Chapter 33

1.5K 74 28
                                    

Hinala

Maagang nagising si Agnes dahil balak niyang bisitahin ang ipinatayo niyang bagong palengke. Bago pa man sya bumalik sa isla ay marami na siyang kinausap para sa pagpapabago ng palengke. Marami pa ang kailangang baguhin pero malaki-laki na rin ang naayos kaya bibisita sya ngayong araw.

Marami rin siyang natatanggap na imbitasyon mula sa mga mamamayan ng isla upang makapagpasalamat sa kanya. Karamihan sa mga ito ay mga natulungan na niya sa pagpapagawa ng bahay, pagkakaroon ng maayos na trabaho, at pagbibigay ng scholarship sa mga anak ng mga ito.

Ilan sa kanila ay napuntahan na nya, pero sa dami ng mga nagbibigay imbitasyon ay hindi nya kayang isa-isahin ang mga bahay ng mga ito. Sa katunayan, dahil sa muling pagtayo ng isla ay mas dumami ang torista at naninirahan dito na malugod naman niyang tinanggap.

"Good morning, ate Agnes."   nakangiting malapad na pagbati ni Buchu sa kanya.

Kakabukas niya lang ng pinto.

"Good morning. Ang aga mo naman."

"Sabi mo kasi ate samahan kita sa palengke eh."

"Oo nga naman. Pumasok ka muna, iinom muna ako ng gatas bago tayo umalis."

"Umiinom ka pa ng gatas, ate Agnes?!"   gulat na tanong nito na tinawanan niya lang.

"Oo naman, may problema ba?"

"Wala naman ate, kasi parang ang tanda mo na para uminom ng gatas eh."

"Para naman sa lahat ang gatas tsaka pampatibay ng buto ang iniinom kong gatas."

"Ah may gatas pala pang-matanda?"

Ngumiti na lamang sya pero lihim siyang napabuntong hininga. Ang laki na ni Buchu pero marami pa itong hindi nalalaman. Hindi niya tuloy maiwasang magsisi na basta na lamang niyang iniwan si Buchu para magpakalayo-layo. Naging selfish sya noon pero wala ring napala ang pagiging makasarili niya. Wala siyang nakasama na sinuman sa loob ng maraming taon.

Umiling-iling siya para iwaksi ang negatibong bagay na tumatakbo sa isipan niya. Tapos na iyun, may oras at panahon pa para makabawi. Ngayong nandito na sya ay ipinapangako niyang hindi na niya pababayaan si Buchukoy.

"Oo naman. Isa pa Buchu, tumatanda na ako. Kailangan ko uminom ng mga ganito para hindi ako uugod-ugod agad."   biro nya na tinawanan lang ng huli.

Pero ang masaya niyang tawa ay kaagad na nawala nang mapatingin siya sa labas. Ang napakaganda at mahinahong alon ng dagat ang nakita ng kanyang mga mata. At doon, naalala na naman niya ang dalawang tao na espesyal sa buhay niya.

"Ate Agnes, okay ka lang ba?"

Napa-upo siya sa bakanteng upuan.

"Naisip ko lang, tumatanda akong walang kasama sa buhay. Alam kong hindi mo ako iiwan, Buchu, katulad ng kung paano mo kami hindi iniwan ng kuya Islaw mo. Pero hindi ko itatanggi na natatakot akong tumanda na wala ang mag-ama ko."   bigla'y lumamlam ang kanyang mga mata.

"Huwag ka mag-alala, ate."   lumapit si Buchu sa kanya at niyakap siya.

"Kilala natin pareho si kuya Islaw. Ilang beses na natin siyang pinapagalitan at minsan na rin natin siyang pinagtabuyan, pero ano? Balik pa rin siya nang balik diba? Kaya tiwala ka lang, babalik siya dito."

"Salamat."   maikling sabi niya at niyakap ang bata.

Gumaan bigla ang pakiramdam niya.

"Oh siya, tama na ang drama. Ayaw kong nakikita kang ganyan, ate. Kaya halika na."   unang humiwalay ng yakap si Buchu at hinila na siya patayo.

Babysitting The MermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon