Pag-aalaga
Naramdaman ni Islaw ang unti-unting paghina ng panginginig ng katawan ni Agnes. Doon na siya humiwalay ng yakap sa dalaga para gawin ang mga bagay na itinuro sa kanya ng babaeng kinausap niya kanina. Pagkatayo niya ay dumiretso agad siya sa kusina para gawin ang kailangan niyang gawin para mabilis na gumaling ang kanyang kaawa-awang asawa.
Ang una niyang kailangan gawin ay ang punasan ng maligamgam na tubig ang katawan ni Agnes at pagkatapos ay bihisan ito ng bagong damit. Kumuha siya ng palanggana bago nilagyan ito ng tubig mula sa gripo, kumuha rin siya ng puting tuwalya bago dinala sa kwarto.
Hindi niya alam ang gagawin, wala naman kasi siyang kaalam-alam sa mga bagay-bagay. Mababakas sa kanyang guwapong mukha ang pagiging inosente at pagkawalang muang, pero para sa kanyang magandang asawa ay sinusubukan niya ang makakaya para alalahanin at intindihin ang itinuro sa kanya.
Inilapag niya sa luma at maliit na lamesa na katabi ng kama ang palanggana, hindi alintana na marupok na ang pinagpapatungan. Umupo siya sa tabi ni Agnes bago pinagmasdan ang mukha nito habang marahang hinahaplos ang magulo ngunit malambot nitong buhok.
"A-aalagaan kita, Agnes." mahinang usal niya.
Sinimulan niyang basain ang puting bimpo gamit ang maligamgam na tubig bago marahan iyong ipinunas sa makinis ngunit maputlang pisngi ni Agnes. Habang pinupunasan niya ng basang bimpo ang mukha nito ay hindi niya naiwasang mapatitig sa gandang taglay ng kanyang asawa.
Ngayon niya lang yata nagawang pagmasdan ng matagal at malapitan ang binibini. Napagtanto niya na hindi ganoong kalapad ang noo nito, diretso ang maitim na kilay nito ngunit maganda ang pagkakahubog, malalaki ang mga mata ngunit nababagay sa mukha nito, may matangos ngunit makitid na ilong at mayroong makipot na labi. Perpekto ang salitang pumasok sa isip niya.
"Ang ganda mo." diretsong usal niya sa mahinang tono ng boses.
Ipinagpatuloy niya ang ang ginagawa hanggang sa bumaba ang bimpo na ipinupunas niya sa balat nito. Nagtungo ang kamay niya sa leeg nito at marahan iyong pinunasan. Ang sunod niyang ginawa ay ang pag-aalis ng damit ni Agnes. Sandali pa siyang natigilan nang makita ang kahubaran nito na ngayon lamang niya nakita.
Sa katunayan ay hindi pa siya nakakakita ng ganoon kahit sa kauri niya. Natulala siya sa ganda ng nakikita, at may kung ano sa loob niya na nagbibigay init sa katawan niya. Pero iwinaksi niya iyon at ipinagpatuloy ang ginagawa hanggang sa matapos siya at nagawa niyang bihisan ng bagong damit si Agnes.
Pagkatapos niya na makumutan ang asawa ay bumalik siya sa kusina para naman magluto. Minsan na siyang tinuruan ni Agnes kung paano magluto ng lugaw, at iyon ang lulutuin niya ngayon. Abala siya sa pagluluto nang biglang dumating si Buchukoy. Kahit papaano ay gumaan ang loob niya dahil alam niyang mas maraming nalalaman ang batang ito kaysa sa kanya.
"Uy, uy! May s-sakit si Agnes!" patakbo niyang sinalubong si Buchu at parang batang nagsumbong.
"Ano? Where Agnes are?"
"Ano?" kumunot ang noo niya at pumaling ang ulo.
"Nasaan si Ate Agnes?"
"Nasa kwarto. Natutulog siya."
"Why you not caller me?"
"Hmm?"
"Bakit hindi mo ako tinawag?"
"H-hindi ko siya puwede iwanan eh."
"Ayos na ba si Ate Agnes?" tanong nito at kaagad na pumasok sa loob ng kwarto para bisitahin si Agnes.
"Hindi na siya gaanong m-mainit. Hindi na siya n-nanginginig."
"Anong ginawa mo?"
"P-pinunasan ko siya ng basang tuwalya, at binihisan ng damit." sagot niya na ikinalaki ng mga mata nito, at pagkaraan ay ngumiti ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/230989323-288-k937520.jpg)
BINABASA MO ANG
Babysitting The Merman
FantasyIsa lamang simpleng babae si Agnes na nakatira sa maliit na bahay sa tabing dagat at nagtatrabaho bilang katulong sa mansion ng matapobreng si Binibining Acosta at pamilya nito. Nagmumuni-muni siya sa may dalampasigan nang makarinig ng kakaibang hun...