act two: believing reincarnations

12 1 0
                                    

[ selena ]

naririnig kong naghahagikgikan yung apat na kasama ko. lumingon ako sa gawi nila.
faye brought her laptop with her. during our vacant periods and subjects na nagpa-excuse mga professor namin, wala silang ibang ginawa kundi manood ng kdrama. hindi naman ako maka-relate sa kanila kaya usually, kapag nanonood sila, nanonood na lang ako ng random videos sa youtube.

"ano na naman 'yang pinapanood niyo," tanong ko habang nakasilip sa screen ng laptop, "parang bago, e?"

norie nodded.
"bagong labas na kdrama, sis. about sa dalawang tao na na-reincarnate. unang episode pa nga lang, ang ganda na, e."

i internally scoffed at the idea of reincarnation.
i personally don't care if people like it or not. i just don't find the idea of 'reincarnation' appealing at all. i guess the idea of being alive before and having a different life seems exciting to them.

sa akin, hindi.
ewan ko ba. walang kadating-dating sa akin yung mga tv shows, movies, or series na related sa reincarnation. kaya siguro hindi rin ako fan ng mga kdramas kasi usually, about sa reincarnations yung theme nila. parang tuwing binabanggit or naririnig ko yung salitang 'reincarnation', e nababalot ako ng kilabot sa katawan.

mahirap i-explain.

after finishing a single episode, they decided to take a break for a while, also to check kung may mga dapat ba kaming ipasa. i told them they could watch some more dahil wala naman kaming gagawin halos for the whole day.

"uy, wala bang sinasabi sa 'yo si nicolo?" tanong ni faye.

lumingon ako sa gawi niya.
"si nicolo? about saan?"

"may pa-exhibit raw engineering, e. exhibit yata 'yon. hindi ako sure. pero wala siyang sinabi sa 'yo na may gagawin course nila?" umiling ako. sinabi ko naman na na ilang araw na kaming hindi nag-uusap. ni ha ni ho, wala. siguro sobrang busy lang talaga siya. so far, ako naman kasi, walang inaasikaso gaano ngayon. sa mga susunod, siguro oo, pero sa ngayon, wala.

nagbabalak nga akong ayain si nicolo na tumambay na lang sa 'min para manood ng anime o kahit anong movie. para naman kung super busy siya, magkaroon siya kahit sandali na pahinga.

ngumuso sandali si joana bago lumingon sa gawi ko at nagsalita.
"sel," sabi niya kaya napaangat ako ng kilay, "anong opinyon mo sa reincarnation? naniniwala ka ba sa gano'n?"

i scoffed, smiling.
"hindi ako naniniwala sa gano'n. gawa-gawa lang 'yan ng mga taong naniniwala sa destiny dahil nga sa kung noon hindi kayo nagkatuluyan, baka plano ng destiny niyo na sa reincarnation niyo, e magkatuluyan kayo," sabi ko habang pinapaikot yung ballpen ko sa pagitan ng mga daliri ko, "para lang yan sa mga taong masyadong dalang-dala sa fantasy, romance na hinaluan ng history, saka ng drama."

umasim yung mukha ni norie.
"alam mo, ang bitter mo talaga," sabi niya kaya nagtawanan yung iba pa naming mga kaibigan, "siguro, kaya ang bitter mo, may nangyari sa past self mo kaya nung na-reincarnate ka, ganiyan ang naging pananaw mo tungkol sa reincarnation,"

"i mean," sabi ko kasabay ng pagkibit-balikat, "wala naman akong problema sa reincarnation saka sa mga taong naniniwala saka gusto yung idea about du'n, sadyang wala lang talagang dating sa 'kin yung fact na itong buhay na meron ako ngayon, reincarnated at nabuhay na 'ko dati. wala lang, ewan ko ba. nauumay ako."

"alam ko na solusyon diyan sa umay mo," sabi ni ella saka iniharap yung laptop sa gawi ko, "nood na lang tayo ng kdrama, sis."

natawa ako nang malakas.
"ha? alam mo namang wala akong hilig sa ganiyan. saka na siguro kapag nasa mood na 'ko."

-

lumingon ako sa gawi ng orasan ko.
mag-e-11:30 pm na pala.

hindi pa rin ako makatulog.

bumuntong-hininga ako saka binuksan yung cellphone ko para i-check yung instoogram ko kung may notifications ba ako. iilan lang, mga nag-like ng huling post ko. i also checked chatter, just in case na nag-post yung mga favorite artists ko ng bagong fanarts. huli kong chineck yung facenook ko. naroon yung sandamakmak na notifications dahil na rin sa mga na-share kong memes.

naisipan kong i-chat si nicolo.
kaso may part sa 'kin na nag-aalangan kasi nga baka busy siya or maaga na siyang natulog para mas mahaba pahinga niya.
in the end, chinat ko na rin siya.

selena niyo chinita hot girlfriend material:

hiiii
r u busy?
(sent 11:42 pm)

tumingala muna ako sandali sa kisame, nagbabaka-sakaling magrereply si nicolo any time soon.
ipipikit ko na sana yung mata ko nang maramdaman kong nag-vibrate yung cellphone ko. pagtingin ko, text lang pala ng smart. punyeta. binaba ko ulit yung phone. this time, matagal akong naghintay ng chat. tumingin ako sa oras.
12:28 am.

bumuntong-hininga ako saka binuksan yung youtunes para manood ng asmr baking videos saka videos ng aso saka pusa.
inabot na ako ng pasado ala una y media kaya naisipan kong matulog na lang.

selena niyo chinita hot girlfriend material:

tutulog nako hehe goodnight
sweetdreams
sleep well
🖤
(sent 1:38 am)

nung pinikit ko yung mata ko, sumagi sa isip ko kung gaano ako ka-tanga kay nicolo at kung gaano ako talaga ka-tanga in general.
hindi ko na lang inintindi yung kirot sa dibdib ko saka hinayaan yung sarili ko na makatulog.

an ocean of tearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon