Pagtulong sa Sireno
Alas tres palang ng umaga nang magising si Agnes, sanay na siya sa ganoong routine niya sa pang-araw-araw. Gigising siya ng alas tres ng umaga, magkakape habang nagmumuni-muni, pagmamasdan ang malakas na hampas ng alon at pagkatapos ay maliligo at mag-aayos ng sarili bago mag-isang maglalakad patungo sa mansion ng mga Acosta para gawin ang trabaho niya.
Alas singko palang kasi ng umaga ay gising na ang mga Acista at gusto ng pamilyang iyun na naroon na kaagad siya at pagsilbihan agad ang mga ito. Simpleng pagbukas ng pinto ng banyo at pagsusuot ng mga tsinelas sa kanila ay ginagawa niya rin.
Sa katunayan ay nais na niyang umalis sa trabaho niya pero hindi maaari, saan naman siya pupulutin kapag ginawa niya iyun? Tatlong taon na nang mamatay ang magulang niya na dati ring naninilbihan sa pamilyang Acosta, kasambahay ang nanay niya at hardinero naman ang kanyang ama.
Noon pa man ay hindi na maganda ang pakikitungo ng mga ito sa kanila noong sa mansion pa sila nakatira ng pamilya niya. Lalo na't malaki ang galit sa kanya ni Binibining Acosta dahil palagi niya itong natataasan sa klase, they were classmates back then.
Kaya nung namatay ang nanay at tatay nya dahil lumubog ang sinasakyang bangka nung panahong nangingisda dahil sa utos ni Ginoong Acosta, mas naging masama ang ugali ng mga Acosta sa kanya. Wala siyang magawa kundi ang tiisin ang pagtrato ng mga ito sa kanya kesa naman pulutin siya sa kalye.
Mabilis ang naging pagsikat ng araw, muntik pa siyang mahuli ng dating sa mansion, mabuti nalang ay pinasakay siya ng driver ng mga ito na si Manong Piko. Tiyak na makakatanggap na naman siya ng mag-asawang sampal kay Binibining Acosta kapag nahuli siya ng dating.
Alas kwatro't mahigit na ang lumipas nang makarating sila sa paroroonan niya. Hindi agad siya nag-aksaya ng panahon na magtungo sa kusina at nagluto ng umagahan ng mga amo nya. Simpleng omelet, fried rice, sandwich, sausages, tubig at tatlong kape lang ang inihanda niya.
"Agnes, where's my slipper?!" rinig niyang tanong ni Binibining Acosta mula sa ikalawang palapag kung nasaan ang kwarto nito.
"Sandali lang po." sagot niya at nagmamadaling umakyat sa itaas.
Kumatok muna siya ng tatlong beses bago pumasok sa loob. Siya narin ang nagbukas ng ilaw sa lampshade ni Binibining Acosta bago kaagad na hinanap ang tsinelas nito sa ilalim ng kama. Nanindig ang kanyang mga balahibo nang makitang nginatngat ito ng aso.
"What the heck?! What happened to my slipper?!"
"Hindi ko rin po alam, Binibining Acosta. Siguro po si Blinky ang gumawa nito." aniya na ang tinutukoy ay ang alagang aso.
"And now you're blaming my dog?!"
Napapikit siya nang mariin nang sampalin siya nito sa mukha at gaya ng madalas nitong ginagawa ay hinablot nito ang kanyang buhok, kinuha ang tsinelas na hawak niya at pilit iyung isinusubo sa bibig niya.
Bakit ba napakasama nito sa kanya? Bakit nasisikmura nitong gawin ang mga kawalang hiyaang bagay na ito sa kanya? Tila walang nararamdaman na anumang awa o konsensya si Binibining Acosta para sa kanya.
"T-tama na po, Binibining Acosta!"
"Salot ka talaga eh!"
"Agnes!" natigil ito nang marinig ang boses ni Ginang Acosta na tinatawag siya.
"Magpasalamat ka na tinatawag kana ni Mommy dahil kung hindi isusubo ko talaga sayo ang tsinelas na ito!" isinupalpal pa nito sa mukha niya ang tsinelas bago pumasok ng banyo.
Naiwan siyang tahimik na humihikbi. Muli niyang narinig ang pagtawag ni Ginang Acosta kaya mabilis niyang pinunasan ang mga luha sa kanyang pisnge at kaagad na lumipat sa kabilang kwarto kung nasaan ang silid tulugan ng mag-asawa.
BINABASA MO ANG
Babysitting The Merman
FantasyIsa lamang simpleng babae si Agnes na nakatira sa maliit na bahay sa tabing dagat at nagtatrabaho bilang katulong sa mansion ng matapobreng si Binibining Acosta at pamilya nito. Nagmumuni-muni siya sa may dalampasigan nang makarinig ng kakaibang hun...