Magka-agapay
Natatawa na lamang si Agnes habang pinagmamasdan ang nakangusong si Islaw. Umagang-umaga, ang nakabusangot na mukha nito ang bumungad sa kanya. At sa katunayan pa nito ay hindi niya inasahan ang mabubungaran niya. Naabutan niyang naka-upo si Islaw sa upuan na nasa sala habang nakatulala sa kung saan at nakabusangot pa ang mukha. Animo'y isang bata na pinagdamutan ng candy.
Hindi niya alam kung anong mayroon pero natatawa siya sa ganoong hitsura ni Islaw. Hindi narin niya sinubukan pang lapitan ito dahil mukhang hindi talaga maganda ang mood ni Islaw. Base pa lamang sa tila nanlilisik na mga mata nito ay kakainin siya nito ng buhay kapag lumapit siya. Mamaya nalang siya siguro lalapit.
Mukhang may sumpong ang sireno.
"Hi, Ate Agnes." walang buhay na bumati sa kanya si Buchu.
Kagagaling lang nito sa labas at dumiretso agad ito sa kinaroroonan ng upuan, busangot rin ang mukha nito nang umupo sa tabi ni Islaw. Mukhang hindi nag-iisa si Islaw, maging si Buchu ay hindi rin maganda ang mood. Kinakain na siya ng kuryosidad lalo pa't ito ang unang beses na nakita niyang ganito si Islaw kaya naman hindi niya na naiwasang magtanong sa mga ito.
"Ayos lang ba kayong dalawa?"
"We are fining, don't worry to we." ani Buchu at bumuntong hininga, isang napaka-ingay na hininga.
"Ang ibig mo bang sabihin ay ayos lang kayong dalawa at hindi dapat ako mag-alala sa inyo?"
"Yes."
"At paanong hindi ako mag-aalala kung ang dalawang makulit at malikot na lalaking tulad niyo ay bigla nalang naging tahimik at nakatulala?" nagpamaywang siya sa harapan ng mga ito.
"Nakakainis kasi, Ate Agnes."
"Bakit?"
"Iyong bola na nakuha ni Kuya Islaw kahapon, biglang inagaw samin nung mang-aagaw na mga bata."
"Oo nga! Ako kumuha nun eh!" nagpapapadyak na pagmamaktol ni Islaw.
Amg cute naman ng sirenong ito.
"Bakit naman nila kinuha sa inyo?"
"Kanila daw kasi iyon, Ate Agnes."
"May patunay ba sila na sa kanila iyon?" tanong niya.
"Wala! B-basta nalang nila inagaw sakin iyong bola! P-pinapatalbog ko tapos bigla sila lumapit. Hawak ko na tapos bigla nila k-kinuha sa kamay ko. Tapos tumalikod sila, tapos hinabol ko sila, tapos kinuha ko ulit ang bola, tapos kinuha ulit nila sa k-kamay ko, tapos ganoon ulit! Tapos inagaw namin ulit ni Buchu, tapos hindi na nila binitawan, tapos nag-agawan kami. Tapos n-natumba kami lahat. Tapos hindi na namin nakuha ang bola, kasi n-nagtatakbo na sila palayo." sunod-sunod at hingal na paliwanag ni Islaw, mukha parin itong batang nagmamaktol at nagsusumbong.
"Islaw, kumalma ka."
"Paano ako k-kakalma? Inagaw nila iyong bola! Hmp!" maarte itong humalukipkip at mataray na nag-iwas ng tingin.
Aba, kailan pa umarte ang sirenong ito?
"Islaw, bola lang iyon. Hayaan niyo nalang sa kanila. Humanap nalang kayo ng ibang laruan o bagay sa labas, tiyak marami sa dalampasigan na mga naanod na gamit."
"Hindi puwede! Dapat bola! G-gusto ko matuto magbasketball!"
"Islaw, nagiging matigas na naman ang ulo mo. Bakit ba gustong-gusto mo maglaro ng basketball?"
"Kasi ang sabi sakin ni Buchukoy, para makabuo ng baby kailangan marunong ng basketball." sagot nito na ikinakunot ng noo niya. Nanlilisik ang mga matang nilingon niya si Buchu na biglang napamulaga sa kanya.
BINABASA MO ANG
Babysitting The Merman
FantasyIsa lamang simpleng babae si Agnes na nakatira sa maliit na bahay sa tabing dagat at nagtatrabaho bilang katulong sa mansion ng matapobreng si Binibining Acosta at pamilya nito. Nagmumuni-muni siya sa may dalampasigan nang makarinig ng kakaibang hun...