act four: painting canvases

4 1 0
                                    


[ elena ; ]


"sinasabi ko na nga bang maling desisyon ang ilagay pansamantala ang kahon-kahon ng mansanas sa tabi ng panaderya. ninanakaw lang ng mga kabataan!"

hawak ang maliit na salamin sa kaliwang kamay ko, inilapag ko ito sa lamesita.
gusto ko sanang magsalita pero alam ko naman kung anong mangyayari sa akin kapag ginawa ko iyon. baka tuluyan na nila akong hindi palabasin sa mansyon na 'to.

ayokong mamatay dito sa malamig na mansyon na 'to.

"elena, bakit hindi ka pa nakaayos?" tanong sa akin ni nanay kaya napatingin ako sa kasuotan ko.

"may problema ho ba sa suot ko?" takang tanong ko saka tinignan yung suot ko.

tinitigan ako ni nanay mula ulo hanggang paa.
"sa tingin mo ba ay maayos na ang suot mo na iyan? ano na lamang ang iisipin ng iba tungkol sa iyo? lalo naman sa akin! ano na lamang ang sasabihin nila sa akin? bah, magugulat na lamang tayong lahat ay naipakalat na sa lahat na naghihirap ka na! gusto mo ba iyon? naku, manette," tawag niya sa kasambahay namin na dali-daling lumapit papunta sa kaniya.

"ano po iyon?"

"bihisan mo si elena. yung magandang damit. alam naman niyang pupunta kami sa plantasyon para personal na puntahan at kumustahin ang aanihin para sa buwan na ito," sabi ni nanay kaya napaiwas na lang ako ng tingin, "kaya hindi ako papayag na magmumukhang gusgusin ang anak ko. kumilos ka na, elena, at magpalit ka ng damit!" utos niya kaya wala akong ibang nagawa kundi ang tahimik na sumunod.

nahalata ni manette na nalumbay ako sa sinabi ni nanay kaya naramdaman kong pinisil niya ng isang beses yung braso ko. tumingin ako sa kaniya. binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti pero hindi ko magawang suklian kahit ng tango na lamang yung ginawa niya. parang ayaw ko na umalis. gusto ko na lamang manatili rito.

umalis. bumalik sa plasa. para makapagpinta ulit ako.

"pupunta lamang kami sa plantasyon. bakit kailangan pa na magara ang kasuotan ko? bakit kailangan ko pang ipamukha sa lahat ng titingin sa akin kung gaano karangya ang buhay na meron ako?" tanong ko kay manette, mababakas sa boses ko na nadidismaya ako.

"kilala mo naman ang iyong ina, elena. mabuti na sumunod ka na lamang sa kaniya. alam naman niya kung anong tama para sa iyo. makabubuti naman iyon sa iyo," sagot ni manette habang pumipili mula sa malaki kong aparador na punong-puno ng mga damit.

hindi na lamang ako kumibo. hindi ako sang-ayon sa sinabi ni manette tungkol kay nanay.
hindi niya alam kung anong tama para sa akin dahil ang alam lang niya ay kung ano ang tama para sa kaniya. sa kung saan siya totoong nakikinabang.

"manette, naitago mo ba ang mga gamit ko sa pagpinta?" tanong ko sa kaniya habang sinusuot ang inabot niyang damit sa akin. nanatili lang siyang nakatayo sa gilid ng kuwarto.

"oo. nasa ilalim lamang ng iyong kama nakalagay lahat. bakit? nagbabalak ka na naman ba na tumakas para magpinta sa plasa?" tanong ni manette. naramdaman kong bumilis yung tibok ng puso ko.

dahil sa pagpinta ako nakakaramdam ng tunay na saya.
iyong ang isang bagay na hinding-hindi maiintindihan ni nanay. pangarap kong magpinta at gusto kong matupad ko iyon.

an ocean of tearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon