Pagkakaroon ng mga Paa
Nakatulala lang sa kawalan si Agnes, walang makikitaang anumang sigla sa mukha o sa mga mga mata nito at sa halip ay mababakasan ng lungkot at pag-iisa ang mukha. Simula nang ipagtabuyan niya si Islaw palayo sa kanya ay nagkaganito na siya. Mahigit tatlong araw narin pala ang nakakalipas, at tama ang hinala niya na hindi na babalik si Islaw matapos ng ginawa niya. Hindi naman niya masisisi ang sirenong iyon.
Maging siya, kapag ipinagtabuyan na siya palayo at kapag sinaktan siya ay mas pipiliin niyang lumayo. Ilang beses na niyang naranasan ang masaktan ng mga tao at ilang beses narin siyang ipinagtabuyan ng mga ito kaya damang-dama niya ang sakit na ipinaramdam niya kay Islaw. Kung siya lang naman ang tatanungin, aaminin na siya na lubos siyang nagsisisi dahil sa ginawa niyang hindi maganda sa mabait na sireno. Hindi nito deserve ang ginawa niya.
Ngayon ay nagsisisi siya nang sobra. Sa totoo lang kasi, liban kay Buchukoy ay si Islaw nalang ang mayroon siya. Ang dalawang iyon lang talaga ang nararamdaman niyang may pakialam at may malasakit sa kanya. Pero anong ginawa niya? Sinayang niya lang si Islaw na laging nandyan para lambingin siya, para iparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa at lagi nitong ipinararamdam ang pagmamahal para sa kanya. Ngayon, dahil sa ginawa niya nawalan siya ng kasama.
Hindi niya akalaing masasaktan siya nang ganito.
"Ate Agnes?" nakangusong lumapit sa kanya si Buchu.
"Ikaw pala, Buchu."
"Ate Agnes, palagi ka nalang malungkot. Simula nang mawala si Kuya Islaw minsan ka nalang ngumiti." ani nito na ikinabuntong hininga niya.
"Ayos lang ako, huwag mo akong intindihin." marahan siyang ngumiti bago ginulo ang buhok nito.
Pero sa ginawa niyang iyon ay mas lalo lamang niyang naaalala si Islaw. Palagi niya kasing ginugulo at hinahaplos ang buhok nito na ikinatutuwa naman ni Islaw. Bumuntong hininga siya kasabay ng pag-alis ng kamay niya sa ulo ni Buchu. Anumang pilit niya na maging masaya ay sadyang hindi niya magawa, at anumang pilit niya na gawin ang lahat para manatili sa kanya ang isang tao ay tila kusang inaagaw iyon ng tadhana mula sa kanya. Unfair ang mundo!
"Ate Agnes, kumain kana. May ipinuslit akong isda mula sa ref namin. Apat na isda itong dala ko at malalaki pa." tumataas at baba ang dalawang kilay na ipinakita nito ang supot na dala.
"Maraming salamat Buchu, pero sa susunod huwag mo ng uulitin iyan."
"Opo, Ate Agnes."
Nginitian niya ito at dinala sa kusina ang ibinigay nitong pang-ulam. Mayroon narin siyang ulam para ngayong gabi, ilang araw na kasi siyang kanin at asin lang ang kinakain. Nang malinisan niya ang isda ay nagprito kaagad siya ng isang piraso at kumain, si Buchu naman ay umuwi na sa bahay nito dahil masyado ng madilim ang paligid. Mag-isa lang siyang kumakain kaya damang-dama niya ang pag-iisa niya.
Habang ngumunguya ay hindi niya naiwasang mawalan ng gana. Gutom siya pero parang wala siyang ganang kumain dahil pumapasok na naman sa isip niya ang sirenong si Islaw. Hindi niya alam kung normal pa ba itong nangyayari sa kanya, kung normal pa ba na palaging laman ng isip niya ang lalaking iyon at kung normal pa ba na nakakaramdam siya ng kung ano sa lalaking iyon? Para kasing lumalabas na may kung anong pagtingin siya para sa sirenong iyon.
"Siguro nag-iisa lang talaga ako kaya kung ano-ano nalang ang pumapasok sa isip ko." mahinang usal niya sa sarili.
Nang matapos siya sa pagkain ay naghugas agad siya ng pinagkainan, gaya ng inaasahan niya ay hindi agad siya dinalaw ng antok kaya bumangon siya mula sa pagkakahiga sa kama. Sandali lang niyang binalot ang katawan ng manipis na tuwalya at lumabas na siya para magpahangin sa labas. Nakatulala lang siya sa madilim na karagatan nang bigla nalang siyang makarinig ang pamilyar na huni na madalas niyang naririnig na nililikha ng sirenong si Islaw.
BINABASA MO ANG
Babysitting The Merman
FantasíaIsa lamang simpleng babae si Agnes na nakatira sa maliit na bahay sa tabing dagat at nagtatrabaho bilang katulong sa mansion ng matapobreng si Binibining Acosta at pamilya nito. Nagmumuni-muni siya sa may dalampasigan nang makarinig ng kakaibang hun...