Ang Nakaraan
Maliit na ngiti ang makikita sa labi ni Agnes habang iniisa-isa niyang pagmasdan ang paligid. It's been years, 3 years na ang nakakalipas nang mabili niya ang islang hawak niya ngayon. At hindi niya akalaing pakakawalan na niya ito, dahil babalik na siya sa unang isla niyang minahal. Sa isla kung saan siya binuo ng magulang niya, kung saan siya ipinanganak at namuhay.
Kung saan niya nakilala si Islaw.
Ang isla na kinaroroonan niya ngayon ang tanging nandyan nung panahong magkahiwalay sila ni Islaw. Ito ang nagsilbing tahanan niya nung panahong mag-isa sya. Ang mga tao na katulad niyang walang-wala noon ang siyang bukas sa pusong kumupkop sa kanya. Kaya ibinigay niya ang islang ito sa karapat-dapat.
"Ma'am Agnes, sigurado ka na po ba talagang iiwan mo na ang islang Isalawa para lang bumalik sa dating isla na pinagmulan mo?" mababakas sa mukha ni Nika ang matinding lungkot.
"Ganoon na nga, Nika. Huwag sana sumama ang loob mo kung mas pipiliin kong bumalik at manirahan sa isla ng Mishayam kaysa manatili dito." ani niya na ang tinutukoy ay ang islang pinagmulan.
"Hindi naman po sa masama ang loob ko pero nalulungkot po ako, kaming lahat dahil sa inyong pag-alis. Napamahal na po kasi kayo sa amin."
"Malungkot din ako sa pag-alis ko dahil maiiwan ko kayo, pero kapag naiisip ko na nasa mabuting kamay ang hahawak sa islang ito ay napapanatag ako."
"Hindi nyo po ba talaga balak magsama ng kahit isa sa amin? Willing po akong sumama sa islang titirhan nyo."
"Salamat sa offer, Nika. Ngunit gusto kong bumalik sa sarili kong bayan na kung sino ako dati. Iyung dating Agnes na simple lang at masaya na sa simpleng buhay, but in a better version. A bolder and braver one."
"Kung iyan po ang kagustuhan nyo ay susuportahan ko nalang kayo." malungkot man ay pilit na ngumiti si Nika sa kanya.
Matapos ng maikling usapan ay hinayaan na siya ni Nika na makapagpahinga. Anumang posisyon niya sa kama ay hindi talaga siya dalawin ng antok, alas diyes na ng gabi pero gising na gising pa ang diwa niya. Bumuntong hininga siya at tumayo, kapag hindi siya makatulog ay lumalabas siya sa balustre at nagpapahangin.
Tunay ngang napakalayo na ng narating niya. Parang kailan lang ay tago ang islang ito, pero ngayon ay puno na ng mga ilaw dahil sa mga ipinatayong hotel at pasyalan ng mga torista. Gayon na lamang nga ang pasasalamat ng mga tao sa kanya dahil sa nagig kontribusyon niya sa islang ito, pero wala lahat ng ito kung hindi dahil kay Islaw.
Kaya sya nakabangon ay dahil kay Islaw.
[Flashback]
Hindi maalis-alis ang kinang sa mga mata ni Agnes habang mataman niyang pinagmamasdan ang supling na buhat. Hindi niya inakalang masyadong mabilis ang panahon, parang kailan lang ay nasa sinapupunan pa niya ang kanyang anak. Pero ngayon ay buhat na niya ito sa kanyang sariling mga bisig.
Napakagaaan. Napakasarap buhatin. Kahit yata ilang oras itong nakahiga sa kanyang braso ay kaya niyang tiisin, kaya niyang tiisin ang ngalay at pagod. Sa pagtitig niya pa lang sa kanilang anak ni Islaw ay tila lusaw na lahat ng sakit sa kanyang katawan. Ganito pala kasarap sa pakiramdam kapag ang sanggol na dinala mo ng ilang buwan sa iyong sinapupunan ay tuluyan mong nahawakan.
"Agnes, ako naman." nakangusong lumapit sa kanya si Islaw, hindi niya tuloy mapigilang matawa.
Tila wala nang ihahaba ang nguso nito.
"Bakit ganyan ang mukha mo? Para kang batang hindi nabilihan ng laruan." tumatawang turan niya.
"Ikaw kasi eh. Kanina mo pa buhat si baby. Ako naman dapat!" animo'y nagtatampong pinag-cross nito ang mga braso.
BINABASA MO ANG
Babysitting The Merman
FantasyIsa lamang simpleng babae si Agnes na nakatira sa maliit na bahay sa tabing dagat at nagtatrabaho bilang katulong sa mansion ng matapobreng si Binibining Acosta at pamilya nito. Nagmumuni-muni siya sa may dalampasigan nang makarinig ng kakaibang hun...