, palagi ko kayong tutulungan ni kuya Islaw sa abot ng aking makakaya."

"Salamat." madamdaming bulong niya.

Tatayo na sana si Buchukoy pero natigilan silang dalawa nang makarinig ng mga katok mula sa labas ng pinto ng bahay. Nagkatinginan silang dalawa ng bata, pawang mga naghihintay ng sunod na katok mula sa labas. Maya-maya pa'y kaagad na nanubig ang kanyang mga mata nang lumikha ng pamilyar na huni ang nilalang na kumakatok sa labas.

Babysitting The MermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon