act three: following dreams

12 1 0
                                    

[ selena ]

"hello," sabi ko kasabay nang marahang tapik sa balikat niya.

lumingon sa gawi ko si nicolo.
for a moment, nung nakita ko yung mukha niya, medyo kumirot yung dibdib ko. masaya akong makita siya ngayon pero may halong sakit. tinakpan ko nalang yung nararamdaman ko gamit yung ngiti na madalas niyang makita sa 'kin.
"uy," sabi niya kasabay ang pagngiti, "himala, o-order ka sa stall na 'to," dugtong niya pa.

i chuckled and looked slightly away from him.
oo, favorite mo kasing um-order sa stall na 'to for some reason, kaya dito na ako pumunta, hoping na makikita kita pero siyempre, hindi ko sasabihin 'yon sa iyo.
"gusto ko lang kasi i-try kung ano nasa menu nila ngayon," pagsisinungaling ko, "may kasabay ka ba kumain? tara sabay na tayo,"

please say yes.

"ah, may kasabay ako, pero sige, sa 'yo nalang ako sasabay kumain," sagot niya kaya napangiti ako nang malawak.

inabot ko na kay nicolo yung pera ko habang sinasabi yung order ko.
"hanap na ako ng mauupuan natin ha," sabi ko sa kaniya, "bilisan mo riyan at nagugutom na 'ko,"

"wow ha, sabihin mo 'yan kay ate inday," sagot niya, tinutukoy yung tindera ng stall kaya tumawa na lang ako saka umalis para maghanap ng bakanteng table.

usually, wala masyadong tao kapag ganitong oras.
mostly engineering, business management, kaming mga financial management, at nursing students yung kumakain kapag ganitong araw at oras. before, madalas din mga chem students dito pero after ng disastrous chem event nila, medyo iwas muna sila sa part na 'to ng cafeteria.

i sat down and exhaled heavily.
at this moment, my thoughts became a little too intrusive, even with so much people surrounding me.
i hate it.
one moment i feel fine and then this happens.
ang hirap magkaroon ng inner struggle at panic habang napapaligiran ng maraming tao. i felt so conscious of my facial expression.

parang bumaligtad yung sikmura ko. it felt like there's a lump in my throat. lumunok ako. hindi nawawala yung pakiramdam. i clenched my fists. kahit yata gawin ko yung usual na ginagawa ko na magfo-focus ako sa limang bagay, hindi tatalab.
i felt so trapped and vulnerable being surrounded by so many students. i exhaled and glanced around.

seryoso, kailangan ko na kumalma. hindi na maganda nangyayari sa akin kaya kailangan kong huminga nang malalim at kumalma. wala namang problema. okay lang 'to. okay lang lahat. kalma ka lang.

kalma ka lang.

kalma ka lang.

kalma ka lang.

mas mabuti sigurong umalis na lang tutal wala naman akong dahilan pa para magtagal sa lugar na 'to.

"sorry, sel. babawi na lang ako sa iyo, next time."

"huy, selena,"

napatalon ako sa gulat dahil sa tumawag sa 'kin. pag-angat ko ng tingin, nakita ko si nicolo na hawak yung tray niya samantalang nakalapag na sa harapan ko yung akin.
"andiyan ka na pala. hindi kita napansin," sabi ko habang kinukuha sa kaniya yung kutsara't tinidor ko.

"e paanong 'di mo ako mapapansin e nakatulala ka," sabi niya saka umupo, "ano bang problema? ba't parang problemadong-problemado ka?" tanong niya.

an ocean of tearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon