Chapter 28

1.3K 54 11
                                    

Ang Pagkahuli

Nagpakawala ng isang malalim na hininga si Agnes bago siya marahang humiga sa ibabaw ng kama. Bahagya pang nanginginig ang kanyang labi. Matinding kaba ang nararamdaman niya ngayon para sa kanyang sarili kung kaya ipinatawag niya si Ginang Lucia, ang ina ni Buchukoy upang magpa-check up.

Kahit papaano ay may kaunting alam ang ginang sa panggagamot. Dahil sa matinding mahal ng bayad sa Hospital dito sa kanilang bayan ay sa ina na ni Buchu nagpapakonsulta halos lahat ng tao dito sa bayan nila. Maging kasi sa clinic, hindi na libre. At malaki pa ang sinisingil kahit pagpapakonsulta lang.

Nito kasing mga nakaraang araw ay napapansin ni Agnes ang malaking pagbabago sa kanyang katawan at ang iba't-ibang symptoms na nararamdaman niya na hindi naman niya alam kung ano. Si Buchukoy na mismo ang nagrekomenda na lumapit siya at magpakonsulta sa ina nito.

"Agnes, kumalma ka lang. Ramdam ko ang panginginig ng katawan mo."   tumatawang turan ni ginang Lucia.

"Be calmer, Ate Agnes."   ani Buchu at marahan pang tinapik ang kanyang braso.

Si Islaw naman ay tahimik lang na nakatayo sa may sulok na tila ba ayaw nitong manggulo, pero nakikita niyang lubos ang pag-aalala nito para sa kanya. Napakagat labi siya nang mapagmasdan ang posisyon ni Islaw. Nakasuksok lang ito sa pinakagilid, magkadikit ang dalawang paa, nakanguso at magkasiklop ang mga kamay. Parang batang pinagalitan.

"Ate Agnes, libre lang magpakonsulta kay nanay."   ani Buchu.

"May bayad talaga ito kasi isa ito sa pinagkakakitaan ko pero para sayo, Agnes, libre na."

"Salamat po."   maikling sagot niya.

"Ngayon, sabihin mo sakin lahat ng nangyari sayo nitong mga nakaraang buwan pa na sinasabi mong hindi normal."

"Opo."   lumunok muna siya sandali.

"Napapansin ko na madalas akong mahilo at manghina. Dati naman po kaya kong magtrabaho maghapon, pero ngayon hanggang tatlong oras na lang ang kaya kong itagal."

"Medyo madamdamin din po ako ngayon. Pakiramdam ko, nagmumukha akong immature dahil sa pagiging iyakin ko at mabilis mainis."

"May iba ka pa bang napapansin sa sarili mo?"

"Nagugutom po ako lagi. Tuwing umaga gusto kong maka-amoy ng hilaw na isda o kaya kumain ng tinuyong seaweeds na nabibili sa convenient store. Sa gabi naman po nagsusuka ako at nagigising ng mga alas diyes ng gabi para kumain ng mangga at alamang."

"Hala, baka magiging taong bangus ka na!"   biro ni Buchu na sinamaan lang ng tingin ng ina.

"Ang katawan mo, sa tingin mo ba may nagbabago sa katawan mo?"

"Napapansin ko pong medyo tumataba ako, mabilis mapagod at antukin. Hindi ko mapigilang makatulog minsan sa trabaho kaya mas madalas akong kinagagalitan ni Brianna. Napapansin ko rin po na medyo malaki ang tiyan ko."

"Malaki ang tiyan?"   kunot noong hinaplos nito nang marahan ang tiyan niya.

"Hindi ko po alam kung bakit lumalaki ang tiyan ko, iniisip ko na lang po na pagkatapos ko kumain ng hapunan ay dumideretso na ako sa pagtulog dahil sa matinding pagod."

"Sa aking palagay, hindi iyun ang dahilan."

Hindi na siya nakasagot at nanatili na lamang tahimik habang hinayaan ang ginang sa ginagawa. Maya-maya pa ay hinawakan nito ang kamay niya at idinikit ang daliri sa kanyang pulso at tila pinakikiramdaman ang tibok nito. Wala pang sampung segundo nang umawang ang labi nito na animo'y nagulat.

"May problema po ba?"   nag-aalalang tanong niya.

Sandali niya pang binalingan ng tingin si Islaw na tahimik pa rin sa sulok, pero kitang-kita niya sa mukha nito na tulad niya ay tila nadagdagan ang kaba at takot na nararamdaman. Paano kung may malala pala siyang sakit? Paano na si Islaw ngayon, sino ang mag-aalaga kay Islaw? Paano ang asawa niya?

Babysitting The MermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon