act nine: rejecting offers

3 2 0
                                    

[ elena ; 1848 ]

ginising ako ni manette nang makailang ulit. ngunit iisa ang sinasagot ko. nais ko pang matulog. at sa tuwing sinasagot ko iyon ay nilalakasan niya ang pagyugyog sa aking balikat kaya naman labag sa aking kalooban na dumilat ako at tumingin sa kaniya, nakakunot ang noo.

"binibining elena, ikaw ay mag-ayos na sapagkat maaga kayong pupunta ng iyong ina sa plantasyon," mahinahon niyang sambit.

tumingin ako sa bintana bago lumingon sa kaniya.
"sa tingin ko'y sobrang aga pa, manette. maaari ba akong maidlip kahit limang minuto pa?"

bumuntong-hininga si manette.
"alas otso y media na, binibining elena. ikaw ay tinanghali na ng gising—" pagkarinig ng oras ay siyang biglang bangon ko sa taranta kaya naman naramdaman kong pumintig ang ulo ko sa matinding sakit at nagsisi ako na bigla akong bumangon.

"tila ikaw'y napuyat, binibini. hindi ka ba nakatulog nang mahimbing kagabi?" tanong niya sa akin. ipinaliwanag kong sa hindi maipaliwanag na kadahilana'y putol-putol ang aking tulog. hindi ko na sinabi ss kaniya na nakipagkita ako kay carlos at mukhang hindi rin naman niya alam ang nilalaman ng sulat para sa akin ni carlos.

"kung gayo'y maggayak ka na, binibini sapagkat ang iyong ina ay naggagayak na," sabi ni manette ngunit hindi ko na inintindi.

"hayaan mo na ang aking ina, manette. sa tingin ko'y nakaligtaan mo ang katotohanang kay bagal mag-ayos ni nanay sapagkat napakarami niyang nais isuot at ilagay sa kaniyang mukha. hindi maaaring makita si nanay na hindi magarbo ang kasuotan dahil nakasalalay rito ang kaniyang dignidad bilang babae na mula sa mayamang angkan," sagot ko.

bumuntong-hininga si manette. tumayo na ako upang magsimulang mag-ayos sapagkat hindi ko nais na mapagsabihang muli ni nanay.

pagkatapos ng aking pagligo at ako'y nagbibihis na, biglang sumagi sa aking isipan na nais kong magpinta. at hindi lang basta-basta magpinta. tunay na ginaganahan akong magpinta ngayong araw. tila ang pag-uusap namin kagabi ni carlos ay siyang nag-udyok sa aking sarili upang magkaroon pa ng ideya at magkaroon ng maraming inspirasyon.

kailangan ko ulit tumakas.

gaya ng dati'y walang kasiguraduhin kung ako'y makakaalis ngunit kailangan kong subukan. Kung ang tunay na kasiyahan ay ang makalaya sa malamig ng rehas ng tahanan, handa akong isugal ang aking sarili sa ngalan ng bagay na maipagmamalaki ko sa aking sarili.

humarap ako sa salamin ng aking malaking tokador.
sinipat ko ang aking suot. ang aking mukha.
pakiramdam ko'y napakaraming mali sa akin. napakaraming kulang. ano ba ang wala sa akin na mayroon sa ibang mga dalaga ng aking panahon?

bakit sa pakiwari ko'y napag-iiwanan na ako? na ang mga dalaga na aking ka-edad ay matagumpay na sa kanilang nais marating sa buhay? samantalang ako'y nalulugmok sa mga pansarili kong alalahanin. sa mga bagay na hindi ko magawa. sa mga bagay na ginagawa ko na hindi naman ako nakararamdam ng kaligayahan. nais kong maging malayang ibon ngunit ikinulong ako para lamang mapagmasdan ang kagandahan ko at hindi para malaman ang tunay kong kakayahan.

ang mga alalahanin ng kasalukuyan at mga pangyayari ng nakaraan ang siyang nagpapabigat ng aking dibdib. nais ko mang huwag itong intindihin ay hindi ko magawa. nasanay na akong palagi itong iniisip. ngunit hindi ako na ako nasanay sa kirot na dulot nito sa palagi kong pag-iisip tungkol dito. pabago-bago ang tindi ng kirot.

an ocean of tearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon