Pagseselos
Tahimik lang si Agnes habang naka-upo sa sahig, abala siya sa pagmamasahe sa binti ni Islaw. Kanina kasing umaga ay nangako siya na mamasahihen niya ang binti nito para bumuti ang pakiramdam nito, sa layo ng distansya ng palengke sa mansion ng mga Acosta ay hindi na nakakapagtaka kung mapagod nang sobra si Islaw lalo pa't nilakad lang nito ang distansya ng mansion patungong palengke at ganoon rin naman sa pagbalik nito.
Hindi niya tuloy maiwasang maawa't mahabag sa asawa niya. Una palang ay alam na niya ang ugaling mayroon ang pamilyang Acosta pero hinayaan niya parin si Islaw na pumasok bilang isa sa mga tagasilbe ng mga ito. Pakiramdam niya ay siya mismo ang magdadala kay Islaw patungo sa mas miserableng buhay.
Natatakot siya na mangyari iyon kay Islaw.
"Islaw?" inangat niya ang tingin sa guwapong sireno.
Makita niya palang ang maamo, inosente at cute na mukha nito ay tila nanlalambot na siya. Ang tingin niya kay Islaw ay parang isang sanggol na kailangang ingatan at dapat protektahan. Pero ngayong pareho na silang dalawa na nasa ilalim ng masasamang Acosta ay hindi niya na alam kung anong magiging buhay ni Islaw ngayon. Ngayong nakilala na ni Ginang at Binibining Acosta si Islaw, hawak na ng mga ito ang leeg ng asawa niya. At maisip niya palang na kokontrolin ng mga ito ang bawat galaw at desisyon ni Islaw, lalo na ang buhay nito ay nangagamba na siya.
"Bakit, Agnes ko?" napaka-inosenteng napatingin ito sa kanya.
"Kumusta ang unang araw mo sa trabaho?"
"Siguradong exhauster siya, Ate Agnes. Ang laki-laki ng garden eh." sabad ni Buchu na kanina pa nilang katabi.
"Exhausted iyon, Buchukoy."
"Ganoon narin iyon, Ate Agnes."
"Islaw, kumusta ang unang araw mo sa trabaho?" binalingan niya ang asawa at muling nagtanong.
"Okay na okay, hihi. Ang saya!" napapapalakpak na sagot nito.
"Masaya? Bakit naman masaya?" kunot noong tanong niya.
Hindi masaya na magtrabaho sa pamilyang Acosta.
"Sana all masaya, Kuya Islaw."
"Hmm, sobrang saya! Kasi ang ganda ng bahay. Sobrang laki ng bahay tapos ang ganda pa ng d-disenyo. Tapos may malaking g-garden, ang daming b-butterfly sa garden! Tapos may m-malalaking ilaw sa kisame! Tapos parang b-bubog ang sahig at pader." manghang-manghang kuwento nito.
Base pa lamang sa masayang mukha ni Islaw na nakikita niya ay tila natutuwa ito, masayang-masaya si Islaw dahil sa ganda ng mansion kung saan ito nagtatrabaho. Pero ang magandang lugar at magagandang tanawin lang ang napapansin ni Islaw, hindi ang hirap ng trabaho nito at ang pakikitungo ng amo nila.
"Islaw, iyong trabaho mo? Iyong gawain mo, anong masasabi mo?"
"Huwag mong sabihin na masaya parin, Kuya Islaw?"
"N-nakakapagod pero kaya ko naman."
"Talaga bang kaya mo, Islaw? Mukhang nabugbog ang katawan mo dahil sa hirap at dami ng inutos sayo kanina."
Malamlam ang mga matang pinagmasdan niya ang kabuuan ng matipunong katawan nito. Kita niya rin ang matinding pagod ni Islaw sa pamamagitan ng mga mata nitong mapupungay at animo'y nais na pumikit upang makapagpahinga. Liban kasi sa pagpapaganda ng mga halaman, pagbili nito ng stocks sa palengke, ay marami pang ibang gawain ang inatas sa asawa niya gayong ang usapan ay isa lamang itong hardinero.
"Hmm-hmm. Sobrang hirap pala magtrabaho, sobrang nakakapagod at m-masakit sa katawan pero kaya ko naman. Para sa inyo naman iyon ng f-future baby natin eh."
![](https://img.wattpad.com/cover/230989323-288-k937520.jpg)
BINABASA MO ANG
Babysitting The Merman
FantasyIsa lamang simpleng babae si Agnes na nakatira sa maliit na bahay sa tabing dagat at nagtatrabaho bilang katulong sa mansion ng matapobreng si Binibining Acosta at pamilya nito. Nagmumuni-muni siya sa may dalampasigan nang makarinig ng kakaibang hun...