Chapter 30

1.4K 68 25
                                    

Bagong Buhay

Walang kabuhay-buhay ang mga mata ni Agnes habang pinagmamasdan ang sariling repleksyon sa salamin. Hindi nya tuloy maiwasang ma-overwhelm sa nakikita niya. Halos hindi na nya makilala ang sarili mula sa dating siya. Si Agnes na mahirap, walang fashion at Agnes na minamaliit lang noon ng mga Acosta.

Tunay ngang nagbago na siya. Hindi na sya tulad ng dating Agnes na walang kakayahang ipaglaban ang sarili. Siya na ngayon si Agnes na nakatira sa mansion, nagmamay-ari na siya ng sikat na dinadayong isla. Kilala na siya ng lahat bilang isa sa mga babaeng pinakamayaman at nirerespeto ng karamihan.

"Ma'am Agnes, nakahanda na po ang tubig na ipapaligo nyo."   anang babae na kalalabas lang ng banyo.

"Salamat Nika, pero hindi mo naman na kailangan gawin iyun. Kaya ko naman."   marahan niya itong nginitian at sinimulan na ihanda ang susuotin.

Kahit nagbago na ang lahat sa kanya, kahit na yumaman sya at tinitingala ng mga tao ay hindi pa rin maaalis sa kanya ang pagkakaroon ng mapagkumbabang pagkatao. Hindi nya nais tumulad sa pamilyang Acosta na inaabuso ang mga taong walang kakayahang ipagsigawan ang sarili nilang karapatan.

"Ma'am Agnes, kasambahay nyo po ako at ginagawa ko lang po ang tungkulin ko."

"Salamat, Nika. Sige na, mag-almusal na kayo ng iba mo pang kasama."

"Sige po."

Hinintay niya lang na makalabas ang dalaga at pumasok na kaagad sya sa banyo na may babasaging pinto. Hindi naman talaga niya pinangarap na magkaroon ng mansion, simple at maliit na bahay lang ay sapat na sa kanya. Pero bago sila maghiwalay ni Islaw, sinabi nito na mabuhay siyang masaya at mayaman para hindi na muli mayurakan ang pagkatao niya.

Ngunit aanhin niya ang yaman na iyun kung wala namang nagpapasaya sa kanya? Simula nung magkahiwalay sila ni Islaw, nawalan na rin ng sigla ang buhay niya. Tila ngumingiti na lamang sya para sa ibang tao, hindi para sa kanyang sarili. Anumang pilit niyang pasayahin ang sarili, wala pa ring nangyayari.

Dahil si Islaw lang ang kasiyahan nya, at ang anak nila.

Nang mahubad niya ang sariling saplot ay marahan niyang itinubog ang mga paa sa marble bathub at umupo doon. Kahit naka-upo siya sa malalim na bathub ay malinaw niya pa ring natatanaw ang karagatan gamit ang babasaging bintana. Pinasadya niya talagang gawing bubog ang silid para malaya niyang makita ang napakagandang tanawin sa labas.

Matapos magbabad sa bathub at makapagbanlaw ay bumaba na si Agnes sa unang palapag ng mansion, suot-suot niya ang puting suit para sa pakikipag-usap niya sa kanyang personal lawyer. Ngayong may kapangyarihan na sya, marapat lang na gamitin nya iyun sa tama. Marapat na gamitin niya iyun para sa ikabubuti ng ibang tao.

"Attorney Samuel."

"Lady Agnes."   marespeto nitong inilahad ang kamay na malugod naman niyang tinanggap.

"Have a seat. Manang Ester, please bring us two cups of coffee."   magalang niyang pakiusap sa isa sa mga kasambahay.

"Sige po, Ma'am Agnes."

"Kumusta? Makukuha ba natin, Attorney?"   kaagad na tanong niya pagka-upo nila sa sofa.

Hindi man niya direktang banggitin sa huli kung ano nga ba ang tinutukoy nya ay tiyak naman syang alam na nito ang ibig niyang sabihin. Ilang buwan na niyang pinaghahandaan ang bagay na ito, at si Attorney Samuel ang nandyan para tulungan sya at gabayan sa mga desisyon at aksyon nya.

Hindi na sya makapaghintay na alisin nang tuluyan ang mga taong iyun na nasa isla na kinalakihan nya. Tama na ang ilang dekadang pagkakaluklok nila sa puwesto gayong wala silang ginawa kundi ang maging malupit at mapang-abuso. Siya na mismo ang gagawa ng paraan para mailaban ng mga naaapi ang karapatan nila.

Babysitting The MermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon